Chapter Eighteen “May isang bagay ka bang ginawa na agad mong pinagsisihan?” Lara PARANG masisira na ang pintuan sa kakatadyak niya. Takut na takot ako sa kanya dahil para siyang nangangain ng tao. Panay ang mura niya dahil sa inis at pinaghalong sakit. Hindi ko masisisi ang sarili ko at ang desisyon ko dahil paano nga kung anak niya iyon? Ganito ba ang magiging kwento ng first love? Ayaw kong ganito maging kasakit ang first love ko. May pangarap ako at hindi ganito. Kaya kahit pagsisihan ko ay dapat ko na itong putulin. Mas okay pa iyong dati. Sa malayo ko lang siya natatanaw at walang attachments. Umiiyak ako habang naririnig kong nagwawaqla siya sa labas. Sorry dahil magiging ganito lang yung kalalabasan ng birthday niya. Nahihiya ako kay ma’am at sir. Pero hindi ko kasi mapig