PERSONAL MAID
Prologue
THIRD POV's
Masyado ng malalim ang gabi. Halos tahimik na ang buong paligid. Wala ka na maririnig maliban sa mga ingay mula sa mga insekto, tahol ng mga aso at ang malakas na ihip ng hangin sa paligid. Wala ka na rin halos makikita sa labas kundi ang liwanag na nagmumula sa buwan. Wala nang tao na pagala-gala. Lahat ay nagpapahinga na. Maliban sa mga bantay ng bahay. Ito nalang ang siyang bumubuo sa buong tahimik na gabi. At nananatili na mga gising.
Sarado na rin ang ilang mga ilaw na siyang nagsisilbi na ilaw sa magdamag. “Gorge, yung pinto wag mong kalimutan isarado." bilin ng mayordoma sa bahay. Sinabi niya sa isa sa mga katiwala. Ilan na lang sila na naiwang gising at ang iba mga nagsipag-handa na magsihiga sa kani-kanilang tulugan. Ang ilan, mga kasalukuyang nahihimbing na rin sa kani-kanilang pagtulog.
“Opoh!" sigaw na tugon ng katiwala. Inisa-isa niya pa ang mga pinto at bintana ng bahay. Isa-isa n'yang tiningnan at dinoble check muna baka may makaligtaan. Mahirap mapasukan at masalihihan ng mga magnanakaw. Lalo na talamak, at napapabalita sa kanilang lugar ang pagdami ng mga akyat bahay. Kahit maraming bantay ang mansyon. Mainam na nag-iingat din sila sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na hindi nila inaasahan.
Kasalukuyang naman na naghahanda na rin matulog ang mag-asawa ng pamilya France.
Nag-uusap pa sila habang pahiga na rin ang babaeng asawa. “Hon, anong palagay mo? Malapit na ang ikapitong taon ni Amalia. So, what are your plans? Will we have a big celebration to commemorate the occasion? Or how about we just go to Amalia's favorite orphanage and celebrate her birthday there? Palagay mo?" tanong ng asawang babae. Nakangiti ito habang titig na nakatingin sa asawa niyang lalaki.
Napabuntong hininga ang asawa niyang lalaki. Habang na-upo na rin ito sa gilid ng kama. Sinampay lang muna nito ang towel na ginamit nito sa paliligo. Saka siya tumabi at lumapit sa nakasandal niyang asawang babae sa headboard ng kama. “Pag-isipan muna natin." sagot nito, na pahinto ng lumundo ang malambot at masarap higaan nilang kama. Sumandal na rin ito sa tabi ng kanyang asawa. Humalik muna siya sa asawa niya sa noo. Sumunod sa mabango nitong buhok na inulit pa na may dalawang beses. Napangiti at napansin niyang suminghap ang babaeng asawa niya na siyang ikinatawa ng sumimangot.
“Hon. Amalia's birthday is still far away. We can still think and plan, am I right? Of course, we need to first ask Amelia what she wants for her seventh birthday. Siya pa rin ang masusunod. Kaarawan niya yon at hayaan natin na siya ang magplano at masunod sa gusto niya. Parang hindi mo pa kabisado ang anak nating 'yon. Siya pa rin ang masusunod kesa sa ating dalawa." sure na pahayag na sabi nito sa kanyang asawa. Dumikit ito sa asawa niyang babae. Humalik muli siya nginitian niya ng pagkatamis-tamis ang babaeng asawa. He knows na kahit sila man mag-asawa ang magplano at magsagawa. Ang anak pa rin nila ang masusunod sa kanilang tatlo.
Amalia is their only child. She was only six years old, yet she was a courageous, sweet, and adoring daughter. Pero, ilang buwan na lang ay sasapit na ito sa ikapito nitong taon. Tulad ng pinag-uusapan kangina pa ng mag-asawang France. Napa hugot ng malalim ang babaeng asawa. Sumandal na rin siya sa matigas na balikat ng kanyang asawang lalaki. Humilig siya don. Hindi na siya sumagot dahil sa tama naman ang sinabi nito sa kanya. Kita niya ang malapad na pagkakangiti ng kanyang asawa. Habang sinabi nito. “I love you, hon. Matulog na tayo." Aya na sabi ng lalaking asawa. Manipis na ngiti ang tugon ng babae. Payak ang pagkakangiti nito na siyang umayos na rin ng higa ng bumaba siya sa balikat ng kanyang asawa.
