"Sino ka ba talaga?" bulong ni Emmzirella kay Lennie. As if namang maririnig ito ni Vash.
Umikot ang eyeballs ni Lennie. Hindi siya sumagot. Tulog kasi si Vash sa tabi niya. Nakasubsob ang ulo ng binata sa gilid ng kama habang hawak nito ang isang kamay niya. Hindi naalimpungatan ito kaya hindi namalayan na nagising na siya na binabantayan. Inaakala talaga na si Emm siya.
"Sumagot ka, b*tch!" bulong ulit ni Emm sa kaniya. Gigil ang mahinang tinig ng kaluluwang dalaga.
Tiningnan niya ito ang masama. Ang kulit kasi, eh.
"Paano ka nakapasok sa katawan ko?! Tell me!" Hinalukipkipan pa siya ni Emm.
Deadma pa rin siya. Sa tingin na niya ay totoo lahat ang sinasabi nito, na katawan nga ni Emm ang katawang pinasukan niya. Kanina pa niya ito napag-isip-isip. Hindi lang pa niya inaamin. Dahil pinag-iisipan niya rin kung aalis siya sa katawan na iyon o hindi muna. Parang may gusto kasi siyang gawin na hindi niya pa mawari. Kanina, nang makapasok siya sa katawan na iyon ay napakadaming anag-ag ang nakita niya. Parang flashback, replay or flashback na mga pangyayari. At 'yon ang nagpapagulo sa kanyang isipan.
"Hindi mo ba ako sasagutin talaga?!Damn you!" Inis na talaga si Emm.
Inirapan niya ito. "Mamaya na tayo mag-usap," napilitang mahina pero madiin niyang sabi sa makulit na dalaga. "May natutulog," aniya pa sabay pikit niya sa kanyang mga mata. Inaalala niya ang mga pangyayaring iyon na pumasok sa isipan niya. May umiiyak na lalaki. May tumatawang babae. Tapos siya parang nakatingin lang. Ang gulo!
Dahil do'n ay nakapagdesisyon na siya agad. Hindi man niya katawan ang pinasukan ay magagamit naman niya ito para mahanap ang kanyang asawa at anak. Tingin niya ay sila ng anak at asawa niya ang mga pangyayaring pumapasok sa isipan niya. Tutal ay hawig na hawig naman sila ni Emm ay magpapanggap na lang siguro siya na siya ito. Para malaman niya kung ano ang mga iyon.
Pinikit niya ng mas mariin ang mga mata niya, bumalik siya sa nakaraan. Ang tanging natatandaan niya ay nagda-drive siya pauwi galing grocery. Kasama niya ang anak na si Donna na limang taong gulang. Tapos hindi niya alam bakit bigla na lang nawalan ng kontrol ang manibelang hawak. Ang alam lang niya noon ay iyak siya ng iyak at niyakap na niya ang kanyang anak bago pa man bumangga ang kanyang kotse.
"Anong pangalan mo?" pangungulit pa rin ni Emm sa kanya. "And why you doing this?! Hindi ka ba tinuruan ng parent mo na bawal magnakaw?! O mang-angkin ng bagay na hindi sa'yo?!"
Nagmulat siya ng mata. "Ako si Lennie," at sagot niya sa malumanay na boses.
"Hindi Lennie ang pangalan mo, Babe. Ikaw si Emm." Si Vash, nagising pala ito nang hindi nila napansin. Nakangiti ito sa kaniya.
"Sabihin mo ang totoo para matulungan nila tayo na maibalik sa normal," utos ni Emm sa kanya.
Pasimpleng irap lang siya sa dalaga. Hindi niya susundin si Emm. Aariin niya muna ang katawang lupa nito.
"Emm? A-ako si Emm?" kunwari ay tanong niya kay Vash. Humawak na rin siya sa kamay nito. Tingin niya kasi ay ito ang nobyo ni Emm.
"Oo, Babe. Ikaw si Emm." Mas tumamis ang mga ngiti ni Vash.
Nginitian niya ang binata. Si Emm ang napasinghap sa hangin. Sa isip nito'y Ang bruha! Sarap sabunutan!
"Kumusta ang pakiramdam mo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Vash. Hinaplos-haplos nito ang noo niya.
"Okay na ako," malambing na sagot niya.
