"Twenty years na pala ang lumipas!" piping sabi ni Lennie sa sarili.
Natahimik siya at napaisip. Ganoon na pala katagal na naging lagalag siyang kalukuwa sa ospital? Pero bakit?
Si Emm, nakahalukipkip itong nakatingin sa kanya. Takang-taka ang dalaga.
"Kung gano'n ang tagal-tagal na pala," bulong pa ni Lennie sa sarili. Nakakunot ang noo niya sa 'di makapaniwalang nalaman.
"Emm?" agaw pansin niya sa kausap.
Seryoso na tinaasan siya ng isang kilay ni Emm. Naka-what look ito.
"Hihiramin ko muna ang katawan mo. Pangako ibabalik ko rin." Nagbadya sa mga mata niya ang luha. Dahil napagtanto niyang sa tagal ng panahon ng lumipas ay malamang wala na ang kanyang katawan.
"What?!" Namilog ang mga mata ni Emm. "Hindi pwede! Doon ka sa katawan mo!" At protesta nito.
'Di na niya napigilan ang sarili na hindi umiyak.
Naalarma si Emm. "Pwede ba 'wag mong gawing crying lady ang katawan ko! Matapang ako na babae! Hindi ako umiiyak basta-basta!"
Subalit lalong humagulhol siya. Kung alam lang ni Emm, antagal niyang hinanap ang kanyang katawan. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Pero ngayon, parang gumuho ang lahat sa kanya.
Patay na siya talaga! Hinid na siya makakabalik pa sa pamilya niya! Ang sakit isipin.
Gayunman aalamin niya ang mga nagyari dahil wala siyang maalala. Ang alam niya paggising niya pagkatapos ng aksidente ay nasa isang maliwanag siyang lugar, puting-puti, at napakalawak. At nang marinig niya ang boses ng kanyang asawa ay nagtatakbo siya. Hanggang sa parang nahulog siya sa isang malalim na bangin. Pagkatapos ay nakita na lang niya ang kanyang sarili sa loob ng ospital na ito. Pero isa na lamang kaluluwa!
"I said stop crying! Hindi bagay sa'yo!" angil ni Emm. Ang totoo ay nadadala ito sa pag-iiyak ni Lennie. Kahit may kakulitan ito at pagkamaldita ay may pusong mamon naman pa rin din ito.
Tigmak ng luha ang mga mata ni Lennie na tumingin kay Emm, nagsusumamo ang tingin niya. "Gusto ko lang alamin kung bakit nanatili pa rin ako rito sa lupa, Emm. Matagal na pala akong patay. Twenty years na."
Namilog ang mga mata ni Emm. Napaurong ito.
"Dalawampung taon na ang lumipas, pero kung patay na ako bakit andito pa rin ako? Bakit wala ako sa langit o kaya sa impyerno?"
Napaawang ang mga labi ni Emm. "Aba! Malay ko!" sambit nito na nalito rin. Bakit nga ba?
"Emm, pahiram ng katawan mo?
Please?" pagmamakaawa niya ulit.
Napaisip si Emm. "Eh, paano naman ako?" mayamaya ay wika nito na bumibigay na.
"Pagkatapos kong malaman ang mga kasagutan, aalis agad ako sa katawan mo, at makakabalik ka rito," senserong aniya.
"Sure ka ba?"
Tumango siya. "Kung nagawa kong sakupin ang katawan mo, magagawa mo rin ito siguro, dahil hindi ka pa naman patay pa--" Biglang may nag-flashback sa kanyang isipan kaya napa-stop siya sa pagsasalita. Napakunot-noo siya sa naisip.
"Oh, bakit natigilan ka?" pansin ni Emm sa kanya.
"Kaya ba ako nandito pa sa lupa? Dahil dapat buhay pa ako?" mahinang naibulalas niya.
"Baka naman pinatay ka?" naisabi ni Emm, tapos biglang pitik ng daliri nito. "Or baka naka-comatose 'yung katawan mo!" biglang isip nito. "Kaya lang twenty years na kamo, eh, imposible naman na yata na hanggang ngayon, eh, comatose ka pa rin," kontra rin nito sa naisip.
Lalo siyang napaisip. Dahil may naalala siya. Nakahiga raw siya sa kama rito sa ospital at kung anu-anong aparato ang nakakabit sa walang malay niyang katawan. .........