"Attract what you expect, reflect what you desire, become what you respect, mirror what you admire." ❤️ Napangiwi ako nang makita ang namumulang pisngi ni Accent dahil sa pagkakasampal ko. Nandito kami ngayon sa mini bar ng Casino, nilalagyan ko ng ice pack ang pisngi nito. Nahiya ako sa ginawa ko, napagkamalan ko pa siya. Eh, paano bang hindi? Siya kaagad ang nabungaran ko sa likuran. Naawa ako roon sa lalaking nanghipo sa puwet ko, nabali yata ang kamay. Kasi may mga medic na pumunta doon at dinala ito sa clinic. "Okay na ba iyan?" Nakangiwi kong saad kay Accent, samantalang ito ay nakatitig lang sa mukha ko. Nakakailang naman kung tumitig ito. Pero parang balewala lang naman dito ang sampal na binigay ko eh, baka nagda-drama lang ito. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay k