7-Plug and Play

2996 Words
  Pagpasok ni Dara ng silid ng hotel ay napatigil ang tatlong kaibigan ni Dash na naglalaro ng baraha sa sala. Nagtanguan lang ang mga ito bilang pagbati habang si Dash ay mukhang tulala. Nang marinig ni Dash ang pagtunog ng pintuan ng banyo na hudyat na nasa loob na si Dara ay mas napatulala si Dash sa pag-iisip. Napatitig siya sa pintuan na pinasukan ni Dara. Matagal siyang nakatayo sa may pintuan at nakatulala lang roon bago siya pinansin ng mga kasama.   “Dude, kung gusto mo siyang sundan sa banyo, go ka na. Susuportahan ka naman namin. Isa pa, kapag ginusto mo, para namang mapipigilan ka namin, hindi naman ‘di ba? Kaya sundin mo na ‘yang naiisip mo at isinisigaw ng p*********i mo. Basta siguruhin mo lang na hindi ka magugulpit, ha.” Si Vance ang nagmungkahi. Naglalaro ang tatlo niyang kaibigang sina Vance, Malik at Reece ng tong-its habang hinihintay na tawagin na sila para sa dance practice.   Nilapag ni Reece ang lahat ng cards na hawak niya sabay sabi ng “Tong-it!” Umiling ang dalawa pa niyang kalaro at inilapag sa lamesa ang mga baraha. Si Malik ang talo kaya’t siya ang nagtipon ng mga baraha.      “Mukha namang type ka rin. Malagkit ang tingin sa’yo at umaangkla pa si Babe.” Habang nag-aayos ng baraha ay sumang-ayon naman si Malik. Normal na rin itong may bahid na pang-iinis. Napabuntong-hininga si Dash at napasandal sa may gilid ng pintuan. Minasahe nito ang noo na parang biglang sumakit dahil sa mga pinagsasabi ng mga kasama.   “Sino naman ba ang hindi makaka-type sa ‘tin? Eh, ang popogi kaya natin.” Napailing na lang si Dash sa sinabi ni Vance, habang ang dalawa pa nilang kasama ay nagtanguan naman. Hindi naman nga maipagkakaila na mga gwapo sila at matitikas ang dating ngunit para maya’t-maya ito sabihin ay nakakasakit ng ulo. “Pumasok ka na kasi, papasok na yan—“ Hindi talaga siya tinantanan at tumayo pa ito para ipagbukas siya ng pinto. Pinalis ni Dash ang kamay ni Vance at marahan itong itinulak pabalik ng upuang pinanggalingan ng huli.   “Hindi na! Mamaya na ‘ko papasok kapag tapos na siya.”   “Dude hindi naman mahal na araw para mag-abstinence ka. Sabagay kahit nga biyernes santo hindi mo pinapatawad dati, ano namang nagbago ngayon? Laban lang, Dude!” gatong naman ni Reece.   “Oo nga, fight lang kung fight!” Pang-aasar pa nila. Naisipan tuloy ni Dash na huwag na lang munang maligo at sumunod na lang agad sa practice. Tumayo siya nang matuwid at bumuntonghininga. Desidido na siya sa kanyang gagawin.   “Mag-practice na nga lang tayo! Nasaan na ba sila? Mamaya na ‘ko maliligo. Sandali nga lang at magsasapatos lang ako.” Inikot niya ang mga lugar kung saan normal niyang iniiwan ang sapatos pagkagaling sa labas. He looked for his shoes in the cabinet near the entrance and under the couch but he couldn’t find it. Napamura na naman siya nang ma-realize niyang nasa kwarto pala ito. “f**k s**t. Nasa loob pala.” Napakamot siya ng ulo. Nadalawang isip na naman kung papasok ba siya ng silid o hindi. Napa-abante at at atras pa siya sa may pintuan.   “Pumasok ka na kasi! Hindi mo naman sisilipan, eh. Kukunin mo lang ang sapatos mo! Mabilis lang naman ‘yon, Dude! Pwera na lang kung may gagawin ka pang iba. Sabihan mo lang kami kung mauuna na na kaming lumabas.” Lumapit pa si Malik sa kanya at bumulong. Sinimangutan niya ito at inambaan. Tumawa lang ito habang pabalik sa pwesto sa tabi ng mga iba pang kasama.   “Tama! Kung sasabay ka naman na sa paglabas ay bilisan mo na dahil tumatawag na si Oz.” Iniangat pa ni Vance ang cellphone niya. Naka-flash doon ang pangalan ni Oswald na tumatawag na para magsimula ang practice nila. “Tapos magpaalam ka na rin na lalabas tayo sandali.”   Dahil malalaking sulsol at maiingay ang mga kaibigan niya ay ganoon nga ang ginawa ni Dash. Mabigat ang mga paang tinahak niya ang silid kung nasaan si Dara. Marahan niyang binuksan ang pinto at saka pumasok sa loob. Pagkasara niya ng pintuan ay huminga pa siya ng malalim at pumikit bago humarap sa silid. Napalunok siya, napatitig at napamura sa isip nang makita ang damit at underwear ni Dara na nakalatag sa kama. It took a few seconds for him to snap out of it. He scolded himself for being stupidly affected by just a few pieces of clothing. Umiiling na lumapit siya sa kama kung saan niya nilagay ang sapatos niyang goma na pansayaw.   He took his shoes from under the bed. Mabilis niyang isinuot ang medyas at sapatos. Pumunta rin siya ng closet at humugot ng pamalit na damit. Isinuot niya ang isang puting fitted na t-shirt at pinagpagan na lamang ang pang-ibabang suot. Napatingin siya sa pintuan ng banyo at naalalang kailangan nga pala niyang magpaalam. He approached the bathroom and was about to knock on the door to inform her that he would be back in fifteen minutes when he heard something that made him lose his mind again. He heard his name and Dara’s moan.   “Shit.” Mahinang mura niya nang maramdaman ang epekto ng narinig sa p*********i niya. Bumilis ang kabog ng dibdib at nag-init ang pakiramdam. It was crazy how his body reacted that strongly with just her soft voice. He was about to turn the door handle to join her when he heard Malik calling him.   “Dash! Sasabay ka ba o kami na lang ang pupunta?” Narinig pa niyang nagtawanan ang tatlong kaibigan sa labas ng silid. Siguradong pagpipiyestahan siya ng kantyaw at tsismis kapag hindi siya sumama.   “Double shit.” He looked around the room and saw the note pad and pencil provided by the hotel. Masakit man sa puson ay binitiwan ni Dash ang door knob ng banyo at lumapit sa lamesa kung nasaan ang puting note pad at itim na lapis. He scribbled a note for Dara then placed the note on top of her underwear. Pinigilan ni Dash na hawakan ang damit habang napakagat pa siya nang masilayan itong muli. He tried his best to snap out of it. Mabilis na lumakad papuntang pintuan. He locked the bedroom door on his way out. Mahirap na at baka kung sino pa ang pumasok sa kwarto nang wala sila.   “Namboso ka ba? Bakit in attention ‘yang junior mo?” Natatawang tanong ni Malik. Pagtingin ni Dash sa ibaba ay may nagagalit ngang alaga. Pumikit siya at huminga ng malalim. Sa panahong nakilala niya si Dara ay napagtanto niyang napapadalas ang kanyang paghinga ng malalim at pagbuntonghininga.   “Tado ka talaga kahit kailan, Malik! Tara na nga! Bilisan na natin para makabalik ako kaagad.” Sagot niya habang inayos ang kanyang shorts. Ibinaba ang t-shirt upang hindi masyadong mapansin ang bukol niyang iyon. Imbis na matawa ang tatlo ay natigilan ang mga ito.   Nagkatinginan ang tatlo niyang kasama at nanlaki ang mga mata. Napanganga rin sila bago sila lumapit sa kanya at isa-isang nag-speech bago tumapik sa kanyang likuran at balikat. Sa lahat ng kalokohan ay nangunguna talaga ang mga kaibigan niya.   “Hindi ka pa nga umaalis pero gusto mo nang bumalik? Grabeng lakas ng tama mo, Dude. Welcome to the underworld, Dude.” Umiiling na sabi ni Vance.    “Iba, dude. Ibang-iba! Wala na akong ibang masabi bukod sa, wow. Nagbago ka na. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na proud ako sa’yo o ano man.” Nakakapit pa sa pusong sabi ni Reece habang papalapit sa kanya.   “Tandaan nating lahat ang makasaysayang araw na ito—“ Dumipa pa si Malik habang papalapit sa kanya at naghagikgikan naman ang dalawa pang kasama, “sa buong buhay ni Stone Dash Fuego, ang isang alamat ng mga palda ng mga kababaihan. Isang makasaysayang kaganapan para sa isang nilalang na hindi umuulit at hindi nagpapagamit. Siya ay nagkaroon na ng interes sa isang babae lamang. Isang babaeng mukhang siya pa ang gagamitin.” Paglapit ni Malik ay binatukan siya ni Dash.    “Pero, seryosong usapan, mga Dude. Mukhang nakilala na natin ang magpapatino sa kaibigan natin.” Nakangiti at parang proud na proud pang sabi naman ni Reece.   “Mga gago! Tara na nga!” Asar na asar niyang sagot. Sumimangot siya at nauna nang lumabas ng kwarto. Habang papalabas ay napaisip siya ng husto. Kailangan niyang mag-ingat dahil hindi maaring mangyari ang mga sinasabi nilang lahat. He’s not yet done enjoying his life at walang dapat na kung sino man ang magpapabago ng lifestyle niya. Kung baga sa computer accessories na plug and play. Si Stone Dash naman ay f**k and play. That’s his motto in life.   “Pagpupustahan ka namin, winawarningan lang kita.” Si Vance naman ang bumanat. Naglapat ang mga palad ng tatlo na senyales na pagpupustahan nga talaga siya.   “Basta kapag nagpustahan kayo ‘wag ninyong iparirinig sa’kin. Sapak ang abot ninyong tatlo sa’kin.”   “O, bakit tatlo? Lima kaming magpupustahan, no! Pero sige, sure, Dude. Hindi namin ipapaalam na maglalapagan na kami ng pusta mamaya. Mahirap na masapak mo. Masakit kaya.” Minsan nang nasampolan ng suntok ni Dash si Malik. Dahil sa malakas itong mang-asar ay nagkapikunan sila minsan. Nagkabati naman sila kaagad matapos ang dalawang araw nang tulungan niya ito sa isang problema.   Sabay-sabay silang naglakad na apat patungong elevator na aakyat sa entertainment hall kung nasaan ang buong grupo. Sa kabilang side noon sila magpeperform. May isang pagtitipon doon ang isang malaking kumpanya at ang host ay ang hotel. Last minute raw nagback-out ang performer for that night. Wala silang makuhang kapalit kaya’t tumawag kay Miles ang may-ari ng hotel na kaibigan nito.   May kasama pa dapat silang singer ngunit walang nakuha si Miles. Kaya’t ang ending, mag-aala boy band na lang silang anim para lang maaliw ang mga tao. Sayang rin ang bayad sa kanilang dalawangdaang libong piso para lang sa isang gabi ng performance.   “Sigurado ba kayo na may pagkanta pa? Isang taon na tayong hindi kumakanta.” Ang tinutukoy ni Dash na huling beses ay noong event sa unibersidad nila. Usually ay sa karaoke lang sila kumakantang anim at sa mga bahay nila kapag nag-iinuman. Naglolokohan habang nagbeblending ng mga boses. Nagamit nila ito nang mag-request ang Presidente ng University nila na kumanta sila sa isang event. Song and Dance number, kung baga. Kilala ang grupo nila bilang isang dance group ngunit walang nakakaalam noon na magaling din silang kumanta. The performance turned out great at nag-standing ovation pa ang mga tao. Given naman na mangyayari iyon dahil 3/4th ng audience ay mga babaeng mas malakas pang tumili kaysa sa banshee. Aminado naman ang The Movers na 90% ng population ng fans nila at tagahanga ay mga babae.   “Oo. Kailangan daw na may kanta, magbibigay ng bonus na Tig-limang libo ang event organizer per member. Saan ka pa, di ba?” Napatango na lamang si Dash. Kung tutuusin ay hindi naman nila kailangan ng pera, pero tuwing may offer sa kanilang bayad ay para silang mga hayok sa salapi. Siguro ay innate reaction ng mga business minded genes nila ang pakikipag negotiate at haggle kung tungkol sa pera ang usapan.   “Sakto na ang praktis natin na isang pasada. Pwede na ‘yon. Itong stunt na bago ang praktisin natin.” Sagot naman ni Oz. Sa kanilang anim ay silang dalawa ni Oz ang nagdedesisyon ng mga gagawin. Nagsasangguni rin sila sa mga kasama ngunit ang pinal na desisyon ay galing sa kanila, si Dash bilang overall leader ng grupo at si Oz naman bilang Performance at Dance Leader nila.   “Game. Bilisan na natin, Oz!” Tinapik pa ni Malik ang balikat ni Oz at saka tumalon pa ng tatlong beses. “Nagmamadali si Dash dahil naghihintay ang chick niya sa kwarto.” Pabulong na sinabi ni Malik kay Oz.   Nagngisian ang mga kasama habang binatukan naman ni Dash si Malik na tumawa lang ng malakas.   “Nakakarami ka ng batok sa’kin Fuego, ah.” Natatawang amba ni Malik na inambaan namang pabalik ni Dash.   “Pwesto na! Magkapikunan na naman kayong dalawa, ako nang sasapak sa inyo.” Naiiling na sabat ni Reece habang nagtawanan naman at nagyakapan muna sina Dash at Malik. Kahit naman malakas silang mag-asaran, walang papantay sa samahan nilang magkakaibigan.     Nang makapwesto na silang anim ay itinuro na ni Oswald ang bagong stunt. Nakaapat na ulit lang sila sa routine na pawang bilang lamang bago sila nagsimulang sumayaw na may tugtugin. Hindi naging mahirap ang proseso dahil sanay na sila sa pagtalon, pag-tumbling at pagpapaikot ng katawan sa ere at sahig. Mga posisyon at pwesto, timing at rhythm lang ang nag-iiba kada routine ng mga sayaw nila.   Matapos nilang matapos ang isang pasada ang dance routine, sumilip sila sa stage ng entertainment hall para tingnan ang magiging pwesto nila sa actual stage. May mga tao na sa loob kaya’t hindi na sila nakapagensayo roon.   Saktong kinse minutos nang matapos sila sa ensayo. Alas-otso na noon at alas-nueve  y media ang call time nila. Sila ang pang-finale na maghuhudyat para sa sayawan pagkatapos ng pagtitipon.  Sabay-sabay na silang bumalik ng silid upang maghanda para sa sayaw nila. Tatlo naman ang banyo sa hotel suite nila kaya’t sakto lang ang oras.   When they entered the hotel room ay nanonood ng TV si Dara. Si Dash ang nagmamadaling magbukas ng pinto ngunit napatigil siya nang makita ang dalaga. Napatitig siya kay Dara habang nakaharang siya sa pintuan. She was wearing a loose white shirt and leggings kaya’t nakahinga ng maluwag si Dash. Kung ang pulang damit ang suot nito ay baka inatake siya ng kahayukan niya.   “That was fast. Akala ko stir lang ang 15 minutes.”   “Hi Dara!” Bungad ni Ezra na itinulak si Dash upang maalis ang pagkakaharang sa pintuan. Naupo kaagad si Ezra sa tabi ng babae. Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan na ngumisi lang at umakbay pa kay Dara. Balewala lang kay Dara ang pag-akbay. Isa-isang nagpasukan ang iba pa nilang mga kasama at humilera sa tapat ng sofa kung nasaan si Dara.   “Hi. Hindi ko pa kabisado ang mga pangalan ninyo. I wasn’t paying attention earlier. I apologize if I wasn’t in the mood because of something. Could you introduce yourselves again one at a time?  Paikot lang.” She smiled and they were all putty on her hands. Kahit ang pinakamasungit na tao ay siguradong mapapangiti rin sa ngiting ibinigay ni Dara. Tumayo si Ezra at pumagitna kina Vance at Reece dahil masama ang tingin sa kanya ni Dash. Isa-isa silang nagpakilala. Pang-huli si Dash.   “Okay!” Pumalakpak pa si Dara na parang biglang may naisip na isang henyong bagay,  “Now, I got it! Malik, Oz, Vance, Ezra, Reece, Stone Dash.” Ginamitan pa ni Dara ng mga daliri ang pagbanggit sa mga pangalan nila at tumaas ang kilay nang mabanggit ang Stone na parte ng pangalan ni Dash. Hindi naman nila sinasadya ngunit nagkataon na sunod-sunod sila nang pagkakasabi ng mga pangalan. “Your group must be called Movers, then?” Nakataas ang kilay nitong tanong. Nameywang pa si Dara kaya’t mas lalong napatitig si Dash.   “Wow. Ang galing mo! Paano mo nahulaan?” Manghang-mangha si Ezra na lumapit muli at tumabi kay Dara. Hindi na nakatiis si Dash kaya’t naupo na siya sa kabilang gilid ni Dara. She looked at him and smirked. Tinaasan pa siya ng isang kilay.   “It’s really predictable for groups to use the letter of their first names, even famous bands does that sometimes. What gave you away is this man over here. Pwede namang Dash lang ang sabihin na name nito o hindi na magpakilala pero may Stone pa rin ang binanggit niya.” She moved closer to him and hooked her arm on his. Agad namang lumayo si Ezra. Their four friends were looking at them. Kung ibang babae ay siguradong ma-coconscious na o mag-blush, but not her.   “Ikaw pala ang give away, Dude. Ayan, Dara, we’ll give him away to you na.” Pang-aasar na sabi ni Ezra bago ito tumayo at tumabi sa mga kasama. Paglingon ni Dash sa kanila ay mga nakangiwi ang mga ito na natatawa. They must have beeen feeling awkward seeing them stare at each other. Para silang mga audience sa isang romantic na palabas na ayaw na ayaw nilang pinapanood nang magkakasama.   “Hi, Babe.” Pang-aasar ni Dara habang humilig pa ito sa balikat niya at kinuha ang kamay niya. Dash knew she was teasing him because of the note he scribbled.   “Mauuna na kong maligo, Dude. Mamaya ka na. Maiwan muna namin kayo.” Isa-isang nagpulasan ang mga kaibigan niya. Ang tatlong kasama na lilipat ng ibang silid ay kinuha ang mga gamit bago lumabas. Kumaway ang lahat at nagpaalam ng magalang kay Dara. They were left in the receiving area, holding hands. Nakatitig lang si Dara sa palabas sa TV. She was watching National Geographic.   “Buti hindi ka inaantok sa pinapanood mo?” Tanong ni Dash nang sila na lang dalawa ang naroon.   “On the contrary, I find it exciting. Ikaw? Anong exciting para sa’yo?” Her voice was too enticing and sexy to ignore. Hindi na nakatiis pa si Dash. He turned her towards him.   “I find you so exciting.” He tilted her head towards him and started kissing her. Hindi nagtagal, ang holding hands nila ay naging full blown make out session. She was lying on the couch with him on top. Totoo ngang hindi namamalayan ang oras kapag nakikipaglandian.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD