"Sir, may tawag po si Sir Nathaniel," salubong ng katulong kay retired General Reynold James. "Ha? Bakit daw?" maang ding tanong ng dating opisyal. Bihira naman kasing tumatawag ang anak nila. Mabuti na nga lang at may branch ang detective agency ng bunso niyang anak sa Cagayan Valley. Kaya't kahit papaano ay may paraan sila upang makibalita rito. Ngunit nakapagtataka naman yatang bigla ang pagtawag nito. "Wala pong sinabi, Sir. Pero nag-iwan ng mensahe. Mag-call back ka raw po sa kaniya," tugon ng katulong. "Okay, okay. Ako na ang bahala. Sige na at tatawagan ko siya." Pagtatapos niya sa usapan. Hinintay lang din niya itong nakaalis bago lumapit sa side table kung saan nakapatong ang telepono. Kaso bago pa niya ito madampot ay dumating naman ang kaniyang asawa. Dennise Joyce De Luna.