NANG TULUYAN nang tumahimik ang paligid at mawala ang boses ng dalawa ay natigilan kami ni Isles. Set of waves pushed him again towards me, the muscles of his broad shoulders flexed as he tried not to squeeze me between his body and the solid rock behind me. Pinigilan niya na mapadiin ako sa matalas na bato. Ramdam ko ang katawan niya. Ramdam ko rin iyong... oh, gosh! Napaiwas ako ng tingin, dahan-dahang dumudulas ang kamay pababa mula sa pagkakahawak nito sa kaniyang batok habang tulala at wala sa sarili. Basa pa rin ang buhok ko mula sa kaninang paglangoy, at ngayon nababasa na ako nang tuluyan dahil sa ginagawa namin dito at dahil sa talsik ng matataas na alon. Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba, sa gulat sa ginawa ko at sa lamig, habang unti-unti ko ‘yong inaalis sa pagkakaha