Chapter 1
"Your son is a killer!" rinig niyang sigaw ng nanay ni Jerome.
Hindi niya alam ang nangyayari sakanyang paligid. Jerome's mother was crying, while her mother was holding him so tight like her life depends on it.
"He killed him... your son is insane! He's a killer and a m-monster!" Sigaw nito at muling humagulgol. His eyes landed on his mother.
Killer...? Monster...?
He doesn't know what they're talking about. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ng nanay ng kanyang kaklase.
"Mama... I don't like monsters..." he whispered to his mom.
Napaatras siya nang dumapo sa kanya ang tingin ng nanay ni Jerome. Pain and anger is visible to her eyes.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla nalang siyang hatakin ng ginang at sinigaw-sigawan.
"Georgina!"
"Oh my God! Miss Fajardo please calm down. We can talk about this!"
"Putangina kang bata ka! You killed my son! You're a killer!" Sigaw nito sa kanya at tsaka siya dinuro-duro.
"Halimaw ka! Mamamatay tao!"
Nanggilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Let go of my son!"
Lahat ng tao sa principal's office ay tinulungan sila para pigilan ang ginang na nananakit sakanya ngayon.
What's happening?
"You killed Jerome!"
Mabilis siyang umiling.
Jerome is his bestfriend. Hindi niya ito magagawang patayin.
"Ilabas niyo muna ang mga bata dito." Rinig niyang utos ng kanilang principal sa kanilang mga teacher. Nakita niya ang paglapit sa kanya ng kanyang guro at hinawakan siya nito sa kamay.
Nang makalabas ay pinahid nito ang luha sa gilid ng kanyang mga mata at nginitian.
"W-why are they calling me monster, miss? Why are they calling me a killer?" Humihikbi niyang tanong sa kanyang guro. Wala itong sinagot at niyakap lang siya ng mahigpit.
Napayakap siya dito nang marinig niya na naman ang sigawan sa loob ng principal's office.
"Ssshhh, you're no killer. You're not a monster. You're a very good boy. You're my favorite student remember?" Hinaplos nito ang kanyang mukha.
"Do you want to play?" Tumango siya. His teacher carried him.
Habang naglalaro siya ng puzzles ay hindi parin nawawala sa kanyang isip ang nangyari kanina.
Jerome is dead. He killed him.
Napayuko siya.
He's no killer. He can't kill anyone. He doesn't remember killing anyone.
Pansamantala kasi siyang iniwan ng kanyang guro sa kanilang classroom at uwian na rin ng ibang mga kaklase niya kaya mag-isa lang siya ngayon.
"Hello!"
"Ah!" Sa sobrang gulat niya ay nahulog siya sa kanyang kinauupuan at lumanding ang kanyang pwet sa matigas na semento. Napangiwi siya sa sakit. Akmang iiyak siya nang biglang may tumakip ng kanyang bibig.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Wag kang iiyak!" tumango siya. Dahan-dahan nitong tinanggal ang palad nito sa kanyang bibig.
She smelled so sweet.
"Why are you crying earlier? May nag-away ba sa'yo?"
Umiling siya. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. He opened his mouth to say something but the girl spoke again.
"Woah! You play puzzle?!" Hindi pa man siya nakakasagot ay bigla nalang siya nitong linampasan at umupo sa kanyang kinauupuan kanina. Kumunot ang kanyang noo at dahan-dahang tumayo.
Napatingin siya rito. She was solving the puzzle at hindi man nakaka-abot ng isang minuto ay natapos na agad ito. His jaw dropped. That was a twelve by eighteen inches puzzle and she solved it in less than a minute!
"How did you do that?" amazed niyang tanong dito.
Taas ang noong ngumisi ito sakanya at nag-pogi sign pa.
"I'm so smart right? Right?" hinila pa nito ang kanyang kwelyo. Mabilis siyang tumango.
"Ha! I knew it!" tumango-tango pa ito. "Do you still have any other puzzles? I want the hard one!" Nagtatakang itinuro niya ang box na lalagyan ng mga puzzles. Mabilis itong tumungo roon at tsaka naghalughog.
Napangiwi siya.
This kid is weird.
"Anyway, why are you still here?" Tanong nito sa kanya habang naghahalughog.
