Chapter 4 - Hell

2259 Words
“What did that little brain of yours think this time again, Nathalia Amaris?” Napayuko ako sa malamig na tanong ni Dad habang hawak sa kamay ko ang aking bag. I clenched my fist so hard... so hard like a stone that’ll protect me from all his hurtful words. Tumitingin na sa amin ang ilang maid habang narito kami sa tuktok ng hagdan ng staircase. Kalalabas lamang ni Dad sa kaniyang opisina at saktong nabungaran niya ako. Napapikit ako nang ihagis niya sa akin ang isang envelope. Nagkalat sa sahig ang mga litratong kuha noong gabing ‘yon. Napatitig ako sa isang larawang bumagsak sa aking paanan. Me kissing the guy in front of his hotel room! Ang ibang picture ay noong nasa dance floor kami ng mga kaibigan ko. May mga kuha na sumasayaw ako, itinataas ang shot glass, at merong noong paakyat kami ng hotel nina Esekia. “Are you trying to ruin your life, Nathalia Amaris?!” pagalit na tanong ni Dad. Lumapit siya sa ‘kin at naapakan ang ibang litrato na hindi ko alam kung sino ang kumuha at kung bakit ipinadala kay Dad. “You can’t bring a good name to this family! And you’re even planning to bring us such shame? What a disgrace that you are!” Dumating si Mommy na siyang nagpakalma rito para hindi ituloy ang anumang balak na mapagbuhatan ako. Napayuko na lang ako lalo habang nagtatalo sila. “Stan... don’t be too harsh on her,” mahinahon at tunog nagmamakaawang usal ni Mommy. “That’s exactly why your daughter grew up being a headache, Thaliana!” “I will talk to her, Constantine... please,” my mom pleaded. Umiling lamang si Dad at galit na hinarap ako. “Kung kumalat ang mga litratong iyan, ano sa tingin mo ang mangyayari, Nathalia Amaris? Why don’t you do something useful and be like your brother? Your friends in modeling are all bad influence! Wala kang mapapala riyan. You are wasting your time! Why don’t you work for our company instead of doing useless things?!” Napalunok ako sa narinig pero pilit ko ‘yong pinalampas sa aking kabilang tenga. That’s the problem with Dad, alam na alam niya ang mga tamang salita para saktan ka, para pagmukhain kang tanga at walang alam maski sa sarili mo. That in the end, you’re going to believe all those things... “Constantine,” saway ni Mommy. Dad heaved a sigh in disappointment. “Bring that man in front of me, Nathalia Amaris. Or I will be forced to make you two meet!” Doon lamang napaangat ang tingin ko. Ang namumuong luha sa mga mata ko’y parang umatras sa narinig ko. W-What did he say? Paano ko naman gagawin iyon kung hindi ko nga kilala kung sino iyon?! “D-Dad...” My lips trembled. He just looked at me coldly. Kitang-kita ko ang labis niyang pagtitimpi na ibuhos ang kaniyang galit at labis niyang pagkadismaya. “Dad, please... I don’t know this guy!” usal ko. “At kasalanan ko ito. I was the one who entered his room. I mistook him for someone and he just mistook me for someone else, too. Dad, please... h-hayaan na po natin ang lalaking iyon.” Umiling si Dad at seryoso akong tiningnan. “You’re going to marry this man, Nathalia. Sa ayaw at sa gusto mo! This is the consequence of what you did.” Nanlaki ang mga mata ko. What kind of punishment is that?! “Dad!—” Bago ko pa maituloy ang aking sasabihin ay nilampasan niya na ako. “Mom, sabihin mong hindi totoo iyon? What is he saying that I’ll marry? That is too serious for a punishment!” Naiiyak kong hinarap si Mommy. He must be kidding! My mom just looked at me. She looks concerned yet disappointed. “Why, hija? Do you think what you did is something unserious? I had to learn that the hard way, anak, you’re repeating a mistake I’ve been regretting my life... alam mo iyan, Nathalia.” Naiiling si Mommy bago ako nilagpasan. Natulala na lamang ako sa kawalan habang hindi makapaniwala. My tears started to fall. Are they going to arrange me with that guy? Ni hindi nga namin iyon kilala! At isa pa, wala naman talagang kinalaman dito ang lalaking ‘yon! Nakatulog ako nang gabing iyon sa malalim na pag-iisip. Kinabukasan ay hindi ako pumasok. My friends asked me why. Sunod-sunod ang mga mensahe sa akin nina Mauve. Ang mga kaibigan kong sina Ace at Jade ay hindi tinitigilan ang comment section ng huling IG post ko at doon sila