“I wonder, Thalia. Twenty-five ka na... wala ka pa bang balak?”
Napatigil ako sa tanong na ‘yon ni Ezro, anak ng isang business partner ng aking ama.
“Is Tito Constantine okay with you being not married yet?” nakangisi niyang dagdag, tinutukoy si Dad. “Twenty-two ang mama mo nang ikasal...”
Bumuntonghininga ako at hinarap si Ezro.
Katatapos lang ng celebration party para sa ginanap na fashion event sa Paris at siyempre ay naroon ang presensya ko as the CEO of the fastest rising modeling agency in the country, and as a model myself.
Nagkayayaan ang ilan na mag-casino. Paalis na kami sa venue at tatanggi pa sana ako, pero mapilit itong si Ezro na isama ako.
Pumayag na ako sa pangungulit niya, and all he’s doing right now is throw me all these questions!
Si Ezro ay anak ng business partner ni Dad sa hotel chain na hawak namin, at ito siya, pinagsisiksikan sa ‘kin ang kasal.
Ngumisi si Ezro nang hindi ako sumagot. Lumitaw ang tuwa sa mga mata niya.
Gwapo naman si Ezro at tiyak na kung boyfriend ko lang siya, hindi tututol si Dad.
“I’m not interested in getting married, Ezro,” siguradong sagot ko bago siya nilagpasan at tinungo ang passenger seat ng kaniyang sasakyan kung saan niya ako pinagbuksan. Napakibit-balikat ang lalaki at sinara ang pinto. Umikot siya sa driver’s seat at nagsimulang alukin na naman ako ng pesteng kasal.
“Hindi ka pa rin nakaka-move on sa gagong ‘yon? Ang tagal-tagal n’yo nang walang koneksyon, ah. It’s not like you two really got married before...”
Tumahimik ako at pagod na tumingin sa labas ng bintana.
“You know nothing,” malamig na sabi ko.
Nawala ako sa pagtitig sa unti-unting pagbagsak ng mas malalaking patak ng ulan sa labas. May kung anong pamilyar na kirot sa dibdib ko ang mas nagpatahimik sa akin sa kinauupuan.
Narating namin ang casino na tahimik kaming dalawa ni Ezro. Hindi ko alam kung anong klaseng lugar ‘yon basta’y nakisama na lang ako. May ilang politiko kaming kasama kahit na hindi pwede sa kanila ang magpunta sa ganitong lugar, and I know how many times my father warned me that I shouldn’t come near them.
Though, they were all welcoming to me. Kahit iyong mga may edad na ay natutuwa sa akin. They congratulated me for the success of Amaris, ang modeling agency na hawak ko.
Lahat ay nagsasaya at sinusulit ang oras. Games, drinks, at iba’t ibang usapan ng mga kilalang tao sa mundo ng showbusiness, at politikong naroon.
Nasa tabi kami ni Ezro at pinapanood ko siyang makipaglaro ng poker sa nakilala niya roon. Panay ang ngiti ng kalaro niya sa ‘kin. Ang dalawang babae sa grupong ‘yon ay nag-uusap habang tumitingin sa gawi ko. If I am their topic, I don’t know and I don’t care! Hindi ko na lamang iyon pinansin.
Nang iba na ang kalaro ni Ezro ay lumapit sa akin sa couch iyong nakalaro niya nang una kaya napalayo ako nang kaunti.
“Nathalia Amaris,” banggit ng lalaki at inakbayan ako. A smirk was plastered on his lips when he checked me from head to toe. “Saw your new endorsements. You look good in those pieces of clothes...”
Hindi ko alam kung lasing ba siya o ano dahil binulong niya sa tainga ko ang huli niyang sinabi!
Umawang ang labi ko. Nangunot ang aking noo at agad napagtanto ang tinutukoy ng lalaki. I just endorsed a brand for bikini!
“Excuse me?” may pagtataray na sabi ko.
“Bakit?” Lumawak ang ngisi ng lalaking siguradong kaedad lang namin. Ni hindi siya pamilyar sa ‘kin kaya sino ba siya para lapitan ako nang ganito? Ang kapal ng mukha! “Nahihiya ka ba? Ayos lang iyon, totoo naman na sexy ka at bagay na bagay sa—”
Napasinghap ang mga naroon sa sunod na nangyari at bago pa matapos ng lalaki ang sinasabi niya ay tumumba na siya sa lapag!
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatayo. “Ezro!”
“Bastos kang gago ka!” Walang sabi-sabi niyang kinuwelyuhan ang lalaki at sinuntok ulit sa mukha. Napasinghap ang mga nakakita at nabigla sa nangyari.
Kahit ang grupo ng kalaro ni Ezro ay napatayo sa ginawa nito sa kaibigan nila.
Pumagitna ako at pinigilan siya. Nakagawa na kami ng eksena dahil natuon sa amin ang atensyon ng mga naroon! Gumanti ang lalaki at sinuntok din si Ezro.
“Hey, stop!” Sinubukan ko silang pigilan pero walang nagpapapigil sa kanila! Nang suntukin ni Ezro ang lalaki ay halos matumba ito at nabunggo sa akin. Sa lakas ng impact ay napaatras ako at bumunggo sa mesa! “What the hell!” galit na sigaw ko roon sa lalaki. “I’m gonna k*ll you!”
Napunta sa akin ang atensyon ng mga tao dahil sa iritado kong sigaw. Kumalat ang sakit ng pagkakalihis ng heels ko sa paa ko!
“Ouch!” Napasigaw ako nang bigla na lang may humila sa buhok ko. The next thing I know, sinugod ako ng isang babae na galing sa grupong ‘yon at sinabutan!
“Malandi ka kasi, Nathalia! You’re flirting with my boyfriend, kaya siya napaaway! Dahil sa kalandian mo!” sigaw nito habang hila ang buhok ko.
Hindi ako nagpatalo at sa halip ay kinaladkad ko rin siya at sinabunutan. Walang makaawat sa amin dahil ayaw tumigil ng babae kahit nanghihina na ang hatak ko sa buhok niya. Halos hindi ko na maramdaman ang anit ko.
“Ang landi-landi mo! Siguro totoo talaga ang mga scandal mo noon! Dapat sa ‘yo matagal nang walang career dahil bukod sa malandi ka, masama ang ugali mo!” sigaw niya pa rin.
Hindi ko alam kung anong mag-iinit sa akin dahil sa sinabi niya, ang ulo ko o ang sulok ng mga mata ko para sa luha.
Kung hindi lang nagkagulo bigla sa loob ng casino ay hindi yata kami matitigil ng babae. Biglang nagsialisan at nagtakbuhan kung saan-saang direksyon ang mga tao sa casino.
Hinatak na ng mga kaibigan niya ang babae at nagmamadali silang umalis. Narinig ko ang malulutong na mura ni Ezro sabay dampot sa suit niya at mahigpit na hinawakan ang braso ko.
My eyes grew wider. Bigla niya akong hinila paalis kasama niya. “Ezro! A-Anong nangyayari? What the hell is this?!” sigaw ko.
“Just shut the f*ck up, Thalia! Sumama ka na lang!” sigaw niya pabalik at kung saan-saan kami dumaan para makaalis sa lugar na ‘yon. Mabilis niyang pinagpipindot ang elevator button at halos panlamigan ako nang marinig ang tunog ng sasakyan ng mga pulis sa labas ng establisyemento.
“What the hell, Ezro? What’s happening?! Bakit may mga pulis?!” tanong ko habang hinihintay naming bumukas ang elevator. Hindi niya ako sinagot at hinampas ang pinto nito nang ayaw nitong bumukas.
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakasabunot sa akin pero mas sumasakit ang ulo ko sa nangyayari!
