Third Person's POV So yun na nga. Pumasok ulit si Clarence sa kwarto ni Denise. "Pag ikaw hindi umalis..." she let her sentence hang. Hindi naman natinag si Clarence sa pagbabanta ng boses ni Denise. "Apo." biglang pasok ni Yolanda. "Yes lola?" Tumabi si Yolanda kay Clarence tapos biglang ngumiti. "Wag mong tratuhin ng ganyan ang manliligaw mo apo. Ang gwapo at ang bait pa naman ng binatang ito. Bagay pa kayo." Bahagyang nagulat si Denise. "Manliligaw? No way lola." sabay irap nito. "Ay nako. Mga kabataan nga naman ngayon. Mahilig talagang mag-deny basta apo, wag mong saktan tong si Clarence ha kundi malalagot ka sakin." Nanlaki na ngayon ang mata ni Denise. "What?? Nagbibiro ka lola diba?" "Hindi. Seryoso ako apo. Oh sige. Magagalit ako pag ikaw ang di magseseryoso. Maiwan ko