Mabilis akong dinala ni Hendrex sa kwarto nito upang gamotin ang sugat ko. "Araayyy! Dahan-dahan naman!" react ko rito. "Kasalanan mo dahil hinayaan mo ang kalaban mong saksakin ka, tingnan mo tuloy ang nangyari sa 'yo," sermon ni Hendrex sa akin. "Hayaan mo sa sunod kung sakaling meron ulit akong makalaban sa sabihin ko.. teka lang iilag lang muna ako," wika ko pa kay Crayola. Masamang tingin ang binigay nito sa akin. "Huwag mo akong pinagloloko babae?" asar na wika nito. Masyadong pikon ang lalaking ito? Kaya hindi na lang ako nagsalita. "Dalhin mo ang mga gagamitin mo at aalis na tayo rito," sabi sa akin ni Hendrex. Kaya tumango ako rito, ayaw kong magsalita. "Wala na bang masakit sa 'yo?Oh, hindi ka ba na suntok ng kalaban mo?" tanong ulit nito. Umiling lamang ako at hindi nags