nagkakalat dahil missing in action ako ngayong araw sa university. Wala akong ganang lumabas ng aking kwarto. I’m also pretty sure I’m grounded. Dumating ang hapon at naisipan kong mag-shopping para naman maibsan ang stress ko na ako rin naman ang may gawa. Maybe shopping will help me lighten my mind. Pero nakailang bag na ako, hindi pa rin naiibsan ang malalim kong pag-iisip. Sa huli, nagpaiwan na lang ako sa driver naming si Kuya Bobs sa isang coffee shop malapit sa mansion at sinabing maglalakad na lang ako pauwi para magpahangin na rin. While walking, I noticed a black car. Familiar ito at para akong sinusundan. Parang nakita ko na sa mansion. My father’s filthy rich and we have lots of cars. Nag-text ako kay Kuya Bobs kung sinusundo niya ba ako ngayon, pero sabi niya ay nasa mansion lang daw siya. Nagtaka naman ako dahil kanina ko pa talaga ito napapansin sa park pa lang. Sa takot ko ay binilisan ko na lang maglakad. Napasigaw ako nang biglang magsalita ang nasa driver’s seat na huminto sa mismong tapat ko sa sidewalk. “Ma’am Nathalia?” tawag ng sakay nito at mukhang nagulat din sa sigaw ko. Napahawak ako sa aking dibdib at tiningnan ito nang masama. “A-Alfred? Ano ka ba naman?! Bakit ka nananakot?” saad kong hawak ang tapat ng dibdib ko. Si Alfred lang pala! Isa sa mga tauhan ni Dad. Napakamot ito sa ulo. “Kanina pa nga po kita tinatawag pero hindi ka po lumilingon, eh.” “What are you doing here? Sabi ko kay Kuya Bobs ay huwag na akong sunduin. Maglalakad na lang ako.” “Hindi po, Ma’am. Si Sir Constantine po ang may utos na puntahan ka...” Wala rin akong nagawa kahit nagtataka. Baka mas mayari pa ako kay Dad kung magmamatigas ako. “Where are we going?” medyo kabadong tanong ko nang mapansin na hindi ang daan patungong mansion ang tinatahak namin. “Guys? Why are you not telling me?!” Patuloy ako sa paghihiyaw dahil ayaw nila akong sagutin. They’re like loyal dogs! I thought we were all friends... mga traitor! “Pasensya na, Ma’am Thalia... ang mabuti po, matulog ka na muna. Utos lang ni Sir Stan,” biglang sabi ni Alfred. Nanlaki ang mga mata ko at napapiglas pa nang bigla na lang itakip ng kasama niya ang isang panyo sa aking bibig at ilong. Mabilis akong nakatulog. Dala na rin ng pagod. Naalimpungatan ako at nagising na lamang na nakatigil na ang sasakyan. Napahawak ako sa aking ulo at mabilis din akong napabalik sa sarili. Masama kong tiningnan si Alfred na nasa driver’s seat. May takot itong nakatingin sa akin bago kabadong ngumiti. “You, traitor! I thought we’re friends!” The asshole just made a peace sign. “Sorry na po, Ma’am Nathalia. Hindi po kasi n’yo pwedeng makita ang daan patungo sa lugar na ‘to.” “Traydor,” gigil kong bulong. Hindi na ako pinatulan pa ni Alfred. Pinagbuksan niya na lang ako ng pinto pero masama pa rin ang tingin ko sa kaniya. Bumungad sa akin ang malakas na hangin pagbaba sa sasakyan. Natigilan ako nang mapagtanto kung anong klase ng lugar ang kinaroroonan namin. Isa itong may kaliitang building na hindi masiyadong napapansin. Nasa tagong lugar din ito at walang mga kalapit na establisyemento. Mabato ang daan at may mga munting halaman sa gilid. Tiningnan ko ang mga tauhan ni Dad. “Where are we? Ano ang lugar na ito?” Hindi sumagot si Alfred. Sa halip ay iginiya niya ako patungo sa isang bahagi sa labas nitong building kung saan may mga halamanan. Nakarinig ako ng mga boses. Nagsimulang dagain ng kaba ang dibdib ko. Nang malagpasan namin ang isang pader ay doon bumungad sa akin ang pinagmumulan ng mga boses na iyon. Natigilan ako at parang nanigas sa kinatatayuan. May dalawang lalaking hindi ko kilala ang may hawak sa isa pang lalaki. May isa namang nakatayo lang doon at nakatingin. Patagilid sila mula sa direksyon ko kung kaya’t nakita ko ang nakataling mga kamay ng lalaki. Napasinghap ako nang gawaran ng suntok ng isa ‘yong lalaking halos nakaluhod na. Minura ng lalaki ang nakaluhod. Susuntukin niya pa sana ulit kung hindi lang dumating si Alfred na nauuna ng lakad sa akin. “Tama na ‘yan. Nandito na si Ma’am Nathalia.” Para akong tinakasan ng hangin. Napatigil ako sa paghakbang at napatitig sa lalaking may sugat sa labi na unti-unting nag-angat ng tingin at gumawi iyon sa aking direksyon. Nagtama