“PENNY for your thoughts?” tanong ni Dash na naka-focus sa pagmamaneho habang siya naman ay nakatingin lamang sa mga sasakyang nalalagpasan nila. They were still on the road. Hindi siya nagsalita kahit nang mapansin niyang lumabas sila ng Maynila patungong South. Kahit marami silang kasabay na mga naglalakihang truck sa expressway ay mabilis pa rin ang biyahe nila dahil hatinggabi na. Swabe at matulin rin ang pagpapatakbo ni Dash ng itim nitong sports car. “I’m just trying to admire the passing view. Trying being the relative word. Sa sobrang bilis mong magpatakbo parang blurred na lahat ng nadaanan natin. Grabe nasa grand prix ba tayo?” Kahit ganoon na ang sinabi niya, nag-change pa ng gear ang pabibong lalaki at mas tinulinan ang pagpapatakbo nag magara nitong kotse. Napairap na lam