5-Hot as Fire

2660 Words
    “Dude, okay ka lang? Kanina pa nakakunot ang noo mo. Baka mahipan ka ng masamang hangin magdidikit ‘yan?” Hindi na nakatiis si Oz ng pagtatanong. Pabulong lang ito ngunit para kay Dash ay parang nakakabingi sa lakas.   “Shhh..” pabulong na sabi ni Dash habang patuloy pa ring nakatulala at nakatitig sa pader sa kanyang harapan. Mas lumapit pa sa kanya ang mga kaibigang nakaupo sa sala ng kanilang hotel suite. Kung titingnan ay mukha silang mga player ng basketball at coach na pinag-uusapan kung paano mananalo ang koponan nila sa laro. Kung naglalaro man si Dash, basketball din ba ang sport niya? Bigla siyang nakaisip ng ibang klaseng basketball at sumagi sa isip niya na naman ang taong iyon.   “Sino ba talaga ‘yong hot chick na nasa loob ng kwarto?” Si Oz muli ang nagtanong at masy mahina na ang boses nito.   “Shhh..baka ka marinig!” suway niya at napalingon pa sa kwarto kung saan niya inihatid si Dara.   “Bakit ba tayo nagbubulungan?” Napakamot ng ulo si Dash. Bakit nga ba? Hindi rin alam ni Dash kung bakit kailangan nilang magbulungan ng mga kaibigan niya habang nasa loob ng kwarto nila si Dara at nagpapalit ng damit. Sumandal si Dash sa upuan at pumikit.   “Ipinakilala ko na sa inyo kanina si Dara mga shunga! She’s just changing. Aalis kami pagkabihis niya.” Naalala niya ang suot nito nang magkita sila muli sa may pool side. Naalala pa lang niya ay iba na ang nangyayari sa kanya. He also saw how his friends looked at her from head to toe as they appreciated her perfectly sculptured body. Nang maalala niya ay isa-isa niyang tinitigan niya ng matalim na tingin ang limang kaibigan bago nag-iwan ng isang matinding babala. “Hands off and eyes off! She’s mine.” Mahina ngunit maddin nitong sinabi ang huling mga kataga. He wanted to make himself crystal clear that Dara is his.   “Bakigt pabulong? Bawal marinig?” Malakas na sabi ni Malik. Nagtawanan pa ang mga gago niyang kaibigan sa sinabi ni Malik habang lalo namang nag-init ang ulo ni Dash.   Nang makagaling na sila ni Dara sa dati nitong kwarto sa resort ay agad niyang dinala ito sa kanilang kwarto. Napangakuan niya itong mamamasyal na lang sila upang magpalamig ng ulo si Dara sa nangyari. Kailangan lang nilang magbihis muna bago mag-ikot sa resort. Tiwala naman si Dash na hindi aangal ang mga kasama niya na patutuluyin muna niya sa silid nila si Dara. Nang pumasok sila ni Dara ng kwarto ay kumpleto ang lima na naglalaro ng Poker. Nagtatawanan ang mga ito ngunit nang bumukas ang pinto at tumambad sa kanila ang naka-swmi suit na katawan ni Dara ay natahimik ang mga ito at napanganga. Kung bakit sa dinami-dami ng oras na gugustuhin nilang tumambay ng kwarto ay iyong panahon pa na dumating siya na may babaeng kasama.   “Dude, si Dara. She’ll be staying here for a while with us.” Nang tumango si Dara sa mga kaibigan ni Dash ay humarap ito muli sa kanya.   “Which room can I use?” Dahil may dalawang kwarto sa suite ay itinuro ni Dash ang kwartong tinutulugan nila ni Oz. Napailing si Oz habang nakanganga. Sinenyasan naman niya ito na gigilitan sa leeg kapag umangal.   Nang naihatid na niya sa kwarto si Dara kasama ng mga gamit niya ay matinding pagpipigil ang ginawa niya sa sarili upang hindi sunggabang muli ang labi ng dalaga. Napabalik siya sa kasalukuyang pag-uusap nila ng mga kaibigan nang tanungin siya muli.   “Mukhang masungit. Ni hindi ngumiti sa’tin kanina ‘yong chick. Saan mo ba nakilala? Bakit andito at bakit pumayag kang sungitan ka? Nalalaos ka na ba, Dude?”   “Tumigil nga kayo baka marinig tayo! Mas matalas pa sa balisong ni Reece ang dila ng babaeng ‘yan.”  Mas lumapit naman ang lima sa kanya.  Halos magkaumpugan ang mga ulo sa sobrang lapit sa isa’t-isa habang nakupo sa paikot na sofa ng hotel suite nila.   “Matalas ang dila? Ang tanong, masarap ba? Napagsawaan mo na?” Napaawang ang bibig ni Dash. Masarap? Napamura siya sa isip ng oo, masarap na masarap. Hindi niya alam kung babatukan niya si Malik o tatawanan. They were expecting some answer from him. Kahit naman tarantado siya at babaero ay hindi siya kiss and tell. Sinagot na lamang niya ang mas madaling tanong.   “Mga gago! Kung napagsawaan ko na, dadalhin ko pa ba rito? Alam n’yo namang hindi ako umuulit! Isang beses pa lang lang napagsawaan ko na.” Napalakas ang boses niya at dahil magkakumpulan silang anim ay hindi nila namalayan ang pagdating ng babaeng pinag-uusapan.   “Napagsawaan ang alin?” Tumikhim si Malik at dumiretso ng upo habang si Oz naman ay halos masamid sa pagpigil ng tawa at umayos na rin ng upo. Poker face lamang naman ang iba pang kasama habang mabilis siyang nag-isip ng isasagot. Mabuti na lamang at magaling siya sa mga biglaang dahilan at alibi.   “Ang Bacardi white na iniinom namin madalas sa bar. Sabi ko ay isa pa lang shot napagsawaan na. Are you ready to go?” Napalunok siya nang makita ang suot nito. From a two piece white bikini, nagpalit si Dara ng  maiksing puting shorts na lalong nagpakita ng maputi at mahaba nitong legs at pulang midrift sleeveless fitted top na hubog na hubog sa malalaki nitong dibdib at makipot na beywang. Nakastrappy flipflops rin ito at may stylish designer belt bag. He got distracted with her belly ring na hindi niya napansin noong naka-bikini ang dalaga. Kunwari ay napaubo siya nang mapansin ang mga kasama niyang lalaki na nakatitig rin kay Dara. Hindi pa siya nasiyahan sa pag-ubo lang, sinipa niya pa ang paang pinakamalapit sa kanya bilang dagdag paalala. Napa-aray si Reece na siyang tinamaan ng paa niya. Agad rin naman silang nag-iwasan ng tingin. Ang iba ay napatingin sa sapatos nila, ang iba ay sa baraha at sa bintana.   “Yes. I’m ready. You really don’t have to do this. I could just book a room at another hotel by myself, you know.” Inayos nito ang mahabang buhok na itinali gamit ang isang scrunchie. Mas nangibabaw ang kagandahan ng maliit nitong mukha dahil sa paghawi ng wavy nitong buhok. He got a glimpse of her armpits na maputi at makinis. Walang guhit at parang may busilak na kalooban sa puti. May fetish pa naman si Stone sa perpektong kilikili at mukhang ang kay Dara ang pinakamagandang nakita niya.   “I insist. Hanggang hindi ka pa nakakuha ng flight pabalik, it would be more convenient for you to stay here with us. Mapapagkatiwalaan naman kami. Di’ ba?” Tumingin si Dash sa mga kaibigan at napangiti sa ginawa ng mga ito.   Sabay-sabay na nagtanguan ang mga kaibigan niya na parang mga sira-ulo. Kung ibang babae siguro iyon ay mapapangiti at maapektuhan ng kakaibang charm, charisma at kaguwapuhan ng grupo, ngunit hindi si Dara. She just stared at each one of them like seeing them was a normal occurrence in her lifetime’s existence. Siguro nga dahil maganda ito ay sanay ito na rin siya na kasama ang mga gwapo.   “If you say so. Paano? Should we chat some more or are we going to leave?” Kung ibang babae siguro ‘yon ay pinalabas na ni Dash dahil sa pagiging antipatika nito. Ngunit kahit ganoon siya kasungit, he knows how she feels beneath the surface. Alam din niyang malungkot si Dara. Hindi man nito ipinapahalata, he could see how affected she was about what happened earlier. Dash saw how her lips trembled and her eyes teared up because of her scumbag motherfucker ex-bestfriend. Ganoon pa man, panandaliang kahinaan lamang ang nakita niya dahil nakapagkubli ito kaagad. Beneath her cold as winter attitude, lies a shattered and broken heart.   Hindi man nalalayo sa itsura niya at tindig, gusto niyang maging knight ni Dara. He would be her knight in shining armor. He clarified to himself that it would be just to get into her pants. Masyadong masarap at maalab ang halik na ipinatikim nito sa kanya. He wanted more of her sweet lips and he wanted her so badly. Hindi niya napansing nakatitig pala siya sa mga labi ni Dara nang magsalita itong muli.   “Babe, kung mag-iimagine ka lang kahit hindi pa gabi, sa kwarto ka na lang muna. Ako na lang mag-isa ang lalabas at mamasyal kahit ikaw naman ang nagyaya.” She emphasized the word babe kaya’t napatayo na kaagad si Dash. Nagbilang siya ng pabalik at nag-isip ng nakakdiring bagay upang masigurong siya lang ang nakatayo at hindi ang isa pang pwedeng mag-standing ovation. Nang marinig ang salitang, Babe, His friends looked shocked at the sudden turn of events.   “Babe?” He could have smacked his friends’ heads when all of them incredulously whispered the word babe as if in abolute shock. Parang hindi makapaniwala na nandidiri pa na nakatingin sa kanya ang lima. Napaawang ang bibig ni Dash habang umangkla naman si Dara sa beywang niya. He was distracted by her sweet scent kaya’t hindi agad nakakontra.   “Hindi ba nasabi ng Babe ko kung mag-ano kami?” He stealthily looked at her and she was half smiling and half smirking. He realized what she was doing. She was trying to piss him off. Gumaganti ba si Dara o sadyang mapaglaro lang rin siya? Napangiti si Dash nang maisip ang posibilidad. Akala marahil ni Dara na mapapahiya siya sa mga kaibigan kung ipapakitang may girlfriend na siya. Mas idinikit pa nito ang katawan sa kanya. Ngunit dahil laban kung laban ang motto ni Dash, pauunlakan niya sila. Pasiklaban pala ang gusto ni Dara. Ngayon ipapakita na niya ang kamandag niya.   Hinigit niya ito palapit sa katawan at hinarap. He held her cheeks in his hands and was about to kiss her when she pushed his face away from hers.   “You made your point, asshole. Let’s go! Boys, baka gusto ninyong sumama? We’re going to the beach.” Pag-irap nito kay Dash sabay talikod. Naiwang nakanganga ang mga kaibigan na nagtataka kung anong nangyari. He just shook his head and smirked at them. One point kay Dash. Napakabilis man ng pag-transition niya into babe to asshole, he still felt triumph over her reaction.   “Hindi na. Kayo na lang. Baka magulpi pa kami.” Si Vance lang ang malakas ang loob na sumagot.   “What?” Nang magtanong si Dara ay pinandilatan ni Dash si Vance na napatawa na lamang.   “Wala. Have fun! Dude, be back before 9 pm.”     “May curfew?” Hindi na siya sumagot sa pang-asar na tanong nito. He took her hand and pulled her out of the room. Hindi niya binitiwan ang kamay nito kahit na ipinapagpag ito ni Dara.   “We have a show at 9 pm. We were invited here by the hotel owner.” Pagsagot ni Dash habang papalapit sila ng elevator.   “Show? Anong show? Macho dancer ka ba?” Napakunot ng malalim ang noo ni Dash Imbis na mainsulto ay natawa pa siya.   “You must really think so highly of my hot lean body para maisip mo agad na macho dancer ako. I know I’m a hunk pero hindi ‘yon ang trabaho ko.” Humarap pa si Dash at bumulong kay Dara, “I could dance seductively for you if you want. Just say the word.” Mas ginalingan niya ang pagbulong ngunit hindi pa ito tumalab kay Dara.   “Nah. I’ve had enough encounter with a fuckboy for a day. Maybe next time.”   