C-1: Coming Home Again
The Young 1
Nagkagulo ang mga tauhan sa Mansyon nang tumigil ang itin na sasakyang ang laman ay ang batam- bata pang anak ng kanilang mga Amo. Nagmamadali ang mga itong humilera sa gilid sabay yukod tanda ng kanilang paggalang sa binata. Pagkatapos ay bumaba naman ang artistahing batang bilyonaryo. Sa hitsura nito, hindi mo aakalaing twenty years old lamang ito. Dahil na rin sa matured na mukha, matipunong pangangatawan at makalaglag panty na mga matang nangungusap kung titigan.
"Maligayang pagdating, Senyorito!" Sabay-sabay na bati ng mga ito sa binatang dumating.
Tango lamang din ang sagot ng binata at tuloy - tuloy na ito sa loob ng Mansyon kasunod ang mga assistant na hila- hila ang mga bagahe nito.
"Siya na ba 'yon?" bulong ni Marie sa katabi nitong si Rina.
"Oo! Ang laki na niya ano?" masayang sagot ng babae.
"Nagbago na kaya siya? Kasi noong kabataan niya, napaka-arte eh! Hindi mo aakalaing lalaking tunay na barako akala beki siya dati." Sabad naman ni Iya medyo matagal na din sa Mansyon.
"Siya pala ang madalas niyong kinukwento, ang pogi nga eh!" kinikilig namang wika ni Judy.
"Hoy, mga babae tapos na ang palabas balik sa mga trabaho! Bawal ang tsismis" awat naman ng mayordomang si Lucy at pinameywangan niya ang mga nag-uusap- usap.
Napangiwi naman ang mga ito at mabilis ng bumalik sa kani-kanilang mga trabaho. Mahigpit na rules ng Mansyon ay bawal ang tsismis sa loob kapag nahuli, tanggal agad. Kaya ibayong pag-iingat ang lahat ng mga naroon para silang walang nakita para safe sila.
"How's your trip?" tanong ng panganay na anak ng Don at Donya, si Sam may hawak itong kopita ng alak.
"Great," maikling sagot ni Scott at bago ito umupo sinuri muna nito ang sofa.
Sam chuckled.
"Malinis iyan, ibayong paglilinis ang ginawa diyan bago ka dumating."
Kagyat na napangiti si Scott at tuluyan nang umupo sabay de kwatro. Siya namang pagdating ni Sofia, pangalawa sa magkakapatid.
"Hey, dumating ka na pala bunso!" Masayang bulalas ng dalaga sabay yakap sa kapatid.
"Teka, naligo ka na ba?" tanong naman ni Scott sa kapatid, nag-aalanganin itong gaganti ng yakap.
Kinutusan naman agad ni Sofia si Scott saka pinandilatan.
"I'm clean, always duh!"
Natawa si Sam saka napailing-iling.
"Hindi ka nasanay diyan, akala mo kung sinong malinis."
Umupo naman si Sofia.
"Hindi ka na nagbago, ikaw pa rin si Scott na napaka-arte." Ani nito.
"Sinong may kasalanan?"Nanunudyong tanong ni Scott.
Nagkatinginan naman sina Sam at Sofia pagkatapos ay natawa.
"Kasalanan namin," magkasabay na sagot ng dalawa.
"Iyon naman pala eh! Kaya, huwag na kayong mag-reklamo." Nakangising wika ni Scott.
"Siyanga pala, maiba ako. Kailan naman susunod si Samantha?" naalalang tanong ni Sam in long name Sammy Jay Villamonte.
"Susunod daw siya sa akin, may tinatapos lang na project sa school." Kswal na sagot ni Scott.
"Ganoon ba, kaya pala mag-isa kang dumating. Well, nasa Boracay pa sina Mom and Dad wedding anniversary nila. I don't know kung kailan sila uuwi," pagbibigay alam naman ni Sofia kay Scott.
"I know! Tumawag ako kanina kina Mommy pagkalapag ko sa airport." Tugon ni Scott.
"Oh...so, alam na nilang dumating ka na for sure uuwi na din ang mga iyon." Turan ni Sofia.
"Okay, you can rest if you like bunso. Hinintay lang din kita bago ako papasok sa opisina." Wika naman ni Sammy pagkatapos nitong maubos ang laman ng kopita nito.
"Me too! Have a rest and see you again later," sabi ni Sofia sabay tayo.
