Enjoy reading! Pagkatapos nang pagkikita namin ni Aiden at hanggang sa pagbalik ko sa lamesa namin ni Diether ay ramdam ko pa rin ang bilis ng t***k ng puso ko. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Diether. Siguro ay nahalata niya rin ang pagkabalisa ko. Pilit akong ngumiti sa kanya at tumango. Nasa harap ko na mga inorder namin na pagkain. "Kumain na tayo." Sabi ko at inumpisahan na ang pagkain. Medyo kumalma na ako habang patuloy kaming kumakain. Panay na rin ang tanong sa 'kin ni Diether. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang napahinto sa pagkain si Diether at habang nakatingin sa likuran ko. Napahinto rin ako sa pagkain. Halatang nagulat siya sa kung sino man ang nasa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon at laking gulat ko nang makita ko si Aiden doon. Seryosong tingin