Kinakabahan ako habang papunta kami sa restaurant kung saan andoon si Arman Morales, tumigil ang sinasakyan namin ni Crayola. "Miss basher, ilalagay mo lang itong tracking device at kung magagawa mo ay lagyan mo rin ng gamot ang inomin ni Morales. Kung sakaling magawa mo ang pinag-uutos ni Lord, puwede ka nang lumabas sa restaurant at bumalik dito, dahil delikado na sa loob," pahayag Dally. "Sige ako nang bahala," anas ko at tumingin ako kay Crayola, na busy sa laptop nito. "Naka reserved na po ang table ninyo sa loob ng restaurant, sasabihin lang niyo ang code na busher," wika ni Dally. "Ano'ng code ang sasabihin ko?" tanong ko. "Sabihin lang po ninyo na "Basher," saad nito. Kaya bigla sumama ang tingin ko kay Dally. "Miss basher, sinunod ko lang po ang utos ni Lord," saad ito. Kaya