"Thank you, my siblings! Go on, kaya ko naman na ang aking sarili." Masayang sagot ni Scott.
Nagkangitian naman sina Sam ar Sofia pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam ang dalawa kay Scott.
"Gutom po ba kayo Senyorito? Puwede ka na po naming ipaghahain ng pagkain." Tanong ni Lucy nang makalapit ito kay Scott sa may sofa.
Nagmulat si Scott dahil nakapikit itong nakasandal sa malaking sofa.
"Ano pong ulam, Yaya?" sagot naman ni Scott.
"Mga paborito po ninyo, Senyorito!" masayang tugon ni Lucy.
"Sige po, susunod na lamang ako sa hapag- kainan." Pagsang-ayon ng binata kinalaunan.
Mabilis na tumalima si Aling Lucy at nagpunta na ito sa kitchen. Inutusan ang ibang maids upang ayusin ang komedor para sa mga pagkain. Ilang sandali pa at magana nang kumakain si Scott kahit pa mag-isa lang ito sa long table. Na-miss din kasi ng binata ang mga lutong bahay lalo pa at mga paborito nito.
"Scott!" sigaw ni Philip nang makita nito ang best friend na naghihintay sa may golf gym.
Dali- dalinh nagbihis si Philip nang matanggap nito ang tawag ni Scott.
"Kumusta 'bro!" Nakangiting sagot ni Scott kay Philip after nilang mag- fist bump.
"Doing great! Ikaw?"
"Doing fine, as in super!" wika nj Scott sabay akbay sa kaibigan.
"For good ka na ba?"
"Maybe. Depende pa rin," nakangising tugon ni Scott.
Napakamot naman sa ulo si Philip.
"Miss ka na ng tropa lalo na sa school!"
"Well, let's hang out then!"
Sabay na tumawa ang dalawa saka nag-apir at nagpasya ng maglaro ng golf. Libangan nilang laro iyon simula pa ngayong third year college na sila ay ganoon pa din. Nauumay na din si Scott sa America sa totoo lang, mas gusto pa rin nito ang life style sa Pilipinas. At isa iyon sa rason kaya napauwi ito nang maaga. At kung makakapagnilay- nilay ito ay baka dito na rin ito magtutuloy ng kanyang pag- aaral.
"Lucy, dumating na daw si Scott nasaan siya?" agad na tanong ni Donya Alegra nang makapag-bihis na ito .
"Naku, Madam nagkita sila ni Philip kanina pang tanghali." Sagot ni Aling Lucy.
"Aba'y gabi na, mahabaging langit!" Bulalas ng Donya.
"Hindi ka na nasanay sa anak mo, mabuti nga kay Philip lang siya hindi bulakbol." Sabad naman ni Don Harry nang madinig ang Donya sabay kuha ng malamig na tubig.
"Oo, alam ko naman! Pero, sana namalagi muna siya dito sa loob ng Mansyon bago maggala." Giit ng Donya.
"At ano naman ang gagawin niya dito? Matagal siyang hindi nakauwi natural gagala iyon." Si Don Harry pa rin.
"Pero, hindi ba pagod iyon?" turan ng Donya.
"Kung pagod iyon nakahilata na sana diyan sa kwarto niya," wika ng Don at umalis na.
Gusto sanang tumawa ni Aling Lucy subalit pinipigilan lang nito. Habang si Donya Alegra ay matalim ang ipinukol nitong tingin sa papalayong Don.
"Kahit kailan kontrabida ang butsukoy na iyon!" bulong ng Donya.
Doon na natawa si Aling Lucy.
"May nakakatawa Lucy?" Hindi maipinta ang mukha ng Donya.
"Hindi nga sana ako tatawa eh, kaso nakakatawa kayo talaga ni Sir!" matapat na sagot ni Lucy.
"Nakakaasar kasi ang Sir mo, kahit noon pa!"
"Ows? Bakit naging kayo? Tapos nagka-anak pa kayo ng apat kung naaasar po kayo?"
"Tumigil ka na Lucy, pakialamera ka na naman!" pandidilat ng Donya at tinalikuran na nito ang mayordoma.
Napapalatak na lamang si Aling Lucy subalit kitang-kita naman nito kung paaano namula ang pisngi ng Donya. Hindi naman na nahihiya pa si Aling Lucy sapagkat matagal na itong naninilbihan sa Mansyon parang pamilya na din ang turing ng mga Villamonte sa Ginang.