ang paningin naming dalawa. Ang bahagyang magulo nitong buhok ay bumagay sa kaniyang gwapong mukha at kahit pa nga may sugat ang labi niya ay mas lalo lang iyong pumula. Nag-igting ang kaniyang panga habang titig ang madilim na mga mata niya. Pakiramdam ko umalpas sa kaluluwa ko ang kaniyang tingin. Tiningnan ko ang kabuuan ng lalaki habang unti-unting nilalamon ng kakaibang kaba ang aking sistema. He’s wearing something like an office attire. Hindi niya lamang suot ang pang-ibabaw na suit. His hair is slightly messy. May sugat mula sa gilid ng labi niya at sa ilang parte ng kaniyang mukha. Makailang beses akong lumunok habang pinoproseso ang nangyayari. What is this guy doing here? Paanong... “W-What is this, Alfred?” gulat at utal kong tanong. Walang sumagot sa apat na lalaking narito. Nilapitan ko sila at nanginginig sa galit na tiningnan. “A-Anong kabaliwan ‘to? Let him go!” Gosh. He might be thinking how crazy our family is! “Ano pang hinihintay mo, Alfred? Alisin mo ang tali!” sigaw kong umalingawngaw yata sa buong paligid. Wala na akong pakialam kung sinuman ang makarinig sa amin. “Sorry, Ma’am Nathalia... hindi ko po masusunod ‘yang gusto n’yo,” nakayukong sabi nito. Sa inis ko ay tinabig ko sila ngunit bago ko pa malapitan nang tuluyan ang lalaki ay sinenyasan na ni Alfred ang dalawa pa para kunin ako at ilayo. Nanlaki ang mga mata ko at inis siyang tiningnan. “Ano ba?! What the hell are you thinking?!” Pumiglas ako ngunit sadyang malakas sila para mapigilan akong lumapit! “Alfred! Sh*t! Kayong apat, tatandaan ko kayo! Let me go!” Panay ang sigaw ko sa kanila habang pumapalag. Nanlaki ang mga mata ko nang muling lapitan ng isa ang lalaking nakayuko at saka naglabas ng baril. Halos himatayin ako. Napaluhod ako at naibigay ang buong bigat sa dalawang lalaking halos kaladkarin ako palayo. What the f*ck are they doing? Ano ang inutos ni Dad para gawin nila ang kabaliwang ito? “What are you doing? Bitawan mo iyan! Bitawan mo ako!” Muling nagtama ang paningin namin ng lalaki. He’s just looking at me coldly with the gun still pointed at his head. Alam kong wala silang balak na paputukin iyon. They’re just trying to scare us! “Kung ganoon... ganito pala ang proseso ng pamilya n’yo?” kaswal na tanong ng lalaki na parang wala lang, na parang walang sugat ang labi niya gawa ng mga tauhan ng aking ama. Wala akong pakialam kahit insultuhin niya ako at ang pamilya namin. I need to get him out of this situation. Binitawan din ako ng mga tauhan ni Dad. Mabilis akong lumapit sa lalaki. Nagkaharap kami ngunit hindi man lang siya gumalaw kahit na aalisin ko na ang tali sa kamay niya. “What are you doing? Help yourself,” singhal ko habang inaalis ang tali ngunit nakatingin lang siya sa ‘kin. “Kung alam ko lang na ganitong namimilit pala ang tatay mo, sana pinigilan ko na lang... you know, I could’ve just f*cked myself that night...” Mahina at sarkastiko siyang tumawa. Dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa ay tumatama ang kaniyang mainit na paghinga sa gilid ng leeg at tenga ko. “Shut up...” nanginginig kong usal dahil sa halo-halong nararamdaman. I felt so embarassed, insulted... like a fool. “Acting scared? Hindi ba’t pakana mo naman ito? I knew you liked what we did that night, ngunit hindi ko inasahan na ganito mo kagusto...” Sarkastiko itong ngumisi. With his jaw clenching hard, and the side of his lips bruised, binasa niya ang kaniyang ibabang labing may bakas ng dugo. Matagal kaming nagkatinginan bago ako napaiwas. Umihip ang malakas na hangin at dumampi ang lamig nito sa aking balat. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi na ako sumagot at hindi ko na iyon pinatulan, kahit nakaramdam ako ng labis na pagkapahiya sa sarili ko... and it hurts. Ang sakit niyang magsalita. Sa kabila niyon, nakaramdam ako ng takot. Paano kung kasuhan niya kami? Paano kung magsumbong siya sa mga pulis? Am I... going to jail? Will Dad get caught? Nang tuluyan kong makalas ang tali ay muling nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko pa alam ang pangalan niya, but I knew from the start, we’re going to hate each other to the depths of hell...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD