Thunder clenched his fist when someone knocked on his room's door. Inis siyang dumampot ng matigas na bagay sa kanyang tabi at hinagis iyon sa pintuan.
"Get the f**k out! Leave asshole!" sigaw niya. Hindi na uli kumatok ang kung sinong tao sa pintuan. He bet he or she ran away because of fear. Nagsalubong ang kanyang kilay at napabuntong-hininga.
Dinukot niya sa kanyang bulsa ang isang kapirasong papel at napangiti nang makita iyon.
"Yvonne..." he whispered.
He misses her a lot. Nakagat niya ang kanyang labi at hindi na napigilan ang mapaiyak.
Damn it. If it wasn't for his mental illness, sila parin sana ni Yvonne hanggang ngayon, hindi sana ito muling nahulog sa asawa nitong si Blaze Villiarde. Hindi sana ito nawala sakanya uli.
Kung mas nag-effort pa sana siya. Kung hindi sana sila umuwi ng Pilipinas.
Sila parin sana ni Yvonne hanggang ngayon.
Napapikit siya ng mariin.
He's inside the mental institution and currently curing his DID. Nakausap niya kaninang umaga ang kanyang karibal kay Yvonne na si Blaze. He visited him earlier at binalita nitong nasa hospital si Yvonne and she's taking a rest. Nagpapagaling na ito sa tama ng baril na siya mismo ang may gawa -his other self rather.
His personalities changed and kidnapped Yvonne.
He already saw it coming noong una palang.
He is in love with Yvonne and his other self is obsessed with Yvonne to the point that he kidnapped her and almost killed her para lang hindi sila magkatuluyan ni Blaze.
He clenched his fist and cried even more. He was crying hard when someone opened the door without knocking.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Wala sa sariling nahagip niya ang remote control ng kanyang t.v sa ibabaw ng lamesa at hinagis iyon ng malakas sa taong pumasok ng kanyang kwarto.
"Aray ko!" daing nito. He immediately wiped off the tears from his face and faced the intruder. Agad na tumambad sa kanyang paningin ang babaeng nakasuot ng nurse uniform na sapu-sapo ang mukha nito. Bahagya siyang napaatras nang bigla siya nitong tingalain at sinamaan ng tingin.
Damn. If only looks could kill, nakabulagta na siya sa sahig ngayon.
He gulped but kept his poker face.
It's her fault by the way. She entered the room without knocking.
Dahan-dahan itong tumayo habang sapu-sapo ang noo nitong natamaan ng kanyang remote control. Masama parin talaga ang tingin nito sa kanya hanggang sa nakita niya ang paglandas ng dugo mula sa noo nito papunta sa mata nito.
"F-fuck..." he cursed. Nanlaki ang mga mata ng babae at tinignan ang palad nitong may dugo.
"S-shet... d-d-d-d-d-d-d-dugo..." he heard her whispered before passing out. His eyes widened in fear, he tried to move and help the woman but he can't! God damn it!
Napatingin siya sa pintuan nang bigla iyong bumukas at niluwa 'non ang isang lalaki na nakasuot rin ng nurse uniform. Napatingin muna ito sakanya at tsaka ito napatingin sa babae sa sahig.
"Sunshine! Gumising ka!"
Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na kinarga ang babaeng nakahiga sa sahig.
Namutla siya.
Pagkalabas at pagkalabas ng dalawa mula sa kanyang kwarto ay mabilis niyang tinungo ang pintuan at nilock iyon.
"Shit."
---
"W-where am I?"
"Sunny! Mabuti naman at gising ka na!" Napaigik siya nang bigla siyang yakapin ng kanyang kaibigan na si Corazon.
"A-aray, hindi ako masyadong makahinga... bitaw nga."
"Ay sorry Sunny bebe!"
"Iyan pa, wag mo nga akong tawaging Sunny. You know how much I hate to be called like that Corazon."
Imbes na sumagot ay inirapan lang siya ng kanyang kaibigan at tinulungang makaupo sa hospital bed.
"Teka, ano bang nangyari?"
Tumaas ang kilay nito.
"Hindi mo ma-remember?"
Umiling siya. Magtatanong ba siya kung maalala niya?
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
"You were assigned to Mr. Hernandez's room earlier."
"Oh, yung lalaking may DID?" She remembered going to his room earlier but aside from that ay wala na siyang ibang maalala pa.
Her friend nods her head.
"When you came into his room he hit you with a remote control."
Tumango-tango siya ngunit agad na napatigil.
"What?!"
Nanlaki ang kanyang mga mata. "Why would he hit me?!" pasigaw niyang tanong sa kanyang kaibigan. Nag-shrug ito bago magsalita.
