Kaso... Hindi pa siya nakailang hakbang ay hinabol na siya ng kasintahan. Buong akala niya ay hindi na lalo ito hahabol dahil nandoon ang pamilya nilang dalawa. Tama, kasintahan na niya ito bago sila nahanap ng mga rescuers. Subalit wala pa namang kaalam-alam ang pamilya nila tungkol sa relasyon nila. Kaya't nagulat siya nang humabol ito. Hindi lamang iyon, niyakap pa siya nito. Naalarma si Allick Francisco nang lumakad palayo ang kasintahan niya. Hindi siya papayag na aalis ito na hindi sila magkasama. Kaya nga siya nakikiusap sa director ng VAO na bigyan siya ng ilang araw na bakasyon. Gusto niyang isaayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa. He love her dearly already. And he can't live without her. Kaya't humabol siya rito nang walang pasintabi. "Where are you going, Honeybee? Are yo