Sa isla kung saan naroon ang dalawa. Nagmistula silang sina Adan at Eva. Kahit pa sabihing hanggang lambingang yakapan, halikan, hawak-kamay lamang sila. Wala ng iba na magdamayan at magtulungan kaya't naging mas malapit sila sa isa't isa. Nahihiya man siguro pero wala na ring choice ang dalaga kundi balutin ang sarili sa pilot jacket sa tuwing nilalabhan ang damit sa araw upang magamit sa gabi. Ganoon din ang binata, ang rason nila ay hindi nila alam kung hanggang kailan sila sa isla ng kawalan kaya't kahit sa simpleng paraan ay maalagaan nila ang kanilang sarili. Dahil wala naman silang kaalam-alam kung kailan sila makakawala sa island iyon. Pero... Nang gabing iyon ay tahimik ang dalaga na parang may dinaramdam kaya naman agad itong nilapitan ni Allick. Hindi siya sanay na tahimik it