***JELLA***
“Ano kaya'ng ginagawa ng lalaking iyon dito pagkatapos ng sampung taon na hindi pagpaparamdam?” nagtataka na tanong ni Jella sa sarili. Hindi siya agad makalabas sa dressing room. Pabalik-balik siya ng lakad habang nakahawak sa kanyang baba. Hindi siya kasi makaisip ng pulidong dahilan kung bakit bigla ay gusto siyang makausap ng ogag niyang Ex.
Nais nga niya sanang matuwa dahil nagpakita rin sa wakas ang ogag. Magagawa na niya ang noon pa niyang gustong gawin na pagtuklap isa-isa sa mga kuko nito. Pero hindi naman niya magawang matuwa. Sa halip ay nerbyos ang umiibabaw sa kanyang dibdib.
“Jella? Ano na?” silip na naman sa kanya ng waiter na tumawag sa kanya kanina. “Baka mainip iyon. May mga bodyguards pa naman. Mukhang hindi basta-basta na VIP. Lagot ka kapag nainip.”
“O-oo. Pupunta na,” napilitan niyang sabi. Kinuha na niya ang coat niya at isinuot. Paniguradong mamaya na siya pagsasayawin ng kanilang manager. Rule number one nila sa bar na unahin ang mga VIP customer.
Isang tingin muna siya sa sarili sa salamin. Siniguradong walang maipipintas si Ryver sa kanyang hitsura. Ang hindi niya lang talaga maintindihan sa sarili ay kung bakit siya ninenerbyos. Wala siyang dapat ika-nerbyos. If anyone should be nervous, it must be Ryver himself, not her.
Napakalalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago siya nagpasyang lumabas na sa dressing room. Umaalingawngaw pa rin ang napakagandang boses ni Eyrna sa buong bar. At nang tingnan niya ito ay nakatingin din pala sa kanya. Malamang alam na nito na hindi pa siya makapagsasayaw.
Itinuro niya ang itaas ng bar para ipabatid na may VIP customer siya. Pasimpleng tumango naman ang kaibigan.
Tinungo na nga niya ang taas. Napahinto nga lang siya nang marating na niya ang pintuan ng VIP 9.
May kuwarto ang mga VIP sa bar kaya ora mismo kapag nais silang galawin ng mga customer na mga nakahiga sa limpak-limpak na pera ay magagawa nila. At walang may karapatan na makialam o mag-interrupt lalo na kung nasa kasarapan na sila, kung hindi ay bala ang pakakawalan nila.
“Wait lang,” pigil niya sa isang bodyguard nang bubuksan na dapat ang pinto. Pinagbigyan naman siya.
Dalawa ang bodyguard na nakabantay sa pinto. Nakatayo sila magkabilaan na animo’y kambal silang James Bond dahil sa naka-suit ang mga ito ng itim at mga naka-shades pa. Hindi na siya nagtaka dahil kung CEO na ng LOFTY si Ryver ay siguradong bilyonaryo na ito ngayon.
“Behave ka lang muna, Jella. Hindi mo na kilala ngayon ang taong kakausapin mo. Pigilin mo muna ang galit mo,” piping payo niya sa kanyang sarili.
Bumuntong-hininga siya nang malalim. “Sige okay na,” pagkuwan ay sabi niya sa bodyguard.
Hindi nga lang niya alam kung bakit parang naging slow motion sa kanyang pakiramdam ang pagbukas ng pinto. Pati na ang kanyang pagkurap ay tila naging dahan-dahan nang tumambad na sa kanyang paningin ang likuran ni Ryver Raveza.
May tinted na malawak na wall glass ang mga VIP room ng Pegasus Bar upang makita o mapanood pa rin ng mga VIP customer ang nangyayari sa ibaba. Kitang-kita pa rin ang dance floor. At doon nakatingin si Ryver.
“Pasok,” kung hindi pa mando ng bodyguard ay para nang natuod sa kanyang kinatatayuan si Jella.
“Ah, oo,” nabulol na aniya. Tila nga lang may bolang bakal ang nakakabit sa mga paa niyang humakbang papasok. Hirap na hirap siya sa paghakbang.
At nang isara naman ng bodyguard ang pinto ay kulang na lang ay kalampagin niya iyon upang palabasin siya ulit.
Iyong sampung taon na inipon niyang mga tapang upang sa muli nilang paghaharap ni Ryver ay mabunot niya isa-isa ang mga kuko nito sa paa at kamay habang tumatawa ng malademonyo ay naglahong parang bula. Kahit likod pa lang ang nakikita niya kay Ryver ay iglap na napalitan na kasi ng hindi niya maipaliwanag na damdamin. Halu-halong damdamin.
Bahagya siyang napaigtad nang nagsalita na si Ryver. Kahit ang boses na ngayon nito ay iba na. Makapangyarihan na. Alam na niya agad na hindi na niya matatanggalan ng kuko ito basta-basta.
“Come near, Jella. Don't worry, I don't bite,” lalo pang nagulo ang kanyang sistema nang wika ni Ryver sa pormal na tono. May hawak itong wine glass. Tinungga iyon habang nakatalikod pa rin.
Kaysa ang sumunod ay lumunok siya ng laway.
Mula sa pagkakatalikod ay kumilos naman na si Ryver nang hindi siya mahintay. Dahan-dahan ay lumingon na ito sa kanya. Hawak ng isang kamay nito ang wine glass at ang isang kamay ay nakabaon sa bulsa nito.
Pagkasilay niya sa mukha nito ay napasinghap naman siya. Her jaw literally dropped, and her heart skipped a beat.
“Baka naman malaglag ulit ang panty mo kasama na ang bra mo kapag nagkita kayo ulit ni Ryver?” ang pasaway na utak niya ay ipinaalala pang sabi ni Eyrna kanina. Tuloy ang mga kamay niya ay tila may mga sariling buhay na napahawak sa kanyang coat. Isinara niya upang hindi nga malaglag ang two-piece bikini niya. Paano’y parang naligaw na modelo si Ryver na nasa harapan niya ngayon. Napakaguwapong ogag.
Tama si Eyrna kanina. Kung guwapo noon si Ryver ay mas guwapo na ito ngayon. Ang linis ng naka-brush-up nitong buhok at ang fresh ng wala man lang yatang pores na mukha nito. Bagay na bagay rin rito ang black suit na suot. Executive na executive ang datingan. May panlaban kay Cristian Grey na crush nila ni Rucia sa sikat na pelikula.
Nakikita naman niya noon si Ryver sa mga business article ng mga magazine pati na minsan sa news sa television at nasasabi niya noon na gumuwapo pa si Ryver. Ang hindi niya lubos na inakala ay doble-dobleng mas guwapo pa pala ito sa personal.
“How are you, Jella?” Humakbang palapit sa kanya si Ryver.
Muli ay pagkurap lamang ang kanyang nagawa. She felt as if everything had disappeared. Na parang silang dalawa na lang ang natira sa mundo ng mga sandaling iyon.
“Hey, you okay?” Ryver snapped, flashing his killer grin.
“Huh?!” Gulat siya syempre.
“I said are you okay? Natutulala ka, eh.”
“Excuse me?! Hindi ako natutulala! Bakit naman ako matutulala?!” pagtataray niya. At gusto niyang i-congratulate ang kanyang sarili dahil napanatili niya pa rin ang pagkamuhi niya sa kaharap niya na nilalang. Kahit na ang totoo ay nanginginig ang kanyang mga tuhod. Na pakiramdam niya, anumang oras ay magtataksil ang kanyang p********e dahil ang guwapo-guwapo na ng ogag.
“Is that so?” Pilyo na ang ngiti ni Ryver.
