Satisfy me (SPG❗❗❗)

1365 Words
Chapter 6 R-18+ SPG❗❗❗ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ **ALYANA** Hindi pa nakabalik sa tamang proseso ang utak ko dahil sa biglaang paglaya ko peo ginulat na naman ako nito nang bigla nitong hawakan niya ang p********e ko. Nainis naman ako sa sarili ko dahil bigla nag-init ang katawan ko sa ginawa nito. Ang taksil kong katawan! bakit ka nakikisama sa bastos na ito! sigaw ng utak ko. Nababastusan ako sa mga galaw nito, lalo na ang mga ngiting mayabang na pinapakita nito sa akin at padila dila nito sa labi. Pangiti-ngiti pa ito nang iwaksi ko ang kamay at lumayo. Sa totoo lang wala akong ideya sa magiging buhay ko sa poder nito, ngunit isa lang ang sigurado ang pahihirapan ako ng lalaki, kagaya ng sinabi nito. Pinipigilan ko ang sarili na maiyak sa sitwasyong kinasasangkutan ko ngayon. Napakurap-kurap ako para pigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha at minabuti nalang na tumingin sa kalsada. Sa puso ko, sana magkita pa kami ng tiyahin ko. Miss na miss ko na ito at kailangan ko ng karamay ngayon. Sa tatlong taon ko na nasa loob ng bilanguan, bilang lang kung ilang beses ako nito napuntahan. Napapatanong na lang din ako sa sarili kung gaano ba ako kasamang tao at pinaparusahan ako ng Diyos ng ganito. Mabuti na lang ng nakulong ako bumait naman sa akin ang mga naging kasama ko sa loob ng selda. Noon ay nagugulpi din ako, pero nang nagtagal na ay nasanay na rin sila sa akin at hindi na rin ako sinasaktan. Nalungkot din ang mga ito nang malamang lalaya na ako at kanya-kanya ng bilin na dapat hindi na nila ako makikita pa sa kulungan. Ngayon, pakiramdam ko na mas lalo lang akong nabilanggo sa sitwasyon ko. Alam kong hindi ako bibitiwan ni Noah; lalong hindi ito mag-aaksaya ng pera para lang palayain ako. Napapaiyak na naman ako sa naisip, kaya napasinghot ako ng hindi sinasadya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ang paglingon ng lalaki ngunit hindi ako tumingin dito at nanatiling nakatitig sa labas ng bintana, kesehodang mangalay ang aking leeg. Madilim na ang paligid at gutom na rin ako. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nagbibiyahe. Namimigat na ang talukap ng aking mga mata sa antok hanggang sa tuluyan na akong ginupo ng antok. “Alyana, takbo! Tumakas ka na bago ka pa nila mahuli,” tinig ng isang babae ang narinig ko. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa pandinig ko, dahilan para mahinto ako sa pagtakbo. Naabutan ako ng mga humahabol sa akin at iginapos ako't pinagsasampal at pinaghahampas ng bakal. “Huwag po, tama na po! Parang awa nyo na!” nagmamakawa akong sabi sa mga kumuyog sa akin. Yugyog sa balikat ang nagpagising sa akin. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga nagtataasang gusali at kumikislap na mga ilaw. Para akong sinasakal sa panaginip ko. Nauuhaw na ako sa pagkahaba-habang biyahe. Kung hindi ako ginising ni Noah, babangungutin na naman ako. Ilang taon na ba akong ganito tuwing natutulog, kaya lagi na lang akong nabubuhusan ng tubig sa loob ng selda dahil umuungol daw ako tuwing gabi. Akala ng mga ito ay nagsasarili ako sa higaan ko. Ang hindi nila alam, mamatay-matay na ako tuwing inaatake ako ng bangungot. Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa isang malaking gate. Nagliliwanag ang mga ilaw sa labas nito. “Baba,” utos sa akin ng lalaki. Blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha nito. Nabuksan na rin pala nito ang pintuan sa gilid ko, hindi ko man lang namalayan. Bumaba ako sa kotse at nagpalinga-linga sa paligid. Nanibago ako sa kapaligiran. Sa ilang taon kong namalagi sa loob ng selda, wala kaming ibang nakikita kundi malamig na rehas at maduming pader. Hindi ko mapigilang maluha sa galak at pag-aalala. Napahawak ako sa naninikip kong dibdib at inihakbang ang mga paa sa semento. “Pasok ka na daw, sabi ni Boss Gabriel,” sabi ng driver kanina. Hindi na ako umimik pa at sinundan na lamang ang lalaki na nauna nang pumasok sa akin. Namangha ako sa nakita. Kung kanina ay mataas na pader lang ang nakita ko, ngayon naman ay malaking bahay na may malawak na hardin. Nagyayabungan ang mga halaman at bulaklak sa paligid. May mataas na fountain sa gitna at kitang-kita ito sa maliwanag na ilaw sa paligid. Habang naglalakad, panay ang tingin ko sa malaking bahay. Kung dati ang hasyenda Gutierrez ang pinakamagandang bahay sa paningin ko, mas may maganda pa pala kaysa doon. Iba talaga pag mayaman; nabibili lahat ng gusto. Samantala kami noon, kakayod pa ng ilang buwan bago makabili ng magandang tsinelas. “Bihisan ang babaeng iyan at pagkatapos dalhin sa opisina ko,” nanigas ako nang marinig ang boses ni Noah. Lumingon ako dito at nakita ko itong nakatayo sa may hagdan. Lumapit sa akin ang naka-unipormeng babae. “Halika ka na bago pa uminit ang ulo ni Sir sayo,” mahinang sabi nito sa akin at inakay ako papunta sa isang pinto na naroon sa may sala. Dinala ako nito sa comfort room at binigyan ng malinis na damit. Kumpleto ito mula sa underwear at bra. May sabon, shampoo, at sipilyo din. Iniwan muna ako ng babae para makaligo ako. Muli kong pinagmasdan ang loob ng banyo. Napakalaki at nangingintab sa karangyaan. Kanina nga, nang dumaan kami sa sala, nahihiya akong umapak dahil baka madumihan ko ang carpet kahit wala naman akong suot na tsinelas. Hinubad ko ang suot kong lumang t-shirt at pantalon na galing pa sa kulungan dahil kulay orange pa ito na may nakasulat na malaking letra P. Binuksan ko ang shower at agad na naligo. Marunong naman akong gumamit noon dahil naturuan naman ako dati ng tiyahin ko kung paano gamitin. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng katok mula sa labas kaya agad na nagbihis ako at lumabas ng banyo. Tumutulo pa ang basa kong buhok na sa unang pagkakataon ay nakatikim din ng shampoo. Paano ba naman, puro sulfur soap lang palagi ang binibigay sa amin sa loob. “Sumunod ka sa akin,” sabi ng babae kanina. Sumunod ako dito nang umakyat ito ng hagdan. Pinagmasdan ko ang babae; hula ko nasa trenta mahigit na ang edad nito. Ngumiti ako dito nang lumingon ito sa akin. “Sa dulong iyan ang library ni Sir Gabriel. Kumatok ka muna bago ka pumasok, baka masigawan ka ni amo,” sabi nito at itinuro ang pinto sa may pasilyo. “Sige po, maraming salamat,” sagot ko dito. Nang makaalis ang babae, lumakad ako papuntang pintuan. Nagdadalawang-isip kung kakatok ba ako o hindi. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang guwapong mukha ni Noah. “What took you so long?” iritableng sabi nito. Mahina ako sa English pero naiintindihan naman ko ang ibig nitong sabihin. Naiinip na ito kakahintay sa akin. Niluwagan nito ang pintuan at pumasok ako sa loob. Nakatayo lang ako sa gilid dahil hindi naman ako pinaupo nito. Nakahawak ako sa laylayan ng bestidang suot at pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay dahil sa matinding kabang nararamdaman ko sa harap ng lalaking malaki ang pagkamuhi sa akin. Mataman akong pinamasdan nito mula ulo hanggang paa. Naiilang ako sa paraan ng pagkakatitig nito lalo't wala pa naman akong suot na tsinelas sa paa. Kasalanan ko ba na wala akong kagamit-gamit at ni suklay nga hindi ko na nagawa dahil wala naman akong noo. Pinaiwan lahat sa akin ng guard sa selda ang gamit ko. Nanlaki ang mata ko nang inilang hakbang lang ni Noah ang pagitan namin at siniil ako ng halik sa labi. Napahawak ako sa dibdib nito dahil bigla akong nanlambot nang maramdaman gumalaw ang mga labi nito habang hinawakan ang aking dibdib. Ang isang kamay naman nito ay pinasok sa loob ng aking bra at hinawakan ang aking bilog na dibdib. Biglang uminit ang katawan ko at para akong sinilaban sa ginawa nito. Napapikit ako nang lamasin nito ang aking dibdib. Sabay pa kaming napaungol ng ipasok ni Noah ang kamay nito sa loob ng aking underwear. " Satisfy me Alyana" he said in his sexy and baritone voice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD