Chapter Seventeen “Aling unang beses na ang nanakit sayo? Sa damdamin mo? May regret k aba sa pagsubok mo sa unang beses na iyon? Pinagsisihan mo ba? Para sa akin, the best lahat ng first times dahil nga una at makabuluhan ito sa buhay. Lahat ng una ay naaalala. Tulad ng unang halik, unang pag-iyak mo sa mundo noong pinanganak ka, noong una kang magkacrush, noong una kang kumain ng pagkain na ayaw mo. Lahat ay maaalala mo na lang pagkatapos. Kaya ako, hindi ako nagsisisi sa lahat ng unang beses ng buhay ko.” -Author Leo PAGBABA ko pa lang ng kotse ay excited nang nakatingin sa akin ang mga tauhan namin. May dalang cellphone si Paeng na nakavideo pa sa akin. Si Lara, heto nakangiting nakakapit sa akin. Lumapit sa akin si Lorena na may dalang blindfold. Isinuot niya sa akin ang blind