Mataas na sikat ng araw ang gumising sa ‘kin. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko sa sobra nitong sakit. Nakapikit pa ang mga mata ko at ramdam na ramdam ko ang epekto ng lahat ng mga ininom ko kagabi. I reached for my phone when a familar deep voice echoed in my mind. “Nathalia...” Napabalikwas ako ng bangon. My head spinned but I did not mind it. Hinagilap ko ang cellphone ko habang parang binabanda ang dibdib ko. Was it true? S-Si Isles ba iyon? O baka ay panaginip ko lamang iyon? Hindi ko na matandaan kung ano pa ang pinagsasabi ko sa tawag na iyon, ni hindi ko alam kung may sumagot ba talaga. I was drunk! Nakatulugan ko na nga iyon at hindi ko alam kung sinong tumapos sa tawag. I checked the call history. Parang lumukso ang dibdib ko nang makita rito ang isang tawag ka