Chapter 9 “Minsan, kapag kasama natin yung taong dahilan n gating saya, nagagawa natin yung mga bagay na hindi natin ginagawa. Ang tawag doon ay sakripisyo. Minsan, nagtataka tayo kung bakit nagagawa natin ito sa kabila ng katotohanang ‘first time’ ito sa ating buhay. Pero minsan mo na rin bang naisip na masaya palang gumawa ng bagay na ‘first time’ kapag kasama mo ang taong tunay na nagpapasaya sayo? Para sa akin kasi, mas memorable ang bagay na iyon. Mas maaalala ko siya. Mas magiging espesyal ang bagay na ordinary lang para sa iba. Ordinaryo man para sa iba, tunay naman itong sayo ay nagpaligaya.” -Author. Wala lang ulit. May ma-intro lang. LOL Lara Pagkatapos kong maghuga ng mga pinagkainan ay pumunta na rin ako sa aking kwarto. Nasa may pasilyo na ako papasok doon nang may