PUMASOK ako sa CR para mag-toothbrush at maglinis ng katawan. Binalot ko ang sarili ko ng bathrobe. Pagkatapos doon ay lumipat ako sa closet upang magbihis naman ng pajamas. Nadaanan ko si Eric na naroon pa rin sa kama. Mukhang nakatulog na nga kaya nag-isip na ako kung saan ako mahihiga. Kasya naman ako sa sofa kaya roon na lang siguro ako. Paglabas ko ay dahan-dahan akong lumapit sa kama at kinuha ang mga bakanteng unan. Tulog na nga siguro si Eric. Inilipat ko sa sofa ang mga unan. Pagkatapos ay bumalik ako sa closet at kumuha naman ng comforter. Bago matulog ay ni-check ko ang aking cellphone. May message si Ninong Marty. Ni-reply ko muna iyon at pagkatapos ay nahiga na ako sa sofa. Boses ni Poleng ang gumising sa akin kinaumagahan. Nag-inat ako at nagulat nang tuluyang magising. Na