“Diyan ka na lang!” she shrieked. Itinulak ng dalawang kamay niya ang hangin sa pagitan nila upang pigilan ito nang akmang lalapit pa ito sa kanya.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Ryver. Nagulat ito sa kanyang reaksyon kung paanong nagulat din siya. “Wait. Have you forgotten that I'm your customer? Is this the standard treatment for VIP customers here?” at saka paalala nito.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi sa pagkapahiya. Ano ba kasing nangyayari sa kanya? Bakit parang nasa ilalim siya ng hipnotismo?
“Sorry. Ang totoo kasi ay hindi ako makapaniwala na magkikita pa tayo o sa tamang salita ay hindi ako makapaniwala na magpapakita ka pa sa akin sa kabila ng nangyari noon,” pag-amin niya kaysa magmukha siyang tanga sa paningin nito.
“Na-miss mo ba ako?” nga lang ay preskong sabi nito.
She rolled her eyes. “Kapal mo naman. Gusto mo nito?” Iniamba niya ang kamao sa harapan nito.
“It seems like you never change a bit, Jella. Gustong-gusto mo pa rin na inaaway ako.” May ngiti sa labing nailing si Ryver.
“Aisst! Ano ba kasing masamang hangin na nagdala sa ’yo rito? Huwag mong sasabihing gusto mo lang uminon at mag-table ng babae dahil hindi ako maniniwala. Baka gusto mo isumbong kita sa asawa mo?” Siya naman ngayon ang napangisi.
Yes, may asawa na si Ryver. Sino bang hindi nakakaalam na married na ito? Wala na yata. Sa lakas ng appeal ni Ryver ay naging instant CEO Celebrity na ito minsang na-interview ito sa TV. Agad napansin ng netizen ang kaguwapuhan nito dahilan para lalong sumikat pa ang mga LOFTY canned goods product tulad ng mga sardinas, sausage at kung anu-ano pa. Dinaig pa nito ang mga totoong celebrity sa pag-endorse ng produkto.
“Sasabihin ko ang sadya ko sa 'yo pero puwede bang umupo muna tayo? Siguradong mangangawit kasi tayo dahil sure ako na matatagalan ang pag-uusap natin,” sumeryoso ang anyo na wika ni Ryver.
Hindi na niya sana gustong patagalin pa ang pagtatagpo nilang iyon pero dahil alam niyang hindi niya ito basta maitataboy sa bar ay wala siyang magawa.
“Shall we?” Inilahad ni Ryver ang chair and table for two na nasa gitna malapit sa glass wall.
“Fine.” Hindi na niya hinintay na pa-gentleman siyang dalhin doon. Malalaki ang hakbang na kusang tinungo na iyon.
Narinig niyang napasinghap sa hangin si Ryver.
Umupo rin siya agad. Hindi rin niya hinintay iyong madalas gawin ng lalaki na ipaghihila ng upuan ang babae. At mula roon sa kinauupuan niya ay napapanood niya si Eyrna na kumakanta doon sa ibaba.
Ngingisi-ngisi na sumunod sa kanya si Ryver. Walang imik na umupo at sinalinan ng pinakamahal na alak sa bar ang goblet na nasa harapan niya.
Kaysa kunin iyon at sumimsim ay isinandal niya ang likod at nag-cross arms. “Ano? Bakit bigla ay nabuhay ka? Anong kailangan mo?”
“Kumusta ka muna, Jella?” subalit ay pagpapatagal ulit ni Ryver sa usapan.
Tumirik ang mga mata niya. “Heto dakilang dancer, pokpok, kabit at mahirap pa rin,” at para matapos ay diretsahang sagot niya. Hindi siya nahihiya dahil kahit magsinungaling naman siya ay sigurado namang alam na lahat ni Ryver ang tungkol sa buhay niya.
Alam niya na sa tulad ni Ryver ay check background is the key. Mga mayayaman pa ba?