Maliit na ngumiti at kapagdaka ay marahang tumango si Gucci sa kanya habang kumukurap-kurap ang kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang buhos ng kanyang emosyon sa mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, nasasaktan siya na bahagyang nasisiyahan. Nasasaktan siya dahil tinawag siya nitong mahal kahit na walang ibang taong nakapaligid sa kanila, at nasasaktan siya at the same time doon dahil alam niya sa kanyang sarili na walang katotohanan iyon at malabong magkatotoo sa tunay na buhay. Malabo ito sa suntok sa buwan. “S-Sige, dito lang ako.” aniyang muling naupo sa gilid ng kanyang kama, “Hindi kita iiwan.” Nakangiting ipinikit ni Damian ang kanyang mga mata habang ginagagap niya ang isang kamay ni Gucci. Sa mga oras na iyon ay ayaw niya itong iwan siya, ayaw