“Fierce! Alright! Another pose!” Tuloy-tuloy ang click ng camera at ang pagpapalit ko ng iba’t ibang poses. I am modeling for a fashion brand and today is my second photoshoot with them. Na-secure ng Amore ang contract ko sa kanila. Amore is one of the biggest modeling agency in the country. Patuloy pa rin sa pag-e-expand patungo sa ibang bansa especially in Europe. Mahirap makapasok sa Amore kung kaya’t isang malaking achievement para sa ‘kin ang mapabilang sa kanila, but none of it matters to my parents, especially Dad. “Ang ganda mo talaga, Nathalia!” manghang sabi ni Sittie, a co-model I met through Amore, habang tinitingnan namin ang mga kuhang pictures ko. “Ang sexy-sexy mo pa! Why not secure a contract with a swimsuit brand?” “You think so? Pag-iisipan ko, Sittie...” “Huw