Chapter 53 VITORIO Bago namin iniwan ang mga taong tinipon ni Zyross at Sandro, ay sinunog ni Zyross ang mga ito. Kung ako may awa pa, pero ang Zyross na ito sagad sa buto ang kademonyohan. Bago kami umalis sa lugar na iyon kinuha ko ang dalawang granada saka inilagay sa aking bulsa. “Kailangan ba talagang sunugin mo ang mga iyon?’’ tanong ko kay Zyross habang papunta kami sa lugar kung saan naiwan ang sasakyan namin. Kagubatan ang dinadaanan namin. “Dapat nga nilibing natin na buhay ang mga iyon nang sa ganoon nakakasigurado tayo na kahit isa sa kanila wala ng mabuhay,’’ sagot ni Zyross sa akin. Napapailing na lang ako sa sagot ni Zyross sa akin. Ilan sandali pa tanaw na namin ang sasakyan namin kung saan namin ito iniwan bago kami nakarating sa lugar kung saan kami nahuli at na trap