Third Person's POV First day of July na ngayon at wala pa ring masyadong nagbago. Nanliligaw parin si Clarence kay Denise at palagi niya pa itong binubuntutan. Panay narin ang bisita nina Andrea sa school nina Denise. "Balita ko may mga bagong students ngayon." "Oo nga. Babae raw lahat." "Na-kick out rin raw at dito ang bagsak." At kung ano-ano pang pinagchichismisan ng mga estudyante. Kakarating lang ni Denise sa school at dumiretso siya sa locker niya. Palagi siyang inaabangan ni Clarence sa may gate pero wala ito ngayon kaya napanatag ang loob niya. 'Na abduct na sana yun.' isip-isip nito at pumunta na sa classroom tapos dumiretso sa upuan niya. Denise's POV "Denise!" napalingon ako sa lalaking tumawag sakin. Yung Mike. Tss. "What?" "Si Clarence pala hindi makakapasok ngayon