Chapter Fifteen

2925 Words

PASIPOL-SIPOL si Mikaela Tricia habang pababa ng hagdan. Masayang-masaya siya sa araw na ito dahil sa wakas ay natapos na ang leave of absence niya. Ibig sabihin ay makababalik na siya sa trabaho at dapat lang iyong i-celebrate. Bihis na bihis na siya at handa nang sumabak sa trabaho. She's wearing a nude v-neck t-shirt and paired it with black skinny jeans. She puts her leather jacket on her shoulder. She's sporting her favorite Tyler Biege boots and ready to kick it. Dumiretso siya sa kusina. Pagkapasok ay inilapag niya sa island counter ang jacket. Unang lumapit sa kanya ang asong si Macha. Kumakawag-kawag ang buntot nito at yumakap sa binti niya. Umuklo siya at hinaplos ito. Nang matapos mahaplos ay tinungo nito ang kinaroroonan ng amo na walang pakialam sa paligid. "Good morning!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD