Chapter Eleven “Maraming dahilan para magbago ang isang tao. Ngunit ang pagbabago para sa isang tao ay isang bagay na dapat ay pahalagahan. Yun bang tatalikuran niya ang dating gawain dahil mas mahalaga sa kanya yung kagustuhan mo kasya yung mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya dati – dahil nasayo na ang kasiyahan niya. Natagpan niya sayo. Kaya kung may nagbago dahil sayo, siya yung taong dapat ay iingatan mo. Mahalin mo. Kung bumitaw ka naman sa kanya, sundan mo, hilahin mo pabalik. Huwag kang tanga. Minahal ka at pinahalagahan ka. Huwag mong itapon ang hindi basura.” -Author Lara PAGKATAPOS ng hapunan ay bumalik ako sa kwarto at kumuha ng damit pamalit. Si Aling Lusing na ang naghugas ng mga pinagkainan. Manonood ako mamaya ng After the movie version pero hanggang ngayon ay wa