Chapter 3

1395 Words
“Sunshine, ano’ng oras ang duty mo kay Mr. Hernandez? I need your schedule.” Mabilis niyang ibinigay sa psychiatrist ang kanyang schedule. Binasa naman ito nito at tsaka tumango-tango. “What happened to your forehead?” Napahawak siya sa kanyang noo. “Uh, this… Mr. Hernandez kind of hit me with his remote control.” Nakita niya ang pagiling-iling nito. “What did you do? Did you offend him or something?” Mabilis siyang umiling. After a day, she remembered what really happened. Pumasok pala siya sa kwarto nito nang hindi kumakatok. Dun siya nagkamali, hindi niya alam na ayaw na ayaw pala nitong pumapasok bigla sa kwarto nito. “It’s my fault miss. I entered his room without his permission.” Sabi niya habang nakayuko. Narinig niya naman ang pagbuntong-hininga nito. “Still, hitting you with a remote control is not a good thing to do.” Gusto niyang sumang-ayon dito ngunit wag nalang. Baka pag suman-gayon siya ay sakanya pa ito magalit. Bumuntong-hininga ulit ito. “Anyway, his previous nurse reported to me about his personality-shifting. Hindi pa naman siya nagpapalit ng personality ngayon so wala tayong problema but still, if ever na may napansin kang kakaiba sakanya, quickly get out of that room and call us. And please always lock the door when you leave his room from the outside. Mabubuksan niya lang ang pintuan pag mula sa loob mo ila-lock.” She nodded her head again. She must keep that in mind. Tatalikod na sana siya nang muli itong magsalita. “Please understand him, Sunny one month ka lang naman niya magiging nurse and after that ay matatapos na rin ang kontrata mo dito. You already know why.” She nodded her head and smiled at her. She’ll end her contract in a month because she’s planning to have a treatment to cure her ADHD at pag magaling na siya ay babalik na uli siya sa serbisyo. A nurse with a mental illness should not take care of a patient who also has a mental illness. Napabuntong-hininga siya tsaka inayos ang mga gamit na gagamitin niya. Malapit na kasi ang oras na magdu-duty siya sa kwarto ng lalaking iyon. Napahawak siya sa kanyang noo. Tinapalan niya lang ng band-aid ang sugat niya roon. Napangiwi siya sa sakit. “Naman oh.” Napa-tsk siya sa sobrang inis. Alam niyang kasalanan niya na hindi kumatok sa pintuan nito pero hindi naman tama na paluin siya nito ng remote control sa ulo. She also knows na may problema ito sa utak but she’s sure na nasa normal itong pagiisip noong oras na iyon. Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit na dapat dalhin ay agad niyang tinungo ang kwarto nito. Huminga muna siya ng malalim bago siya kumatok. She knocked three times ngunit wala paring sumasagot. “Pumasok ka na.” Napalingon siya sa nagsalita. It’s Mr. Hernandez’ psychologist! “Po? Baka k-kasi…” “Don’t worry, natutulog siya. Just don’t make too much noise that will wake him up. Alam mo naman.” “Sigurado po ba kayo?” “Just go. Call me if something bad happens okay?” Tinanguan niya ito. The psychologist smiled at her bago siya nito iniwan. She took a deep breath at tsaka niya ipinihit ang doorknob. Dahan-dahang pumasok sa kwarto nito. Maingat ang kanyang mga kilos at baka mapalo na naman siya. Nang tuluyan siyang makapasok ng kwarto nito ay ingat na ingat siya sa kanyang kilos. Napapikit siya nang maamoy ang lugar. His room smells so good. Lininga niya ang kanyang mga mata sa paligid. The room has its own television, one chair and a table. Kung hindi lang sa padded walls ay hindi talaga ito mapapagkamalang kwarto ng isang baliw. Hindi masyadong marami ang gamit roon. Walang babasagin at matutulis na gamit. Ang sabi kasi ng psychiatrist ng kanyang pasyente ngayon ay hindi naman masyadong malala ang kundisyon ni Mr. Hernandez kaya pinayagan itong mag-stay sa ganitong klase ng kwarto. Kung ilalagay siya sa isang normal na kwarto na para talaga sa mga baliw ay made-depress ito lang ito. And once na madepress ito, mas higher ang chances na magchange ito ng personality at pag ganun ang mangyayari, it will be hard for them to cure him. Napatigil siya sa pag-iisip nang dumapo ang kanyang tingin sa lalaking nakahiga sa kama. Naka-suot ito ng puting t-shirt at mukhang mahimbing ang tulog nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa at inilapag ang kanyang mga dala-dalang gamit. Naglinis siya ng kwarto at tsaka inayos ang mga gamit nito. She picked up some pieces of paper on the floor at nang matapos siya ay naupo siya sa upuan. Linilinga-linga niya lang ang kanyang mata sa kwarto nang biglang gumalaw ang kanyang pasyente. She immediately stood up and checked on him. Akala niya ay gising na ito ngunit hindi pala. Mabigat ang pag-hinga nito. Inilapit niya ang kanyang upuan sa tabi nito at tsaka ito pinagmasdan. Ang ganda ng mga mata nito kahit nakapikit. Parang pangbabae rin  ang eyelashes, at makapal ang kilay tapos ang tangos-tangos ng ilong. He also has thin red kissable lips. Parang model ang itsura nito. For a man with a Dissociative Identity Disorder, he is handsome. Marami na siyang na-encounter na gwapong lalaki but this one is unique. Hindi niya alam pero natutulala siya sa kagwapuhan nito. Hindi nakakasawang tignan. Kahit pa nakadilat ito ay hindi niya paring maitangga— Nakadilat? “Why are you staring at me?” “Ay deputa!” Sa sobrang pagkabigla niya ay nahulog siya sa kanyang kinauupuan at lumanding ang kanyang pwet sa matigas na semento. Napangiwi siya sa sakit. “Aw…” “Hey are you—” Dahan-dahan siyang tumayo habang sapu-sapo ang kanyang nananakit na pwet. “Kung hindi ako pupukpukin ng remote control, bibiglain naman!” pabulong niyang sigaw at bahagyang lumayo sa kanyang pasyente na nakaupo na. “Why are you in my room again?” She tsk-ed and tried her best to smile at him. Hindi siya pwedeng maging masungit sakanyang pasyente. She should be caring and comfortable to be with. “Good morning Mr. Hernandez, I’m Sunshine Calixia Reyes and I’ll be your nurse for the whole month.” Gusto niya pa sanang idagdag na ‘I’m also the one that you hit with a remote control’ pero wag nalang. Palinga-linga lang ang kanyang mga mata sa paligid, she’s trying her best to avoid his gaze. “Pwede bang tumingin ka sakin? You look like a rat travelling your eyes like that in my room.” Naikuyom niya ang kanyang kamao at huminga ng malalim. This man is annoying him, kung wala lang talaga itong sakit sa ulo ay sa malamang, kanina niya pa ito nabugbog. She inhaled again and smiled before looking at him. Mula sa masungit nitong mukha kanina ay bigla iyong nagbago. His color became pale as their gazes met. She saw his lips parted when his eyes landed on her forehead. Mabilis niya iyong tinakpan ng kanyang palad. “Y-you’re that nurse that I hit with a remote control yesterday right?” Ha! Nadale niya rin! Mabilis siyang tumango. Palihim siyang napangisi nang makita ang pamumutla nito. Akala niya ay magso-sorry ito ngunit laking gulat niya nang iba ang sinabi nito. “It’s your fault. You entered my room without knocking.” Naikuyom niya ang kanyang kamao. Bwiset na lalaking ‘to! Hindi ba uso ang mag-sorry?! “Anyway, where’s my food?” “Pinapahanda ko pa po, they’ll be here later to bring—” “Don’t wait for them to bring it here, go out there and get it!” “But—” “Get it!”  - “Sir, nurse ho ako hindi –” “Nurses take care of their patients. That’s their duty.” She gritted her teeth. “Okay sir.” “I’ll give you ten minutes to come back here.” Her eyes widened. Ten minutes?! “Wait that’s too—” “Timer starts now.” Naikuyom niya ang kanyang kamao.kamaog wala na siyang ibang choice kun’di ang tumakbo papalabas ng kwarto nito. "Bwisit! Baliw talaga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD