Matapos ang halos sampung minuto ay saka lamang lumabas ulit ang mga nurse. Napalingon ako sa pintuan. “I-Isles? Anong nangyari? A-Ayos lang ba siya?” tanong ko nang salubungin si Isles. Tumango siya. Sinulyapan ko ang loob ng kwarto at nakitang mapayapa na itong natutulog sa higaan nito. “Hmm. Sorry, Miss Nathalia. Akala ko ay ayos ang lagay niya ngayong araw. I thought we’d have the chance to talk to her...” Napalunok ako at napababa ng tingin. “Pasensya na, hindi kita naipakilala. Maybe next time...” marahang sabi ni Isles. Nag-angat ako ng mga mata at tumango. He caressed my cheeks. Lumamlam ang mga mata ni Isles nang makita ang bakas ng luha sa pisngi ko. “Let’s go. You should rest now,” napapaos niyang sinabi. Alam kong nagpipigil lang siya ng mga emosyon. I’ve always thoug