Hinapit ako ni Ace palapit sa kanya na mas lalong nagpatiim bagang kay Ardell. Nakita ko pa ang pagkuyom ng kamao nito. "A-Ardell, it's not what you think..." usal ko rito. "Enlighten me now, Calista! Because I'm thinking–na wala kang pinagkaiba sa mga bayarang babae rito sa Rampage!" singhal ni Ardell sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. Namuo ang luha ko sa mga mata. Nasaktan ako sa sinabi niya pero naiintindihan ko. Magsasalita na sana ako pero biglang dumapo ang kamao ni Ace sa pagmumukha nito kaya bumalandra ito palabas ng room. Malakas akong napasigaw at dinaluhan ito na ngayon ay nakahandusay na sa carpeted hallway. "Stop, Ace please." I begged him dahil nakikita ko sa mukha nito ang galit at susugurin pa ulit si Ardell. His face expression soften nang makita niya ang pagtulo