Chapter 1: The Flashback

513 Words
10 years ago... Third Person's POV Pitong taong gulang pa nun si Denise. Mayaman ang pamilya nila at ang negosyo ay mga malls and restaurants. Maayos lahat hanggang sa isang araw.... "Bumalik ka dito Joseph!" sigaw ng mommy ni Denise na si Janice. "Ayoko na nga sa'yo! Mag-didivorce na tayo!" sigaw pabalik ni Joseph habang nag-iimpake ng mga gamit niya pero pilit pinipigil ni Janice. Nakasilip dun si Denise habang hawak hawak ang bunny teddy niya sa pintuan ng mga magulang. Tahimik na tumutulo ang mga luha nito. "Bakit??! May babae ka no?!!" sigaw nito. "Oo! Kasi nagsasawa na ako sa'yo!" "Pero Joseph mahal kita! Please! Don't leave me!" pagmamakaawa nito at niyuyugyog ang balikat ng asawa. "Ano ba!" tapos yung b***l na niya ang ipapasok sa maleta. "Joseph please! Sige! Kung aalis ka, magpapakamatay ako!" "Gusto mo talagang mamatay??! Sige!" BANG! Pagkarinig at pagkarinig ng batang si Denise sa putok ng b***l, tumakbo ito pabalik sa kwarto niya at umiyak. "I hate you daddy... I hate you...." paulit-ulit na bulong niya sa sarili. Sumilip siya sa bintana at nakita niya ang daddy niya na papalabas na. Tumakbo siya pababa ng hagdan habang dala-dala parin ang teddy niya. Pagkalabas niya, nakita niya ang daddy niya na may kausap na isang babae at isang batang lalaki na kaedad niya. "Daddy!" sigaw ni Denise. Lumingon si Joseph. "I'm sorry.." he mouthed then he went inside the car. Nakatayo lang doon si Denise habang nakatingin sa papalayong sasakyan hanggang sa nawala na nga ito sa paningin niya. Ilang saglit pa ay parang bigla itong natauhan at bumalik sa loob ng bahay. Nakabakasyon kasi ang mga helper nila kaya sila lang ng mommy niya ang naiwan doon.. Ang mommy niyang duguan.... at wala ng malay..... "MOMMMMYYYY!!!!!" She cried in grief. Lumabas siya ng bahay at nagsisigaw. "Help me! Pleaase!!" May grupo ng mga lalaki ang dumaan pero pinagtawanan lang siya. "Baliw na yung bata pare." "Oo nga." "Kawawang bata. Ano? Gusto mong candy? O eto! Isang piso!" sabay tapon ng isang piso kay Denise tsaka sinipa pa ito. Grabe na ang hinanakit na naramdaman niya. Batang bata pa pero napakalaki na ng kanyang problema hanggang sa nahimatay narin siya. *** Gumising si Denise sa loob ng kwarto ng isang ospital. "Baby.." tawag sa kanya ng lola niya. "Lola.. where...where's my mom...?" mahinahong tanong nito. Umiling ang kanyang lola tsaka hinawakan ang kanyang pisngi. "I'm sorry Denise but... mommy is..gone...." Muling napahikbi si Denise kaya niyakap siya ng kanyang lola. *** Makalipas ang ilang araw... nabalitaan nalang ng pamilya na kinuha pala ni Joseph ang mga pera ng kumpanya nila. Bankrupt na. Simula nun, nagkukulong nalang siya sa kwarto ng lola niya. Hindi na sya lumalabas. Dinadalhan lang siya ng pagkain ng maids at nanatili siyang ganun ng dalawang buwan. Umabot ng isang taon, she never spoke to anyone except for her grandmother. Tipid rin siyang magsalita. "Lola... I swear.. when I grow up.. I will hunt my father.... no... I will hunt Joseph and his family....I'll bring them down..." sambit nito. Hindi nalang umimik ang kanyang lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD