Hindi ko alam kung paano nagawa iyon ni Isles, pero sa sumunod na araw ay totoo ngang nakapagdesisyon na si Dad na siya ang aalis at magtutungo sa ibang bansa. Si Mr. Morteo at ang kampo ng mga Cardinal ay mainit ang dugo kay Daddy ngayon. Suspetya nilang si Dad ang nasa likod ng pagkakahuli ng operasyon nilang iyon dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Mr. Morteo sa Boracay. Na ganti iyon ni Dad. “Totoo bang sa kanila ang pinakamalaking drug cartel sa Batangas?” halos hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay Isles noong nanonood kami ng balita patungkol sa nangyari. Mr. Morteo’s father, who is a politican, is allegedly a drug syndicate. It’s all over the news now. Alam ko na posibleng maraming illegal na gawain ang mga Cardinal, ang pamilya ni Mr. Morteo. I mean, it’s obvious! But