"I am ... uhh-"
"Found it!" Kumunot ang kanyang noo. Nalaglag ang kanyang panga nang makita ang puzzle nito. Mas malaki iyon sa kanyang puzzle kanina at mas maliliit ang mga pieces!
Umupo ito sa sahig at bumikaka para ilagay ang puzzle sa harapan nito. His eyes widened when he saw her underwear.
Tinakpan niya ang kanyang mga mata.
"Hey, are you crying again? Why are you such a crybaby huh?"
Umiling siya. "I-I'm not crying."
"Then why are you covering your eyes?"
"I-I can see your p-p-p-panty."
"Oh. Nah, we're kids! It's okay!"
"But mom said-"
"Quiet!" Naitikom niya ang kanyang bibig nang marinig ang utos nito. Nakarinig siya ng mga kalabog bago ito muling magsalita.
"It's okay to open your eyes now!" kahit nagtataka ay tinanggal niya ang palad niya sa kanyang mga mata. His forehead knot when he saw her wearing jogging pants.
"Where did you find that?"
"There!" Itinuro nito ang nakabukas na locker.
"Come on! Let's play! The last one to finish will treat me ice cream!" nagpalakpak pa ito. "This is yours--" sabay abot nito sa kanya ng puzzle na kasing laki ng puzzle nito. His eyes widened.
"It's impossible! I can't do this I'm only eight!"
Ginulo nito ang mga nakaayos na pieces sa sahig.
"Nothing's impossible when you try hard!"
"But-"
"Three... two... one... start!"
"Wait!-"
Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla nitong linagay isa-isa ang mga pieces. Mabilis siyang pumulot ng mga bahagi at inayos iyon.
---
Hinihingal siyang napahiga sa sahig.
"Loser! L-O-S-E-R! Loser! Nye, nye, nye, nye, nye! I'm still the King of puzzles!"
"It's queen, not king. You're a girl."
"I don't want to be a queen. I want to be a King!" nagpalakpak pa ito.
Napangiwi siya. Hindi ba napapagod ang batang ito? They played for three rounds already at di lang umabot ng limang minuto ay natapos na agad nito ang puzzle nito!
"Do you even get tired?"
Mabilis itong umiling.
"Sunny never gets tired! Sunny is strong and a King!" nagpalakpak ulit ito at tumawa. His lips parted.
"How old are you?"
"I'm six years old and I'm turning seven next week!"
"You're six?! How can you be so smart?! You're too young!" Tinaasan siya nito ng kilay.
Napailing-iling siya. No one in their class beat him in solving puzzles while this six years old girl beat him four times!
Napatingin siya sa wall clock. It's already six thirty in the evening. Magda-dalawang oras na pala silang magkasama nitong batang 'to.
"Hey, it's late already. Why are you still here?"
"I have class!"
Kumunot ang kanyang noo. "Class?" mabilis itong tumango.
"I attend night class! I'm a sped because I have ADHD!"
"A... D... what?"
"A-D-H-D! Attention Deficit Hyperactive Disorder! I'm very energetic and I talk a lot. I mean super-super lot! I can't stay in one place! I want to play every time! Like, every time! So my mom decided to transfer me to SPED because my past teachers can't handle me." Biglang naging malungkot ang mukha nito ngunit agad naman iyong nawala nang mapatingin sa kanyang likod.
Sinundan niya ito ng tingin.
"There's a refrigerator! May mga foods ba 'jan? Wait, ice creams?! Oh I want! I want!"
Tatakbo pa sana ito papunta sa ref nang bigla silang makarinig ng boses. Sabay silang napalingon sa pintuan ng kanilang classroom.
"Sunny! We've been looking for you!"
Nakita niya ang pagsimangot ng bata.
"You escaped your class again, baby!"
"Mama, I want ice cream!"
"No. You're not allowed to eat ice cream. Sabi ni Daddy Doctor, bawal diba?"
"But-"
"Let's go to your class now." At tsaka siya nito kinarga. Nagpumiglas naman ito kaya't mabilis na ibinaba ng ginang. Nang makababa ito ay nanlaki ang kanyang mga mata nang tumakbo ito sa kanyang direksyon at niyakap siya ng mahigpit.
His eyes widened when she kissed his right cheek.
"I like you! Marry me when you grow up okay?"
His heart skipped a beat.