GEORGE
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang muling subukang magsulat. Wala akong narinig na ingay mula sa kabilang silid kagabi kaya mukhang walang kasamang babae ang kapitbahay ko. Nakarinig ako ng maingay na tunog ng motor mula sa labas kaya dali-dali akong tumungo sa may bintana upang sumilip.
Bahagya akong nagtago sa mga kurtina upang hindi mapansin ang pagsilip ko rito. Narito kong bumaba si Grant sa isang malaking motor at gayon din ang babaeng angkas nito. Ilang beses ko na itong narinig na may kaniig na babae. Bumaling ang tingin ni Grant sa gawi ko kaya mabilis akong natago. Hindi ko sigurado kung napansin nya ba ako habang sinisilip sila.
Kung may kasama syang babae sa unit nya ngayon, isa lang ang ibig sabihin no'n. Agad akong tumakbo sa aking kwarto at kinuha ang aking laptop. Umupo ako sa gilid ng dingding saka inilapit ang aking tenga upang marinig ang kung ano mang ingay na kanilang gagawin.
Mahinang ungol lamang ang aking naririnig kaya mas lalo ko pang idiniin ang ang aking tenga sa dingding. Pilit kong inaaninag sa aking imahinasyon kung anong klaseng tunog ba iyon. Tila tunog lamang iyon ng halik at mahinang ungol. Sinubukan kong humarap sa aking laptop saka sinimulang magsulat ngunit wala akong masulat.
Muli kong idinikit ang aking tenga sa dingding upang mas lalong marinig ang kung ano mang nangyayari sa kabilang silid ngunit nagtaka ako ng tahimik na iyon. Mas mariin kong idinikit ang aking tainga, nagbabakasakali akong may marinig akong muli kahit kaunti ngunit kahit anong dikit ko sa aking tenga ay wala talaga akong marinig.
Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Isang malakas ng kalabog ng pinto ang pumukaw sa aking pag-iisip. Dali-dali akong nagtungo sa bintana saka patagong sumilip muli roon upang tingnan kung ano ang dahilan ng malakas na kalabog na iyon.
Dahan-dahan kong kinabig ang kurtina ng aking bintana upang masilip ang nasa labas. Nakita ko ang babaeng kasama ni Grant na mabibigat ang paang naglalakad palayo ng unit ng lalaki. Lumingon pa itong muli at saka itinaas ang kamay at binigyan ang lalaki ng dirty finger. Si Grant naman ay nakatukod ang braso sa railings ng kanyang veranda habang may hawak na mug sa kanyang kamay. Nakatalikod ito sa may gawi ko kaya hindi ko nakita ang reaksyon nito sa ginawa ng babaeng kanina lang ay kasama nyang pumasok ng kanyang unit.
Lumakas ang kabog ng aking dibdib ng bigla itong bumaling sa gawi ko kaya mabilis kong isinarang muli ang kurtina bago nagtago. Hindi ko alam kung nakita nya ba akong pinapanood sila. Kumakabog pa din ng dibdib ng makarinig ako ng ingay na nanggagaling sa aking doorbell. Muli akong sumilip sa bintana upang tingnan kung naroon pa din si Grant. Nang sumulyap ako ay wala na ang lalaki sa dati nitong kinatatayuan kanina.
Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago nagtungo sa pinto at buksan iyon. Pakiramdam ko ay lalabas ang aking puso mula sa aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito. Makailang ulit muna akong lumunok at bumuga ng hangin bago tuluyang binuksan ang pinto.
Nahigit ko ang aking hininga nang bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ng lalaki.
"H-Hi," alanganin kong bati. I cleared my throat to get rid of the lump in my throat which adds discomfort to me. "W-What can I do for you?" tanong ko.
"I need some coffee," nakangisi nitong tugon.
"Hindi coffee shop ang unit ko. May shop na malapit dito. Isang kanto lang ang layo. Doon ka pumunta at humingi ng kape," mataray kong turan sa kanya.
"Nah. I'm good with your coffee," wika nito saka mabilis akong nilampasan at walang paalam na pumasok sa loob ng aking apartment.
"What the—" iyon lamang ang tangi kong nasabi dahil sa gulat. Nanlalaki ang matang sumunod ako sa lalaking dumiretso sa loob ng aking kusina. Napailing na lamang ako nang makita ko itong abala sa paglalagay ng ground coffee sa aking coffee maker.
"You haven't brewed your coffee," sita nito sa akin.
The nerve of this guy!
Agad akong lumapit sa kanya at mabilis na inagaw ang pouch na naglalaman ng ground coffee saka masama itong tiningnan.
"I had one already and I'm not expecting any visitor. So, will you be kind enough to escort yourself out of my pad?" masungit kong turan sa kanya.
Tila naman hindi ininda ng lalaki ang pagsusungit ko bagkus ay ngumisi lamang ito saka marahang yumuko dahilan upang bahagyang magkalapit ang aming mga mukha. Hindi ko maintindihan ngunit tila bigla akong kinapos ng hininga dahil lamang sa simpleng pagkakalapit ng aming mga mukha.
"W-Will you please move away." Pilit kong pinapatapang ang aking tinig upang pagtakpan ang kabang kanina pa namamayani sa aking dibdib.
Sa halip na sundin ang aking sinabi ay mas lalo lamang niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Sa bawat pag-atras ng aking ulo upang iwasan siya ay siya rin namang lapit niya.
Ilang sandali pa nga ay nagsalita ito. "Not until I have my coffee." Matapos niya iyong sabihin ay saka lamang nito binigyang distansya ang kanilang pagitan saka nakangising nagtungo sa lamesa at prenteng umupo.
Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng hininga na mayroon ako dahil lamang sa simpleng pagkakadikit ng aming mga mukha. Grant has a certain effect on woman and me neither wasn't immune to that. Sa tingin ko nga ay kahit hindi kape ang hingin nito sa mga oras na iyon ay handa akong ibigay. Parang may hipnotismo ang kanyang mga mata at nagagawa niyang pasunurin ang kahit na sino.
I cleared my throat and blink as much as I could before I turned my back and face the coffee maker. Parang lahat ng tapang ko ay biglang tumalon palabas ng bintana dahil lamang sa mapang-akit niyang mga tingin. Naiiling na lamang ako at tila hindi pa rin makapaniwala na sa kabila ng pagtataray ko sa kanya ay narito ako at buong puso siyang ipinagtitimpla ng kape.
Nababaliw na nga yata ako.
Tapos ko ng lagyan ng kape at tubig ang coffee maker. I don't have to stand here and wait for the coffee to be ready. Ngunit tila ako napako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maintindihan ngunit tila walang lakas ang aking mga paa upang umalis doon. Marahil ay dulot iyon ng isang parehas ng mga mata na mariing nakatutok sa akin. Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong-hininga na ba ako sa nakalipas na ilang minuto.
"It's ready." Isang mainit na hininga ang tumama sa aking tainga dahilan upang mapapitlag ako dahil sa gulat.
Agad akong umikot upang lingunin ang pangahas na bumulong sa akin. But it's too late before I realized that it was a bad idea dahil nang lumingon ako ay ang malalambot nitong mga labi ang sumalubong sa akin. Isang mabilis na halik lamang iyon dahil agad ko siyang naitulak ng malakas dahil sa aking pagkabigla. Hindi ko malaman ang aking gagawin dahil sa aking pagkataranta.
"G-Get your coffee and leave my pad once you're done," ang tangi kong nasabi bago dali-dali siyang nilampasan at saka kumaripas ng takbo patungo sa aking silid.
******************