Chapter 8 “Walang matigas na tinapay sa mainit na kape,” Fernando Poe Jr. Paano kung hindi na mainit yung kape pero mainit pa yung tinapay? May mag-iinit bang kape? Sa palagay ko, kailangan mong gumawa ng apoy para mag-init yung kape. Sa love ganun din. Hindi sa lahat ng oras, mainit yung isa. Kaya dapat gumawa ng paraan para mag-alab ang nadarama. Tatanungin kita. Anong apoy na ang nagawa mo para sa kanya? Wala lang po. May masabi lang. LOL. Leo TATLONG beses ko siyang hinalikan dahil ginagalit niya ako. Langya. Parang gustong gusto pa niya yung paraan ng pagpaparusa ko sa kanya. Ako yata ang lugi doon ah. Tsk. Nakasunod lang siya sa akin habang naglalakad kami papuntang masahan. Pinakialaman niya ang paghahalo ng mga ingredients na ako lang ang nakakaalam. Sige, dahil pak