Chapter 74 VITORIO Kasalukuyan naka-upo kami ni Mr. Escobar sa opisina ni Daddy. "Ano ang gusto mong ipagtapat sa akin Dr. Lander Diez? At ano ang tungkol sa pagkatao ni Vitorio? Kung ang ipagtatapat mo sa akin ay may relasyon kayo ng anak ko, puwes hindi ako papayag sa kahibangan mo. Bakit napaniwala mo ang anak ko na asawa mo siya? At kahit magkakilala man kayo ni Vitorio, sigurado ako na hindi siya papayag sa kalokohan mo. Mas mabuti pa siguro na ipakasal ko siya sa anak ng kaibigan ko," mariin na sabi ni Mister Escobar sa akin. Bahagyang kumibot ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ano raw? Ipapakasal niya si Alvira sa anak ng kaibigan niya? Nagpapatawa ba siya? Seryoso akong tumingin sa mga mata niya. "Kung may taong dapat magpakasal kay Alvira, ako lang dapat iyon Mr. Esc