Two ATVs were waiting for them when they emerged at the hotel front. Ipinahanda na ito ni Dash bago pa sila bumaba. Palubog na ang araw at gusto niyang maabutan nila ang sunset sa dalampasigan.   “You know how to drive this thing?” She rolled her eyes at his question as she mounted the blue ATV. Naiinis na sumakay si Dash sa kulay pink na ATV. Sinadya ni Dara na unahan siya sa asul upang mapilitan siya at wala siyang magawa kung hindi sa kulay hot pink na ATV sumakay.   “Let’s race. First one to the green flag will win. Loser will be punished.” Napaisip si Dash kung mayroon bang green flag sa beach. Naglakad na siya doon noong tanghali na dumating sila ngunit pawang dilaw at asul lamang ang nakita niya. Itatanong pa sana niya kung saang banda ang green ngunit sumigaw na ito ng “Go!”   To say that she was a lousy driver is a fraudulent statement. Ni hindi nga umubra ang pagiging drag race driver ni Dash dahil hindi niya ito maabutan. Maybe because she was unfairly competitive dahil nadidistract si Dash sa pagtayo at pag-usli ng pangupo nito upang mas mapabilis ang sinasakyang all terrain vehicle. He felt bothered looking at her perfectly shaped butt as she made him eat sand. Sinadya ni Dara na magpreno at paandarin muli ang ATV nang malapit na siya rito upang maligo siya ng buhangin. He could hear her raucous laughter as he shouted expletives.   When they reached the beach, he searched for green flags but he found none. Wala siyang choice kung hindi sumunod sa babaeng may pakana ng lahat. They were at a deserted part of the beach na walang kahit sinong tao. Private hotel iyon kaya’t kakaunti lang ang namamasyal. She slowed down then stood up and reached for a yellow flag, then a blue one. After which, she stopped abruptly and spun the ATV around to face him as she held out the two flags on her hand. Now he realized why she said to find a green flag.   “Loser!” Panunukso ni Dara. He stopped the ATV and got off. He tried to be calm as he walked briskly towards her but he felt hot and bothered because of her teasing. Hindi pa nakatulong na hindi siya sanay nang natatalo.   “There was no green flag! That’s blue and yellow!” Sigaw niya kahit alam na niya ang sagot.   “Did you really graduate college?”   “Oo naman. May business degree ako kaya—“   “Primary at secondary colors lang hindi mo pa alam? Blue and yellow makes up green! So here’s your green flag.” She looked so serious at kung may self esteem issue lang si Dash ay baka na-offend na siya na para siyang tinatawag na tanga. But he knew how to fight coal with fire.   “I’ll make you see green and red and all the f*****g colors of the rainbow. I’ll even make you moan those colors if I want to.” His action was swift. He covered their distance and gently but surely cornered her by holding her nape and back, leaning her upper body backwards to almost lie down on the ATV seat. He straddled her, pinning her legs with his while he tried to balance himself to keep some of the weight on him. When he was sure that she could not move or push him away, he captured her lips. Noong una ay hindi ito gumalaw ngunit matapos ang ilang panunukso ng dila niya at labi ay bumigay rin ito at gumanti ng maalab na halik. Every stroke of his lips on hers, the graze of his tongue on her soft red lips made him fiery with need. There was urgency on his kisses, something that he could not control. May parang hinahabol silang dalawa na hindi mawari.   Kung ano man ang hinahabol nila, gaya ng araw na papalubog na, hindi na nila ito maaabutan pa dahil naligaw na silang dalawa at nalunod sa halik ng isa’t-isa.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD