The next day, June 11, Tuesday…
Third Person's POV
KRING…
Tunog iyon ng alarm clock ni Denise kaya nagising siya. Nag-exercise siya at pagkatapos ay dumiretso na sa banyo.
"Good Morning Apo." bati ng lola niya ng nakita siya sa kitchen.
"Morning lola." bati naman niya pabalik at umupo na para kumain ng breakfast.
"Apo, nakausap ko na pala ang principal doon at nag-explain narin ako."
Tumango lang si Denise at nagpatuloy sa pagkain.
Ng matapos, nagpaalam na siya sa lola niya at umalis na para dumiretso sa school. Nakalugay naman ngayon ang mahaba niyang buhok.
Sa pagdaan niya, maraming tumatabing estudyante dahil takot ang mga ito sa kanya.
'Buti naman.' she thought.
Pagkabukas niya sa classroom, biglang tumahimik ang lahat at napatingin sa kanya pero deadma lang silang lahat.
Dumiretso naman siya sa upuan niya at nag-earphones. First class? English.
Maya-maya pa'y nagsimula ng mag-discuss ng guro pero naka-earphones parin si Denise habang nakatingin sa labas ng bintana. Napansin siya ng guro kaya lumapit ito sa kanya at tinanggal ang earphones.
"Miss Vega. Why are you not listening while I'm discussing there in front?" tanong sa kanya ni Mrs. Sienes.
"It's boring." deretsong sagot niya dito.
"Well if you don't want to listen then-----"
"Get out of my class. Yeah. Whatever." sabay tayo niya at deretsong naglakad palabas sa classroom. Naka-itim na jansport na bagpack na siya ngayon.
Nagtungo siya sa likod ng gym ulit at doon natulog.
Hindi nagtagal ay nagising naman siya para pumunta sa third subject niya na Filipino since na skip na niya yung second subject na CLVE.
Again, she ignored the teacher's question kung ba't daw ngayon lang siya. She just looked for a vacant sit at the back and sat there.
Napahikab siya.
'Grabe. Sobrang boring talaga.' isip-isip niya ulit. Since start palang ng klase, halos lahat introduction lang at kung ano-anong activites by groups and she find it boring lalo na't ayaw niyang makipagkaibigan sa kahit na sino.
Pretty tough right?
Sa 10 years na nakalipas, ni-isang kaibigan, wala siya. Anong ginagawa niya sa ten years na yun? Nagt-training, nag-aaral mag-isa at minsan, naglalaro mag-isa but she's fine with it. Ang loya niya ang natatanging pamilya na inaasahan.
Walang araw rin na nakakalimutan niya ang nangyari sa kanya 10 years ago.
(Note: Has some slight profanity for Denise’s POV)
Denise's POV
Fck. Ang pangit pa ng guro, may mga walang kwentang kaklase pa ako at ang boring pa ng lesson, grabe.
Nakakastress. Makalabas na nga lang.
"Where are you going Miss Vega?"
"Grandma's house." sarkastikong sabi ko at lumabas na. Kita ng palabas ako ng classroom, magtatanong pa. Antanga.
10:45 pa lang.
Naglakad ako patungo sa gate at lalabas na sana ng harangin ako ng dalawang guards.
"Miss, hindi pa dismissal. Bawal lumabas."
Napatigil ako. Kung gagawa na naman ako ng g**o, sasakit na naman ang ulo ni lola kaya tumalikod nalang ulit ako.
Papunta na ako ngayon sa likod ng school. Hindi naman kataasan kaya maaakyat ko to.
Isa. Dalawa. Tatlo. Talon!
Kumapit ako sa semento tsaka umakyat at tumalon ulit sa kabila. Dali lang. Tss.
Pinagpagan ko ang sarili ko at naglakad-lakad. Gusto kong kumain ng ube na ice cream kaya nagpunta ako sa pinakamalapit na ice cream shop.
"May I take you order ma'am?" masiglang bati ng cashier.
"Malamang. Bobo ka? I want 2 ube parfaits."
Bigla naman siyang sumimangot.
"Ano na?"
"Coming up ma'am." Ngumiti ng pilit sabay alis niya.
Matagal-tagal pa naman yun kaya kinuha ko ang sketch book ko at nag sketch ng mga bulaklak pero habang ginagawa ko yun, parang may nakatingin sakin kaya napatingin ako sa paligid.
Nakangiting LALAKI.
I rolled my eyes at him at tinuon ulit ang pansin ko sa pags-sketch. Nagpapacute. Ang pangit naman. Psh.
Third Person's POV
Nalungkot ang lalaki.
"Deadma ka sa chick tol." pang-aasar ng isang kabarkada.
"Hahaha." tawa naman ng isa pa.
Apat silang magbabarkada. Ang tatlo ay taga Red Woods din at ang isa na dinedma ni Denise kanina ay kakarating pa lang galing Korea.
"Nako. Pare, amazona yan. Hindi. Higit pa sa amazona." komento ng isa. Tumango naman ang dalawa pang taga RWA. (Red Woods Academy)
"Nambubugbog yan."
"She's very cute. Anong pangalan?" sabi ng lalaki sa kabila ng mga komentong narinig mula sa mga kaibigan.
"Alamin mo." sabi ng isang kaibigan na parang nanghahamon pa.
Dumating narin ang orders ni Denise kaya nagsimula na siyang kumain ignoring the looks/stares that was on her.
Ng matapos ng kumain si Denise, tumayo na siya at lumabas. Agad ring tumayo ang lalaki.
"Teka." sabi niya sa mga kaibigan at sumunod rin.
"Miss!" tawag niya kay Denise pero hindi siya nilingon nito. Tumakbo siya at pumunta sa harap ni Denise.
"Hi Miss Ganda! Anong pangalan mo?" inosenteng tanong ng lalaki. Lumukot ang mukha ni Denise.
"Wala kang pakialam! Get lost!" bulyaw sa kanya ni Denise pero hindi natinag ang binata.
"Ang haba ng pangalan mo ah! Hi Miss Walakangpakialamgetlost! Ako nga pala si Clarence!" sabay abot ng kamay nito.
Poker face ang ating prinsesa.
"Ugh." sabay iwas niya kay Clarence pero sumunod parin ito sa kanya.
"Miss! Heeyyy!!!" pangungulit pa ni Clarence.
Denise's POV
Damn. IT.
Huminto ako sa paglalakad at tsaka biglang tumalikod at inatake ko siya ng suntok pero nawakan niya ang braso ko.
"Woaah, easy lang miss."
"Don't fcking touch me!" sabay ikot ko at sisikuhin ko sana ang batok niya pero nakaalis siya pagkakahawak ko.
One last time, tiningnan ko siya ng masama at nagsimulang maglakad.
"Nice to meet you Miss Denise Monica Vega!"
And again I stopped and turned around. Nakuha niya ang keychain ng bag ko na may nakaukit ng buong pangalan ko. Nilaro niya pa at pinaikot-ikot sa daliri.
"’Til we meet again!"
What an annoying guy. Makauwi na nga lang.