Nakakailang hakbang palang si Sunshine palayo ng kwarto ni Thunder nang bigla siyang napatigil.
She shouldn't follow everything that he wants her to do, hindi gagaling sa ganoon ang kanyang pasyente.
Isang buwan lang ang meron siya para tulungan ang kanyang pasyente. Hindi niya dapat sayangin ang buong buwan na ito na wala man lang siyang nagagawang tulong dito.
She needs to be as fierce as she can.
She's a nurse and her duty is to take care of her patient.
Tumango-tango siya.
She inhaled deeply and turned around. Dahan-dahan siyang humakbang pabalik hanggang sa marating niya ang pintuan nito. She slowly unlocked the door using her key and opened it.
Maingat ang kanyang bawat kilos hanggang sa makapasok siya. Dahan-dahan niyang isinara ang pintuan at tsaka tumingin sa kama.
Hindi niya alam but something pained inside her heart when she saw her patient's tears. Humakbang siya papalapit dito at tsaka ito tinignan. Hindi man lang nito napansin na nasa tabi na siya nito.
"Why are you such a crybaby?"
Bigla itong napadilat nang marinig ang kanyang boses. She smiled when their gazes met. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Ni hindi man lang ito nakagalaw, hindi rin nito linalayo ang mga mata nito sa kanyang mata.
"Huy, okay ka -aray!" daing niya nang bigla siya nitong hampasin ng remote control sa noo.
"I-I'm so-"
"s**t! Gumagaling pa lang nga tong bukol na ginawa mo saakin kahapon tapos dinagdagan mo na naman ng bago?!" sigaw niya rito.
"I told you I don't like people coming inside my room without knocking-"
"That's not a f*****g reason for you to hit me a remote control on my forehead!" Napapikit siya ng mariin nang biglang kumirot ang parteng iyon na tinamaan ng remote.
"Paano kung matanda yung pumasok dito at bigla mo nalang pinukpok sa ulo ng remote?! E'di namatay yung matanda! Ganito ba ang ugali mo kahit hindi pa nag-s-switch ang katauhan mo ha?!"
Hindi niya na alam kung ano ang pinagsasabi niya, ang alam niya lang ay galit na galit na siya. Siya na nga itong tutulungan, siya pa itong mamumukmok?! Sa lahat ng mga baliw na kanyang naalagaan, ito ang worst.
Yes, tama ang psychologist ni Mr. Hernandez, he is indeed dangerous! Kahit na maamo ang itsura nito, mas masahol pa pala sa demonyo ang ugali nito.
Looks can be really deceiving nga naman pala talaga.
She bit her lips when her eyes clouded with tears. Ito naman ay natigilan.
"You just entered my room!"
"Wala naman akong ginagawang masama! Pumasok lang ako at naabutan lang kitang nakapikit at umiiyak! I was planning to comfort you but what did you do?! You hit me with a remote control!"
Nakita niyang sasagot pa sana sa kanya si Thunder nang biglang bumukas ang pintuan ng pagkalakas-lakas. Iniluwa noon ang psychologist na si Miss Navarro kasama ang ibang nurse. Nanlalaki ang mga matang nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa ng kanyang pasyente.
Nagsalubong ang kilay nito nang makitang sapu-sapo niya ang kanyang noo. Nilapitan siya nito at mabilis na hinila sa braso palayo sa kanyang pasyente.
"What happened here? Nagsisigawan ba kayong dalawa?"
Hindi siya nakasagot. Tahimik lang ang kanyang bibig. Binalingan siya nito.
"What happened to your forehead?" Napatingin siya sa mata nito at tsaka dumapo ang kanyang tingin kay Thunder na nakatingin lang sakanya. Guilt is written all over his face ngunit wala siyang pakialam.
Alam niyang hindi dapat sinasagot-sagot ang pasyente ngunit bigla nalang siyang nagalit. Ito rin ang isa sa kinakainisan niya sa kanyang ADHD, once na magta-tantrums na siya, mahirap nang pigilan.
"He hit me with a remote control again maam..." mahina niyang sabi. Narinig niya naman ang pagbuntong-hininga nito.
"You shouted at him?" nakagat niya ang kanyang labi.
"Mr. Hernandez..." binalingan nito ang lalaki at tsaka umiling-iling. "We need to remove some things inside this room na maaaring makasakit ng tao like that remote control." siya naman ang binalingan nito.
"And you Miss Reyes, follow me to my office, we will talk."
Napabuntong-hininga siya.
Naunang lumabas si Miss Navarro, tinapunan niya muna ng tingin ang kanyang pasyente na ngayon ay nakayuko na.
She felt a pang in her chest.
Napapikit siya ng mariin at tsaka sinundad ang psychologist palabas ng kwartong iyon sapu-sapo parin ang kanyang nananakit na noo.
---
It's been two weeks since he last saw his nurse, Sunshine. Nalaman niya kasi sa bago niyang nurse na na-suspend ito dahil sa ginawa nitong pagsagot-sagot sakanya.
Imbes na matuwa siya dahil sa balitang iyon ay sa 'di maipaliwanag na dahilan, bigla siyang nalungkot. Mas lalo siyang nakaramdam ng guilt.
The poor nurse was just doing her job -to take care of him ngunit imbes na pasalamatan ito ay pinukpok niya pa ito ng remote control sa noo.
Tama si Sunshine, hindi pa nga siya nags-switch ng katauhan ay ganito na kasama ang kanyang ugali, what more kung nagpalit na? He isn't like this... hindi siya nananakit ng tao lalo na kapag babae.
Napabuntong-hininga siya at tsaka lininga ang kanyang mga mata sa kanyang kwarto. They removed everything that can hurt someone. The only things that are left in his room are the table, chair, his bed and the flat-screen T.V na nakadikit sa wall.
He shook his head. Everybody thinks he's crazy now kahit hindi pa man siya nagpapalit ng katauhan.
Naikuyom niya ang kanyang kamao. He couldn't control his patience. Madami kasi siyang iniisip noong araw na iyon kaya hindi niya na-kontrol ang kanyang pasensya.
And also, he was ashamed.
Bigla siyang nahiya nong nakita nitong umiiyak siya.
He's already a grown-up man for f**k's sake yet he's crying like a baby! Nakakahiya iyon ng sobra!
Napapikit siya ng mariin at inis na sinuntok ang padded-wall. Damn it! He wants to feel pain by punching the wall but it's damn too soft for him to be hurt!
He gritted his teeth out of anger sakto namang may kumatok sa kanyang pintuan at tsaka iyon bumukas.
"Get the fvck out of here!" he shouted.
"May bisita ka! Wag kang mananapon ng bagay! May bukol pa ako sa ulo!"
Napatigil siya.
Sunshine?
Is it just him or he just heard Sunshine's voice?
Is she back?
Tumikhim siya.
"W-who are they?" tanong niya rito ngunit hindi ito sumagot. He was waiting for her answer ngunit ilang segundo na ang nagdaan ay hindi parin ito sumasagot.
Damn, bakit gusto niyang marinig ang boses nito?
His eyes widened when he saw someone walking towards him.
"Yvonne..." he whispered.
"Thunder..."