“Tangina. Slow ka ba talaga, Thalia?! Illegal g*mbling ‘to. At may lintek na naman na tumimbre sa mga pulis! Damn it!”
Natigilan ako sa sinabi niya. “What the f*ck?! Akala ko ay nasa casino tayo? Are you telling me that we’re in an illegal g*mbling?!”
Nakababa kami at napunta sa ground floor kung nasaan ang parking lot, kaso nang malapit na kami roon ay napatigil siya at napamura nang may matanaw. Tiningnan ko naman kung ano iyon ngunit wala akong makita.
Tiningnan niya ako na tila nagdadalawang-isip kung sasagipin niya pa ako o ililigtas ang sarili, nang may marinig na kaming mga yabag ng kung sino.
“Ezro, don’t lea—Ezro!” gulat na asik ko nang bigla niya akong iwan para iligtas ang sarili niya!
Bigla ay mag-isa na lamang ako sa tahimik at malawak na parking lot. Good heaven. Nadamay lang ako rito at wala akong kaalam-alam!
Tumalikod ako para sana bumalik at humanap ng ibang daan nang mabilis akong mapapikit sa sumalubong sa akin.
Oh, damn.
“Raise your hands,” malamig na saad ng isang pamilyar na boses.
Hindi ko alam pero tila biglang nawala at nabura sa isipan ko ang nangyayari nang marinig ang boses na ‘yon. It was so familiar... that I couldn’t help but open my eyes. Natigilan ako at parang napako sa kinatatayuan nang makita kung sino ang naroon.
“I said raise your hands, Miss,” mas matigas na saad nito, ngunit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko para sundin ang sinasabi niya.
Napatitig ako sa lalaking nasa harapan ko habang mataman at malamig na nakatingin sa akin. His cold and dark eyes met mine.
After long years...
Napaawang ang labi ko at nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata. Ni hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya, pinaghalo ang gulat at takot sa ‘kin.
“I-Isles?”
Kung hindi ito panaginip at siya nga ang nasa harapan ko, then I should be scared than ever...
“Don’t move, Nathalia,” mariing saad niya sa malamig na boses at tinutok sa akin ang hawak niyang baril. Napatitig ako roon at nanlamig sa kinatatayuan.
This is wrong. He has no right to point a gun to my head!
“You’re a lawyer...” I trailed, making him remember he shouldn’t do this!
“And you’re trying to escape right now,” saad niya. Napatitig siya sa akin at binaba ang baril. He’s wearing a black suit. Napatitig ako sa kaniya. He looks more powerful now, more dangerous, rough... and harder. Harder than he was five years ago.
“Who brought you here?” mas seryosong tanong niya.
Hindi ko magawang sumagot dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Napaatras ako nang kaunti, hindi pa rin makapaniwalang narito siya sa harapan ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.
“I’m asking you, Nathalia Amaris... sinong nagdala sa ‘yo sa lugar na ‘to?” Naging marahan ang boses niya, at mas nakakatakot sa tuwing ganoon. Ang mapanuri ngunit mapaglaro niyang mga mata ay diretsong tumingin sa akin.
“I-I should be asking you that, Isles. A-Ano ang ginagawa mo rito?” sa halip ay tanong ko sa nanginginig na boses. Napalunok ako. Hindi siya sumagot at nanatili ang tingin sa akin, ni hindi natinag nang humakbang ako palapit sa kaniya.
“It just happened that I’m here,” malamig na sabi niya. “Now, answer me... bakit nandito ka? Alam mo ba kung ano ang pinapasok mo, Nathalia?”
“Wala akong kinalaman sa loob, Isles... nadamay lang ako.”
His eyes narrowed, at parang binabalot ng yelo ang boses niya sa lamig nang magsalita.
“Paano ako maniniwala sa ‘yo?”
There. Something hit me! Right... paano siya maniniwala sa akin? He knows me for being a great liar. Isang babaeng magaling sa pagpapanggap.
May tumulong luha sa mata ko dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Pilit kong pinatigas ang ekspresyon ko. “Kung sa tingin mo ay nagsisinungaling ako... eh, ‘di pigilan mo ako ngayon at iharap sa mga pulis,” malamig na hamon ko. “It’s so personal for you to point your gun at me, Isles.”
“It is,” sagot niya at puno ng amusement na tumingin sa mga mata ko. May maliit na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. Hindi pa rin siya nagbabago!
He still looks like an angel, innocent, so kind and trustworthy...
Iyong sa tuwing ngumingiti siya ay parang gagaan ang loob mo. He’s always been like that. Soft, gentle, and caring. Ganoon siya sa lahat maliban sa ‘kin.
To me, he’s a devil disguised as an angel. He’s just trying to capture everyone with his good boy looks.
Pero bakit sa akin... ang rahas-rahas niya?
Nanatili ang kamay niyang nakasuksok sa loob ng itim na suit. My lips trembled when I looked down to his gun. Mula sa kaniyang sapatos ay nasuri ko ang kabuuan niya.
Mariin akong napalunok at humakbang palapit sa kaniya bago kinuha ang kamay niyang may hawak sa baril. Dinala ko iyon sa tapat ng aking dibdib.
Dahil sa pagtakbo at pagkakagulo kanina ay nakabukas na ang blazer ko. Malaya kong naramdaman ang malamig na dulo ng baril sa tapat ng lantad na balat ng aking dibdib. Nag-igting ang panga niya sa ginawa ko at madilim na tumitig.
“Nagsasabi ako ng totoo. Pero kung gusto mo akong idiin at parusahan... gawin mo,” matapang na hamon ko at diretso siyang tiningnan siya sa mga mata. “Or why don’t you just kill me right now and right here... Attorney Privello?”
Hindi siya makasagot. Hindi niya maibaba ang baril na ako mismo ang nagtutok sa akin.
“Shoot at me, Isles... tutal ay matagal mo na akong gustong burahin sa mundo... might as well do it now while you have the chance.” Ngumisi ako habang may luha sa mga mata.
Mas idiniin ko ang baril sa ‘kin habang titig na titig sa kaniya at ganoon din ang matalim niyang mga mata sa ‘kin.
“Pull the trigger, Isles... why don’t you do it?” hamon ko. “Dahil kung ako ang may hawak ng baril na ‘yan, hindi ako magdadalawang-isip!”
Napatitig siya sa ‘kin at unti-unting lumambot ang ekspresyon. Amused siyang napangisi. “Hindi ka pa rin nagbabago...” tila manghang sabi niya. “You’re still a great liar, Nathalia.”
Parang may pumiga sa puso ko sa sinabi niya. It triggered something inside me!
Gaano katagal na ba ang lumipas. Apat na taon? Lima?
Limang taon simula nang iwan niya ako. Limang taon simula nang gawin niya akong tanga!
“Are you sure you can pull the trigger if you were holding this gun instead of me, Nathalia?” marahang sabi niya. Maging ang paraan ng tingin niya sa akin ay naging malumanay. “Because I don’t think you can,” nanunuyang usal niya at mas lumapit habang nakatutok pa rin sa akin ang baril, tanging siya na lang ang may hawak.
Limang taon simula nang tapusin namin ang lahat sa pagitan naming dalawa.
Limang taon simula nang talikuran niya ako... sa mismong kasal namin.
“Can you even point a gun at me like this?” Sumilay ang amused na ngisi sa mga labi ni Isles at mas lumapit pa sa akin. Bahagya niya akong niyuko. Nilapit niya ang kaniyang labi sa gilid ng aking tainga at marahang bumulong, his hot breath kissing the skin of my neck, which brought a lot of different memories I desperately tried to forget. “I don’t think so, sweetheart. I don’t think so...” malambing na bulong niya, kasabay nang mas panlalamig ng dulo ng baril sa aking dibdib.