Up in the sky! Bahagyang itinigil ni CA ang hawak na helicopter. Dahil sa ilang oras nila sa himpapawid ay wala naman siyang makitang maaring palatandaan na may lumapag na jet plane kundi puro karagatan. Napaisip tuloy siya na baka sa karagatan ito lumapag o bumagsak. Pero kung ganoon man ang nangyari ay nalaman na sana ng mga coast guards. "May problema po ba riyan, Ma'am De Luna?" tanong ng tinig na mula sa ear piece niya. "Wala, Kuya. Napatigil lang ako dahil aba'y ilang oras na tayong nasa himpapawid pero parang isla naman ito," sagot niya. "Don't lose your hope, Ma'am. I still believe that God never forsaken them," isa pang tinig na nagmula sa earpiece niya. Sabagay hindi na nakapagtataka dahil konektado naman lahat ang earpieces nilang nasa himpapawid. Ang dahilan nila ay para