“A-Alam mo kung paano gamitin lahat ng iyan?” nauutal kong tanong kay Isles habang titig sa mga nakalatag na armas sa aming harapan. Tumango si Isles. “Uh-huh. I can teach you everything you need to know,” sabi niya habang inaayos ang mga iyon. “Let’s start with the handgun.” Iniwan na rin muna kami ni Harris na mukhang kampante sa gagawing pagtuturo sa akin ni Isles. “Why do I need to learn everything about these?” Hindi ko mapigilang mapanguso sa kaba. Siyempre ay delikado ang mga ‘yan. Marahang natawa si Isles dahil doon. Mataman niya akong tiningnan. “You need to learn how to protect yourself when you’re in danger.” Tumango na lang ako at bumuntonghininga. I guess he has a point. Inabutan ako ng ear protection at safety glasses. Itinali ko rin ang aking buhok para hi