"When we found you, you're already lying inside his room, may hawak-hawak siyang remote control so I assume na iyon ang pinalo niya sa ulo mo. Ano bang nagawa mo para paluin ka niya ng remote ha? Did you offend him or something? Knowing you Sunny bebe, walang preno yang bunganga mo."
Sinamaan niya ito ng tingin.
"May preno ang bunganga ko! Hindi pa naman ako inaatake ng-"
Napatigil siya sa pagsasalita. Naikuyom niya ang kanyang kamao.
"Inaatake ng ano Sunny? Inaatake ng ADHD mo? Why? Iinumin mo na naman yung mga gamot mong malakas ang side effect ha?! It's not really a bad thing-"
"It's a bad thing! It needs to be cured!"
"No it's not! ADHD is not a sickness Sunny! Nasa utak mo lang yan!" umiling-iling siya at mariin na naipikit ang kanyang mga mata.
"Wala kang alam kaya wag kang magsalita!"
"Paano ko ba naman malalaman kung hindi mo sasabihin?! I'm your bestfriend since Grade School! You used to be a happy-go-lucky child but after a year you just... you just... changed..." mula sa malakas na tono ay unti-unting nanghina ang boses nito.
Napayuko siya.
"You transferred school without telling me... you left the Philippines and when you came back... you're not the same Sunny that I knew."
Akmang magsasalita sana siya nang bigla itong tumalikod.
"I-I'll just take a break. Kumain ka na muna kung nagugutom ka bago ka mag-duty." Iyon lang ang sinabi ng kanyang kaibigan at tsaka siya iniwan sa loob ng infirmary.
She bit her lower lips.
Corazon is right.
She's her bestfriend yet she doesn't tell her anything.
Well, she wants too but something's stopping her. Fear and shame is stopping her from telling it to her bestfriend.
Takot siyang sabihin kay Corazon ang nangyari sakanya noon. Natatakot siya na baka layuan siya nito at pandirian.
Kahit alam na nito ang kanyang sakit ay nahihiya parin siya. She hates her sickness. She hates ADHD so much. When she was young, gusto niya pa iyon dahil hindi siya madaling mapagod but now... she hates it.
ADHD was the reason why their house burned into ashes. Why her parents died. Why she's alone now.
Fifteen years ago, she was only eight. Inatake na naman siya ng kanyang ADHD.
She played and played and played for three hours non-stop. Kahit nagblack-out na't lahat ay hindi parin siya tumitigil sa paglalaro.
Her mom was talking to the phone with someone and her dad was already asleep. She's playing with her favorite legos when something caught her attention. Mabilis na nalipat ang kanyang atensyon sa lampara na nakapatong sa mesa.
She knows that it's dangerous to play with it but she can't stop herself. Pinaglaruan niya iyon at hinagis sa sahig.
Their house burned. Her mother saved her. Nauna siya nitong pinalabas ng kanilang mansion. Nasa labas na sana silang dalawa nang biglang bumalik sa loob ang kanyang ina to wake her father up. Pinahintay lang siya nito sa labas and as a kid, she followed her mother's order.
She waited and waited and waited. Hoping for her parents to come out and hug her but they didn't.
Dumating nalang ang mga fire truck at ambulansya ngunit hindi parin lumalabas ang kanyang mga magulang.
Limang oras na nag-tagal ang apoy until the fire fighters finally said that the fire's already out.
Her grandma and grandpa came and hugged her. Tanong lang siya ng tanong kung nasaan na ang kanyang mga magulang but they kept their mouth shut until she saw two stretchers being carried out by some men.
Kahit naka-wrap ng tela ang mga katawan nito. Alam niyang katawan ito ng kanyang mga magulang.
Her eyes clouded with tears.
When she heard her grandparents' crying and sobbing she knew that her parents are dead... and that's because of her.
Up until now, it still traumatizes her. Kahit pa labing limang taon na ang nakakaraan, hindi niya parin magawang kalimutan ang nangyari.
Kahit nahihirapan siyang i-control ang kanyang sarili na gumalaw ng gumalaw, pinilit niya parin. She tried hard and even took meds na ayaw sa kanyang ipainom ng kanyang mga magulang sakanya dati just for her ADHD to stop.
Not like when she was a kid, hindi na madalas ang paga-atake ng kanyang sakit. Pero pag umatake naman ay napakahirap i-control. She would lock herself in a room in her house without anything that can harm her or anyone until her ADHD stops. Sometimes, it would take a whole week to stop.
Napabuntong-hininga siya.
She hates herself.