'Pa sunod na sana rin ang lalaki. A-ayos na lang ito ng kanyang higa upang yumakap sa kanyang asawa. Pero— ginulantang sila at ginulat ng biglang bumukas ang pinto ng walang kumatok.
“mom!" sigaw ni Amelia. Ang anak nila na kangina pa nila mga pinag-uusapan. Cute ng ngiti nito. Matamis na tumingin sa dalawang magulang. Lumakad ito na lumapit sa mag-asawa.
“Dad! Can I sleep here?" Umiling ang kanyang ama. Nakasimangot ang anak. Pabebe face. Paawa face. Pamimilit face. Pakiusap face.
“No, Amalia, I'm sorry. You've grown in stature. You should practice sleeping on your own." Amalia received a response from her father.
“But, daddddd" pangangatwiran na pahayag ng batang anak. “I wanted to sleep with both of you.."
“No!" mariin na tugon ng kanyang ama. Relax at seryoso. Sinusubukan lang nito ang magiging reaksyon ng kanyang nag-iisang anak.
“So, go to your room. I, and your mom, need to sleep. Same as you, so go to your room, Amalia." Her dad ordered her to go to her room. Kaya naman si Amalia nakasimangot na ngumuso sa kanyang ama. Na-ngatwiran.
“Dad, I am still six years old. I am not big enough. So, it is okay for me to stay and sleep here. Please, dad." She answered her dad while she pointed her snout at her dad. Pinahaba nito ang nguso habang nangangatwiran na sumagot sa kanyang mga magulang. Natawa at napabuga ang lalaking si Mr. France sa kakulitan ng kanilang nag-iisang anak. Habang makulit at nakiusap na matulog katabi silang mag-asawa.
Payat na ngumiti si Amalia, habang nakikiusap at nagmamakaawa sa ama. "Please!" habang pinagdikit ang dalawang palad at pinagkaskas iyon habang pakiusap. “Please, dad!" paawa na saad niyang nakikiusap pa rin ito. Naupo na ito sa tabi ng kanyang ama. Sa gilid ng kama. Bahagya na gumalaw ang malambot na kama. Nang umangat sa ibabaw si Amalia. Niyakap ang kanyang ama.
“Okay! Ano ba pa bang magagawa ko." Her dad laughs while he says this to his naughty daughter.
He blew air.
And Amalia was happy to hug her Dad and Mom.
“Thanks, Dad!" Pinag hahalikan niya ang dalawang magulang. Sa tuwa na pumayag ang mga ito na matulog siya na katabi ang mga ito. Panay pasasalamat ni Amalia. Kung ilang beses niya pa inulit-ulit ang pagsasabi ng salamat sa kanyang ama. Sinundan din niya ng pasasalamat sa kanyang Ina.
“Thanks, Mom!" She's so happy, she says to her parents. “Thank you pOh!" ngiting-ngiti niyang pahayag na may maraming tuwa sa mata. Dahil sa nag-iisang anak. Madali lang niya makumbinsi ang kanyang magulang. Lalo na mahal na mahal siya ng mga ito dahil sa nag-iisa nga siya at tagapagmana ng mga bagay na natatamasa niya. Lahat ng bagay. Ibinibigay sa kanya ng kanyang magulang. Nasusunod ang mga gusto niya ng hindi makakontra ang mga magulang. Dahil nga sa nag-iisa siya. Lahat maaari niya makuha.
Ganun pa man. Kahit mag-isa si Amalia na anak. Hindi makakalimutan ng mga magulang niya ang turuan siya ng kabutihang asal. Inilalayo siya ng mga ito sa bagay na makapag papahamak sa kanya. Ang pagiging magalang at matalino ni Amalia. Ang pagiging mabuting bata nito at sa kapwa niya. Lahat yon ay mula sa mga aral at wika ng kanyang mga magulang. Lagi ang mga ito nasa likod niya. Hindi mga ito kahit minsan nagpabaya sa kanya bilang isang bata. Tinuturuan siyang maging malapit sa mga tao na malayo sa antas ng pamumuhay na meron siya at kanyang pamilya. Hindi sila nakakalimot na magbahagi sa iba ng mga bagay na kaya nila ibahagi dahil sa meron naman sila. Marami silang pera. Kaya nila bilhin lahat ng naisin at makuha. Pero, mas important sa kanila ang tumulong sa kapwa.
“Okay! Sige na. It's very late. We need to sleep. Maaga pa kami ng mommy mo na aalis bukas. May work pa kami and ikaw, dito ka lang sa bahay. Wag kang tumakas, okay? Or, mag pasama ka sa Yaya mo." wika na sabi ng lalaking France sa anak. “Makinig ka! Amalia, hindi namin gusto ng mom mo, ang masaktan ka at mapahamak. Kaya dapat lagi ka lang makinig sa bawat sinasabi namin sayo." seryoso at malaman na pahayag ng kanyang ama. Nalito tuloy si Amalia sa sinasabi ng kanyang ama. Tumingin siya ng nagtatanong ang mata. Pero sabi lang ng kanyang ama. “Sleep na!"
“Okay, dad." napabuntong hininga si Amalia habang humilig na siya at pumagitan sa gitna ng kanyang mga magulang. Humalik muna siya sa dalawang magulang bago umayos sa gitna ng mga ito. Ang dalawa niyang binti ini-patong niya sa dalawang magulang kasama ang dalawa niyang kamay na ikitawa ng mag-asawa.
“Paano ka matutulog ng ganyan ang position?" tanong ng kanyang Ina.
“Okay lang pOh!" natatawa nito na tugon.
Pumikit na siya. “Goodnight pOh!" sabi pa niyang dagdag ng tuluyan na maipikit ang kanyang mga mata. Nagpadala na si Amalia sa antok na nararamdaman. Hindi na niya narinig ang sinabi ng kanyang Ina na ibinulong nito sa kanyang tenga.
“Amanda, thank you for being a great daughter of mine and to your dad. You're too naughty, but you're also too brave, kind, and sweet for me. Sana lang hindi ka magbago hanggang sa paglaki mo. Maging mabait ka sana na bata at matulungin sa kapwa. Hindi sana mawala ang pagiging masayahin mong bata. Lagi ka sana makinig sa lahat ng mga sinasabi namin sayo ng dad mo. Napaka swerte talaga namin na nagkaroon kami ng isang anak na gaya mo." napahabang wika na pahayag ng kanyang Ina. Tagos ito sa puso niya at totoo na masaya siya na dumating si Amalia sa buhay nilang mag-asawa. Niyakap niya si Amalia. Hinalikan sa noo habang napansin niya na tulog na pala ito. Bahagya siyang natawa ng walang ingay.
“Tingnan mo si Amalia, tulog na!" wikang hindi maalis ang tingin sa anak na masarap at mahimbing na natutulog. Naghihilik pa ito. Bahagya lang. Payat lang ang ingay non.
“Ang bilis talaga niya gumawa ng tulog. Ka-kahiga pa lang. Nadikit pa lang sa higaan ang katawan. Tulog na agad." saad ng amang natunghaw din ang mata sa anak. Hindi rin niya maalis ang mata sa kanyang magandang anak. Naisip ng ama ni Amalia. Kasing ganda nito ang kanyang Ina nung una niya ito makilala. Bago nito niligawan at naging sila. Hanggang sa umabot lang ng ilang buwan. Nagdesisyon na agad ito na ayain na pakasal ang Ina ni Amalia sa kanya. Nanginginig niyang hinawakan sa kamay ang asawa niyang babae. “She looks beautiful. Mana talaga sayo. Alam mo bang sa tuwing matitigan ko siya. Mukha mo ang nakikita ko nung una pa lang kita non nakilala at nakita sa may dalampasigan." nilingon nito ang kanyang asawa. “Natatandaan mo?"
“Oo, yung araw na nag-dupilas ka pa sa kakalakad at lapit mo sa akin n'on. Sa paghakbang mo ng malapad. Dumulas ang natapakan mo at dire-diretso ka pang napaluhod n'on sa harapan ko at tinanong ako." ngumiti. Napangisi. “Pwede ba kitang ligawan? Imbes na ang unang i-tanong mo. Kung ano ang pangalan ko. But, the first— pangalan ko talaga?" natatawa nito na naalala at biniro niya ang kanyang asawa.
Iyon kasi ang unang araw kung saan sila nagkita ng hindi sinasadya. Kung hindi pa ito nagdupilas ang kanyang asawa n'on ay hindi niya ito mapapansin. Nakatalikod kasi siya nung araw na yon habang nakatayo na nakaharap sa dagat. Iniisip niya that day kung kailan siya magkakanobyo. Kasi nga sa lugar nila ay bihira lang ang lalaki at karamihan puro may mga asawa na. Wala siyang makuha na manliligaw. Wala din ang nakakapansin sa kanya at lalo na sa lahat ng mga lalaking binata pa sa kanilang lugar. Kamukha pani— Hindi na niya na ituloy ang iniisip niya non nang maramdaman niya ang bakas ng isang tao sa kanyang likuran. Nakaluhod ito. Nakakunot ang noo niya. Nagulat siya dahil sa hindi ito pamilyar sa kanya at lalo na nun lang niya nakita. Hindi rin ito taga sa kanilang bayan.
He proposed to her. Gulat siya. Nanlaki ang mata n'ya sa kabiglaan. Iyon kasi ang unang araw na may lumuhod sa harapan niya at nagtanong kung pwede s'yang ligawan. Hindi niya alam tatawa. O, magagalit ba sya. O, kaya naman. Palalayasin niya ito sa kanyang harapan habang sinisipa. Nakapalda kasi siya nuon. Sakto lumakas ang hangin. Tumaas. Sakto pumasok sa ulo ng lalaki. Napapikit ang lalaki nang hablutin niya ang kanyang palda. Nakita niya ang nakapikit pero nakatawa nitong mukha. “Ang bangon naman." huminga na wika nito
Sinabihan niya itong bastos. Pero, natatawa na lang din siya sa nangyari ng tumawa ito ng malakas. “Naaalala mo pa pala?" wikang tanong nito sa asawa.
“Oo, naman."
“Very memorable sa akin ang araw na yon at hindi ko makakalimutan." ngumuso siya.
“Tumigil ka! Matulog na tayo. Nakita mong nasa tabi natin si Amalia." saad niyang pangiti na hinampas ang kanyang asawa. Mahina lang. Hindi gaano gumalaw at baka magising ang anak nila sa ingay nilang mag-asawa. She breathe.
“Matulog na tayo." Aya niya sa asawang lalaki.
“Mabuti pa, goodnight!"
“Goodnight!" sweet niyang tugon. Nahalikan pa siya sa noo. Inabot ng humaba nitong nguso. Papikit na sana sila. After magpalitan ng goodnight words. Nang may marinig silang ingay mula sa labas. Mga bulong. Mga martsa at kalampag ng mga paa mula sa mga suot na sapatos. Ang mga aso. Nag sitahol nang may marinig sila na bahagya na ingay at naputol ang ungol ng mga aso nila sa labas ng bahay.
Hindi na nila marinig pa ang mga tahol ng mga bantay nilang aso. Nagtataka. Tumayo ang lalaking asawa. Kasunod nito ang babae na dahan-dahan pa muna ibinaba ang kamay at binti ng kanyang anak. Maging ito kinabahan. Habang chill lang na nagdahan-dahan sa paglalakad ang lalaki niyang asawa. Nakikiramdam. Pinakikinggan nito mga ingay na narinig niya.
“Ano kaya yon?" his wife asked him.
“I don't know. Silipin ko lang muna." sagot niya. Hindi niya pinahahalata ang kaba niya na nararamdaman para sa kanyang pamilya. Tumungo ito sa may bintana. Na kasunod ang kanyang asawa sa kanya. Nasa likuran niya ito na sinensyasan niya muna na wag magtanong upang hindi sila makagawa ng kahit anong ingay.
