Kaagad na natigil ang malakas na halakhakan nina Henry, Mark at Jeff na nag-uusap tungkol sa isang nakakatawang pangyayari sa kanilang buhay nang matanaw nila ang bulto ng katawan ni Damian mula sa malayo na papalapit na sa kanilang banda. Nagsisimula na silang uminom ng isang galon ng tuba na binili pa ni Mark sa kapitbahay nilang mangangarit ng tuba mula sa niyog na si Mang Ote. Hindi nila inalis ang mga tingin sa lalaking humahakbang pa palapit sa kanila. “O pre, Damian, pinayagan ka ulit ni Gucci na makipag-inuman?” bungad dito ni Jeff pagkatapos na tunggain ang alak na laman ng kanyang hawak na baso, saglit siyang napangiwi sa naging lasa ng tubang iyon subalit hindi niya na isinatinig pa, “Isang himala ang ganito ‘pag nagkataon.” “Hindi pre, wala pa siya sa bahay.” tugon ng b