Chapter 27 Alvira "Kumusta ka na?" tipid na tanong ni Lander sa akin habang nakaupo kami sa sa sala ng condo unit ni Miss Vida. Umiinom kami ng kape habang si Miss Vida naman nasa kusina at nagliligpit siya ng mga kalat ko. Tinawagan niya kasi ako kanina na pumunta sa unit niya at mag-bake ng cake dahil may bisita raw siya. Hindi ko naman akalain na si Lander ang magiging bisita niya. Ang nakakahiya pa ang napkin ko kinuha ng aso sa basura at kinalat pa talaga rito sa sala. "Ayos lang," tipid kong sagot sa kaniya. "May asawa ka na?" mahina niyang tanong subalit halata ang pagkailang sa kaniyang mukha sa tanong niyang iyon. "Oo, nag-asawa na ako. Masaya naman ako sa piling niya, ikaw? Wala ka pa rin bang asawa?" Hindi ko alam kung tama ba ang tanong kong iyon sa kaniya at bigla na lan