“Sino sila?" takang tanong ng kanyang asawa. Nang masilip ang mga ilang tao sa labas ng kanilang bakuran. Nakapasok na nga ang ilan habang lumalakad ng mabibilis ang hakbang. Napalingon siya sa asawa. “hon?"
“I don't know. Hindi ko din sila mga kilala. Pero— tingin ko kailangan natin ngayon makaalis dito sa bahay. Delikado—" hindi pa man niya natatapos ang sinasabi niya sa kanyang asawa. May narinig agad sila na malakas na putok ng baril mula sa labas.
Naluha sa gulat ang babaeng asawa. Muntik na rin ito napasigaw sa gulat. Kaya agad niyang tinakpan ang bibig ng kanyang asawa ng kanyang palad. Buti na lang mabilis din siya dahil sa kung hindi napasigaw sana ang kanyang asawang babae. Tiyak na makatawag iyon ng pansin mula sa mga hindi pa nila nakikilala pang mga tao sa labas ng kanilang bahay.
“Wag kang maingay. Gisingin mo si Amalia, bilis." utos niya sa asawa. Pinapagmadali niya ito. Nagmamadali rin ito na natataranta habang hindi niya alam paano niya gigisingin ang kanyang anak.
Mabilis na kumilos ang asawang lalaki. Maging ang asawa niya ay agad na nakatungo sa kama kung saan nakahiga ang natutulog nilang anak. Tinapik niya ito, ginising.
“Amalia, gising please, gising. Gumising ka muna." ilang ulit na ginigising n'ya ang kakatulog nilang anak.
“Why, mom? I feel sleepy."
“Bumangon ka muna, we need to escape." her mom says to her.
“Why, mom?" nagtataka na tanong ni Amalia, habang tinatamad pang bumangon sa kama. Nagawa pa nito inunat ang kanyang katawan.
“No time to explain, Amalia. Ang important ngayon—" may putok muli ng baril. Malakas yon. Kesa sa kangina na narinig nilang mag-asawa. Natakot si Amelia agad.
“mom?"
“dad?"
“Wala na akong panahon na magpaliwanag, Amelia. Bilisan niyo na!" pabulong na sabi ng daddy ni Amalia. Pasigaw ng mahina din sa kanila ng kanyang Mommy.
“Amalia, wag kang maingay okay. Sumunod ka lang sa amin ng daddy mo. Wag kang matakot. Magiging okay din lahat. Kailangan lang natin makaalis dito sa bahay. Para maging safe tayong lahat." Tumango lang si Amelia. Hindi niya nauunawaan ang sinasabi ng kanyang Ina. Sumunod lang siya sa sinabi ng kanyang mga magulang. Habang isa-isa na dinampot ng kanyang Ina ang mga ilang important na gamit na kailangan nila. Ang lahat. Laptop, mga files na importante. Ang usb na naglalaman ng lahat ng mga documents na naglalaman ng mga important information. Lahat ng mahalaga. Sinigurado ng mag-asawa na madadala nila.
Kinuha din ng lalaking France ang isang baril sa drawer. Bago pa man sila lumakad palabas ng kwarto. Maingat sila na mga umusad ng lakad upang siguruhin na walang magagawa na ingay. Palinga-linga ang lalaking France habang nasa likuran pa rin niya ang kanyang mag-ina. Maingat ang bawak hakbang at galawan niya habang hawak ang baril.
“Anong nangyari sa labas?" tanong ng dad ni Amalia. Isang kasama sa bahay ang sumalubong sa kanila.
“Sinugod po tayo." takot na napabuntong hininga ang kasama sa bahay habang wika niyang ibinalita sa mag-asawang France ang nangyayari sa labas.
“Nasaan ang iba?" agad niyang inilibot ang kanyang mata habang tanong sa kasama nila sa bahay.
“Nasa baba po. Ang ilan sa iba po mga nakapwesto na po." saad pa rin na sabi nito. Napalunok ang lalaking France.
“Sige, halika. Puntahan natin sila. We need to escape. Sa safe entrance tayo tayo dadaan."
Ang tinutukoy ng daddy ni Amalia ang lihim na lagusan na sila lang at ang ilang mga kasama sa bahay ang nakakaalam. Kaya, nagbigay siya ng utos sa mga ilang nasa loob na tauhan. Lilisan sila. Lilisanin nila ang bahay upang maging ligtas lahat. Nag-aalala din siya. Ayaw niya na may mapahamak sa bawat kasama niya sa bahay. Ilan na sa mga tao na nasa labas nakabantay ang natitiyak niyang ngayon patay at— hindi na niya ulit natuloy ng marinig ang palitan ng mga putok ng baril sa labas. Mukhang may ilan pa ang buhay sa mga tao niya. Isang pagkakataon upang makalabas sila sa bahay. Makatakas at makalayo.
“Move!" pabulong niya lang utos sa mga kasama sa bahay. Nag si-bulong-bulong din ito. Ipinasa sa iba pa ang plano nilang pagtakas at paglayo nila sa lugar.
Nakalabas na sila sa lihim na lagusan mula sa kanilang bahay. Kasama ang ilan pa sa natitira nilang mga tauhan. Sinipat niya ang mga tao kung kumpleto na sila. May kalayuan na din sila mula sa bahay. Sa pagdaan nila sa lihim na daan. Nagawa nila ang matakasan ang mga taong alam na ng lalaking France kung sino ang mastermind.
“Ikaw na muna ang bahala kay Amalia." bilin na sabi niya sa Yaya ni Amalia. Hawak na rin nito si Amelia. Habang kinakamusta ng asawa niyang babae ang ilan. May ilang nasugatan sa mga guard nila sa lahat. Nakahabol pa ang mga ilan sa mga ito bago sila mga lumisan sa bahay. Buti nalang, mabibilis din kumilos ang mga nakaabang sa pintuan.
“But, Sir!" naiiyak na tugon nito. Natatakot. Kinakabahan.
“Wag ka mag-alala. Walang mangyayari sa ating lahat. We need to escape. But, kailangan natin mag-hiwa-hiwalay after natin makalabas ng tuluyan dito sa mansion at makalayo. But, hindi namin pwede isama na mag-asawa si Amalia, kaya ikaw na muna ang bahala sa kanya. Kung pwede?" tanong na may pakiusap.
“sir!" umiling-iling ito. Magmakaawa ang itsura ng daddy ni Amalia. Ayaw pumayag ng yaya ni Amalia na magkalayo-layo sila. Maliban sa natatakot. Nag-aalala din ito sa mag-asawa France.
“Please, kung isasama namin si Amalia, kung sakali naabutan nila kami. Hindi pwede na maging si Amalia, madamay sa gulo na ito. Napaka bata pa niya para danasin ito, lalo na at hindi tayo nakakasiguro sa maaaring kalabasan ng ginagawa nilang pagsugod. Kaya please, ikaw na muna ang bahala sa kanya." muli na pakiusap ng daddy ni Amalia. Umiyak na rin ang yaya ni Amalia. Napalingon ang mommy ni Amalia. Nakikita niya na ayaw pumayag ng yaya ng anak nila ang magka-hiwa-hiwalay sila.
“Please, Yaya?" kahit umiiyak. Tumango nalang siya ng mabigat sa kalooban. Ayaw man sana. Ano pa nga ba ang maaari niya magawa na inaalala lang ng amo niya ang kaligtasan ng kanilang anak. Kaya pumayag na siya kahit bigat na bigat siya sa pagdedesisyon.
“Amalia, anak."
“No, dad! I will stay with you and with mom. Please!" pakiusap niya sa kanyang ama. Naririnig nito ang usapan at naintindihan niya ang sinasabi na pakiusap ng kanyang ama sa kanyang Yaya.
“Amalia, makinig ka. Ano man ang mangyari. Hahanapin ka namin ng iyong mommy. Pangako! Hahanapin ka namin. Wag kang mag-alala. Walang masamang mangyayari sa amin ng mommy mo. Gusto lang namin mapanatili na ligtas ka at walang mangyayari sayo na masama." umiyak at napa-hagulgol sa iyak si Amelia. Habang tumulo na ang luha ng kanyang daddy. Naiyak na rin siya at hindi napigilan ng makita na umiiyak ang kanyang ama.
“mom?" na 'kalapit na pala ang kanyang Ina sa kanila. Nakikinig din ito sa usapan at pakiusap ng ama niya sa kanya. Maging sa yaya niya.
“Amalia, please. Makinig ka sa daddy mo. We need to escape both and to be safe both. Pero, hindi ka namin maaari isama. Pangako. Gaya ng sinabi sayo ng dad mo. Hahanapin ka namin kahit anong mangyari. Ayusin lang namin ang gulo na ito. At once, maayos. We promise you, we will find you." sabi ng mom niya sa kanya. Pinunasan ang luha niya sa mata.
“Sige na, Yaya. Umalis na kayo." tulak na utos ng Ina ni Amalia.
Umiiyak si Amalia habang hila siya nang kanyang Yaya palayo sa kanyang mga magulang. Nagpupumiglas si Amalia. Hindi siya mapigilan ng kanyang Yaya. Nagwawala siya at nasigaw. Napansin niya ang karamihan sa mga tauhan ng kanyang ama dito mga sumama. At ang ilan ay sa kanila ng Yaya niya sumama. Upang ma-bantayan sila habang nililikas ang lugar. Tanaw na tanaw niya pa nang magstart na lumakad palayo ang mga magulang niya habang nakasunod ang ilan pa sa mga kasama nito.
Dahil sa kailangan nila ang mag-hiwa-hiwalay upang malinlang ang mga taong hindi niya alam kung sino. Nag-iba sila ng mga way. Upang maiwasan ang lahat na mapahamak. Lalo na siya. Higit na inaalala ng kanyang magulang kung bakit kailangan nilang mag-hiwa-hiwalay ng daan.
Habang lumakad sila ng mga kasama niya. Hindi matigil ang bagsak ng luha sa kanyang mata. Umiiyak pa rin si Amelia hanggang makalayo na sila sa lugar at hindi na niya matanawan pa ang ilan sa kanilang mga kasama.
She was praying na wala sana mangyari na masama sa kanyang mga magulang. At magkita-kita rin sila agad as soon as possible tulad ng mga pangako ng mga ito sa kanya.
Pinunasan ni Amalia ang kanyang luha at humarap na sa nilalakaran nila. Habang akay siya ng kanyang Yaya at hindi niya alam kung saan sila mga tutungo. Kung saan sila mga magtago. Kung saan sila ngayon tutuloy at titira habang malayo sila sa kanyang mga magulang at iba pa nilang kasama. Tulad ng pangako ng kanyang mga magulang na tumatak sa kanya.
Soon, hanggang maayos namin ng daddy mo ang lahat. Hahanapin ka naman. Magkikita-kita tayo at magkakasama-sama muli. Basta, maging matatag ka lang at matapang. Wag mong pabayaan ang sarili mo. Babalik kami. Hahanapin ka namin, Amelia— Tanda niya sa mga huling naiwika ng kanyang Ina. Hindi niya iyon makakalimutan. Hindi niya kaylanman binura sa kanyang isipan.
Lahat ng yon. Nasa isipan niya sa puso niya ang pangako na yon ng kanyang magulang. But, bakit until now. Wala pa rin siyang balita sa kanyang pamilya. Sa mga magulang niya at mga kasama ng mga ito ng mag-hiwa-hiwalay sila. Isang linggo na ang lumipas. Ngunit wala pa talaga sila naririnig na balita. Natatakot na sila ng Yaya niya. Iniisip na baka ano na ang nangyari sa kanyang mga magulang. Bakit until now? Bakit wala pa rin at hindi pa siya hinahanap ng mga ito.
Sumunod na linggo. Hanggang lumipas ang mga buwan. Wala pa rin sila nakuha na news kung nasaan at kung ano ang kalagayan ng kanyang pamilya. Kung nasaan ba sila? Until dumaan at natapos ang isang taon. Dalawa, tatlo hanggang nag-dire-diretso na. Dalaga na siya ngayon. But, her parents— nasaan ba? Buhay pa ba sila? Hahanapin pa nga ba siya? O, baka nakalimutan na siya? Kaya hindi na siya mga hinahanap ng mga ito. Lalo na ngayon, ganap na siyang dalaga.