"No! 'Wag kang makipagmabutihan sa kanya! 'Di kami bati niyan! Dapat sakalin mo siya!" kontra ni Emm na nanggigil sa ginawa niya. "Niloko ako ng g*gong 'yan!"
Narinig lahat niya iyon ang pagwawala ni Emm pero hindi niya ito pinansin. Bagkus gusto niyang matawa.
"Nagugutom ka na ba?" masuyong tanong sa kanya ng binata.
"Plastik!!!" sigaw pa rin ni Emm kahit alam nitong hindi ito naririnig ni Vash. "'Pag ako nakabalik sa katawan na 'yan! I'll kill you!"
Gusto na talaga niyang matawa. Pasimple niyang sinusulyapan si Emm na walang magawa kundi ang magsisigaw lang. Parang siya rin noon. Na kahit anong pag-iingay niya sa mga nurse at kung sino-sinong mga tao sa ospital ay hindi sya napapansin, hindi siya nakikita.
"What do you want? Sabihin mo lang at bibili ako. Mamaya pa darating kasi sina Tito Hil at Tita Jessa," ani pa ni Vash. Parang wala talaga itong nagawang kasalanan.
Kinarate-karate ito ni Emm. "Gunggong ka! Ang gusto ko ay patayin kita! Manloloko!"
Napahagikgik na talaga siya ng tuluyan sa kakulitan ni Emm.
"Mag nakakatawa ba, Babe?" takang tanong tuloy sa kaniya ni Vash.
"Ah.. eh.. W-wala!" Nakangiting aniya rito. "Sinong Tita Jessa pala 'yung sinasabi mo?"
Napatda si Vash.
"Mommy at Daddy ko ang mga tinutukoy niyang Hil at Jessa. Tangang 'to!" pagod ang hitsurang ani Emm na napilitan. Ayaw naman nitong magmukha tanga, noh?! Kahit si Lennie ang nasa katawan nito ay akala nila ay siya pa rin ito kaya ayaw nitong magmukhang tanga lalo na sa walang kwentang Vash na ito.
Napatango si Lennie. Naisip niya 'yung mag-asawa kanina. "Joke lang," palusot niya kay Vash. "Kahit anong pagkain na lang," ta's sabi rin niya.
Ngumiti ulit si Vash. "Sige bibili lang ako saglit. Ay ito nga pala 'yung phone mo." Dinukot ni Vash sa bulsa ang isang mamahaling cell phone. "Tawagan mo lang ako 'pag may problema. Kahit saglit lang ako, eh, mas mabuti nang makontak mo ako 'pag may naramdaman ka," anito.
Napatitig siya sa bagay na iyon. Hindi pamilyar sa kaniya ang maliit na aparato.
"10-6-92 ang pasword niyan," sabi naman ni Emm.
"Kunin mo na? 'Yung cell phone mo ito," ani Vash ulit. Inaabot sa kanya ang 'di pamilyar na bagay.
"Ano 'yan?" inosenteng tanong niya.
Napamaang na naman si Vash.
Takang napatingin din sa kanya si Emm. "Hindi mo alam ang cell phone?" My gosh!"
Napatingin siya rito pero binawi rin agad. Alam niya ang cell phone pero hindi ganito ang cell phone na alam niya.
"Para matawagan mo ako," ani Vash.
"Just get it! Huwag ka nang magtanong! Huwag mong gawing tanga ang pagkatao ko!" pagtataray na ni Emm.
Sinunod naman niya ito. Pagkaabot niya n'on ay tumalikod na si Vash at umalis.
"Bakit hindi mo alam ang cell phone?! Are you alien?!" usisa agad ni Emm sa kaniya nang wala na ang binata.
"Cell phone ba ito? Bakit ganito? Nasa'n ang pindutan at antena niya?" inosenteng tanong niya. Totoong nahihiwagaan siya hawak na bagay. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon.
Natampal ni Emm ang sariling noo. "What the heck?! Kailan ka ba pinanganak at parang ngayon ka lang nakakita ng ganyang cell phone! Ghad!"
Napaisip siya. May pumasok sa isip niya. Hindi kaya-- jusko!
"Emm, anong taon na ngayon?" nababahalang tanong niya.
"Pati year hindi mo alam?!" angil ni Emm.
"Sagutin mo na lang, please?"
"2016!" maiksing sagot ni Emm.
Namilog ang mga mata niya. "Diyos ko!" at bulong niyang nahintakutan...........