[ AVA CAMPANA ] PINILI kong maging tahimik ng marinig ko ang pangalan ng kausap ni Ziggy. Hindi ako pweding magkamali na si Bettina ang siyang kausap ni Ziggy. "I'm sorry! May tumawag lang," sabi nito sa akin nang ibaba nito ang tawag at muling binalik sa lagayan niya. "Si Bettina?" tanong ko sa kaniya. "Oo! Napatawag siya." Tumatango-tango ako. Hindi ko alam ang siyang sasabihin sa harap nito. Confirm na may relasyon pa ito kay Bettina, hindi man malinaw sa akin ang pag-uusap nilang dalawa iyon pa rin ang siyang sumagi sa isip kong mahirap ng baguhin pa. Ano naman ang masama kung may relasyon ito kay Bettina? May anak nga silang dalawa 'diba? Malamang tuloy-tuloy pa rin ang ugnayan nilang dalawa sa isa't isa. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Hindi naman ako ganito. Parang may kakaiba na