***** LOVI ***** “May problema ba, manang?” tanong ni Lovi kay Jella nang nagpaalam si Ryver na sasagutin ang kanina pa tawag nang tawag sa cellphone. At medyo malayo ang tinungo nito mula sa gazebo na kinaroroonan nila. Naroon si Ryver sa kabilang bahagi ng swimming pool. Sa kanyang pagpapanggap na tanggap na niyang maging tutor si Jella ay naging tahimik ang nakalipas na bente kuwatro oras sa villa. Ang isip niya lang ang nanatiling magulo dahil kahit sa kanyang pagtulog katabi si Ryver ay nag-iisip siya kung paano mawawala sa buhay nila si Jella, lalo na sa buhay ni Ryver. Jella frowned at her. “Bakit mo naman naitanong iyan?” “Ilang araw ko nang napapansin kasi na parang hindi ka mapakali? Ang likot lagi ng mga mata mo. Nahuhuli ko na parang pinag-aaralan mo ang mga kilos namin,”