“Where are we?” tanong ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Hindi ko na namalayan kung gaano ito kalayo mula sa mansyon o sa university na pinapasukan ko pero tantiya ko’y hindi naman ganoon kalayo. “Nasaan tayo? Is this even your house?” Hindi niya pa rin ako sinasagot. Sa halip ay binuksan niya ang pinto sa driver’s seat at bumaba. Napaawang na lang ang labi ko sa hindi pagkapaniwala. Agad akong bumaba para sumunod sa kaniya at pagtapak pa lamang ng mga paa ko sa sementadong daan ay bumungad na ang malakas na hangin na sumabog sa buhok ko. Malamig ang hangin dito, malakas, at malaya ang ikot. It is evident with the trees around. Ibig sabihin ay walang gaanong building sa paligid. Tahimik din kahit may mga bahay sa kalapit. “Isles! Are you for real? B-Bahay mo ba ta